"You killed the scientist! At hindi lang iyon, sinira mo rin ang buong laboratory at wala kang tinira! You scunning b*tch!" Dumampi ang kaniyang malaking palad sa aking pisngi. Wala naman akong nagawa kundi walang emosyong mapayuko. Nakaposas ang dalawa kong kamay habang ako'y nakaupo sa kahoy na upuan sa loob ng kahon na gawa sa babasaging salamin. Nanggagalaiti namang lumabas ng aking kinalalagyan ang lalaki makaraa'y di ako umimik. "Get the new sample." Rinig kong utos nito at maya-maya lang din ay muli siyang bumalik kasama ang panibagong doktor. "Sinira mo ang eksperimento ngayon lang naperpekto. Alam kong sinabi sa iyo ni Julio ang formula bago mo siya pinatay, at ang masaklap nga lang ay ayaw mong magsalita kaya sayo ko unang susubukan ang panibagong eksperimento, Meiyra." Kirot

