Iginaya ako sa malaking mansyon ni Alfieri bago pinaupo sa malaking itim na sofa sa malawak na sala. Naghintay naman ako roon habang pinaglalaruan ang aking daliri at iniisip kung paanong nagkagano'n si Diana. Oo, nung sinundan ko siya noon ay nakita kong nagtago siya ng handgun sa suot na gown pero hindi ko lang talaga maimagine ang aking kaibigan na may hawak na machine gun at inuubos ang mga kalaban sa isang pagbaril lang. Para siyang walking killer barbie. Nakakapanindig balahibo! "Where is she?" Agad akong napaayos ng upo nang marinig ang malamig na boses na iyon. Ilang araw na simula nang makita ko siya at hindi ko alam kung may lakas ba ako ng loob na lingunin pa si Alfieri. "Boss," rinig kong sabay sabay na sabi nila Cole. "Leave." Nagpantig naman ang aking tenga sa sinabi ni Al

