Disappointment. Gumuhit ang pagkadismaya sa aking mukha ng tuluyan nang lumapit ang bagong dating sa aking harapan. Ang ulan ay unti-unting binabasa ang kaniyang blond na buhok at puting T-shirt. Lumuhod si Lance sa aking harapan habang pilit hinahanap sa aking mga mata ang tunay kong nararamdaman. Umiyak lang ako. Sinubukan kong iiyak ang lahat, ngunit sapat nga ba ang isang gabi upang tuluyan akong makalimot sa sakit? Sapat na ba ang pagtulo ng aking mga luha upang maglaho ang nararamdaman? Hindi. "Amber." Naramdaman ko na lang ang yakap niya na siyang nagpakalma sa nanginginig kong katawan. "He doesn't deserve you. Hindi ka niya dapat iniwan rito." "L-lance..." "Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi rin kita sasaktan." Kumawala ako sa kaniyang ya

