Walong oras din ang naging byahe namin at walang tigil sa pagsasalita o kaya'y pagpapatawa ang aming tour guide, samantalang eto namang katabi ko ay mukhang bwisit na bwisit na sa lalaking nakaupo sa bandang kaliwa ko, nasa kanang bahagi kasi ang upuan namin at yung nasa left side namin ay walang iba kundi si Lance. "Am, baka nagugutom ka na? May dala akong sandwich." Ani nito habang inaabot sa akin yung ziplock. "Busog pa ako. Mamaya na lang." Ngiwi ko naman nang makarinig ng reklamo sa aking katabi. "Come on, Diana. Mabait naman si Lance ah." Siko ko sa kaniya. "I don't why but I hate him. He is noisy and annoying. Too childish. Tch." Konti na lang talaga iisipin ko na crush nito si Lance at nagseselos lang talaga sa aming dalawa. Hahaha! I'm sure as hell she is going to hit me with

