Hindi ako pinatulog ng maayos kagabi ng mga roommate ko. Tatlo lang ang kama rito, dalawang regular bed at isang extra matress sa sahig na good for two person. Sa huli, ay sa baba kami ni Diana at magkatabing natulog. Ngunit, imbes na makatulog ako ng maayos ay napalakas ng hilik nung dalawa at puro sipa o di kaya'y tulak sa mukha ang tinatamo ko sa blondie kong katabi. Sinong magaakalang ang may poised na si Diana ay isang monster pala kapag tulog? Well, I should have expected that. She is a monster barbie so she should be a monster when asleep too. Napakarami rin naming pinuntahang lugar sa Ilocos ngayon, kasama na roon ang Vigan at Bangui Wind Mill na siyang nakakamanghang tignan sa malapitan dahil sa laki at dami nito. Huli naman naming napuntahan ay pagudpud beach kung saan sinasabi

