Kung kagabi ay napakasaya at perpekto, ngayon naman ay magkadan-ugaga ako sa paglilipat ng gamit sa aking maleta. Paano ba naman kasi hindi ko naalalang ngayon nga pala ang alis namin para sa tatlong araw na tour sa Ilocos. The bus leaves at 6am and it's already 5 ante meridiem. Tapos eto ako ngayon hindi pa nakakaligo at nagmamadaling naghagalungkat ng mga damit at personal necessities. "Argh!" Sigaw ko habang pilit isinasara ang aking maleta. Pinagsiksikan ko ang lahat roon. Kahit hindi na kasya at parang puputok na ay pinagpilitan ko ang mga gamit habang sinasara ito ng buong pwersa, at kung sweswertehin nga naman! Ayaw makisama ng bwisit kong maleta! "Please lang! Sumara ka na! Please!" Napatigil ako sa pagpupumilit ng may maalala. Tama! Bakit ngayon ko lang naisip iyon? Dala-dala

