CHAPTER 11 HANNAH ZAMORA

1112 Words
Nagdadalawang isip pa ako kung tatanungin ko ba si Marcos o hindi. "Oh? Napano ka at natulala ka diyan mahal ko?" tanong sa akin ni Marcos. "Gusto kong magsabi ka nang totoo," sabi ko sa kanya. Huminga ako nang malalim. Dahil kinakabahan ako sa kanyang magiging sagot. "NASAAN KA BA KAHAPON?" tanong ko sa kanya. "Andoon ako sa opisina ni Jake bakit ba mahal ko?" tanong niya sa akin pabalik. "Nakita kita kahapon na andito sa entrance nang building, pero hindi ako sigurado," sabi ko sa kanya. "Huh? Bakit ka andito kahapon?" tanong niya sa akin pabalik. "Naiwan ko kase ang wallet ko at..." napahinto ako sa aking sasabihin dahil ayokong malaman niya na hinati ako ni.. "Hinatid ka naman nang CEO mo tama ba?" sabi niya sa akin. Nagulat ako dahil hindi sana sasabihin ito sa kanya kaso mukhang nababasa niya ang isip ko. "Ano ba Hannah? Ipagpapatuloy mo pa ba ang pagiging manika mo sa CEO na yan?" tanong sa akin ni Marcos. Hindi ko na nagustuhan ang tono nang kanyang boses dahil tumataas na ito. "Teka bakit parang ikaw pa ang galit? I mean, naiwan ko ang wallet ko. Wala akong pamasahe o kahit ano man at saka hindi naman ako nagsabi na ihatid niya ako. Nag boluntaryo siya. Tinanggap ko dahil gusto niya lang makatulong," pag rarason ko sa kanya. "Bakit mo tinanggap? Alam mo naman na may gusto siya sa iyo diba? Alam mo na nagbi bigay siya nang motibo. At hinahayaan mo naman na maka pasok siya. HANNAH! MAY BOYFRIEND KANA!" hindi na napigilan ni Marcos na taasan ako nang boses. "Pwede mo naman ako tawagan Hannah. Andito ako Hannah oh! Hindi mo ba ako nakikita!? Nagseselos ako. HANNAH! KAYA AKIN KA LANG! AKIN KA LANG HANNAH!" sabi niya sa akin. Imbis na mapaiyak ako at matuwa dahil sa sinabi niya ay bigla kong naalala ang tawag. "Nasaan ang cellphone mo? Tinawagan kita kagabi pero iba ang sumagot," sabi ko sa kanya. Napatitig siya sa akin at mukhang nagulat siya. Na patalikod siya sa akin. "Babae ang sumagot sa cellphone sino siya? Asawa mo!?" hindi ko na napigilan na taasan ang boses. "sumagot ka Marcos!" humarap ako sa kanya. "Hindi ko alam kung ano ang iyong sinasabi Hannah. Tumigil kana." sabi niya sa akin. "Marcos? Sino siya? ASAWA MO BA? SI CELINA BA!?" nadulas ako at nabanggit ang pangalan niya. "Bakit nasama dito si CELINA?" tanong niya sa akin. "ehh.. Hindi ko alam... Wala akong maisip.. Bakit ba umiiwas ka sa aking tanong?" sagot ko sa kanya. "Marcos!? May tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo. Handa akong makinig sa iyo. Mahal kita Marcos. Sabihin mo sa akin," pagkukumbinsi ko sa kanya. "Pag sinabi ko ba tatanggapin mo pa ba ako?" tanong niya sa akin. Napatitig kaming dalawa sa isat isa na parang hindi handa sa mga susunod na mangyayare. "Hindi diba?" sabi niya sa akin. "Hindi diba? Kaya mas mabuting hindi mo na malaman para mahalin mo pa rin ako kaysa naman sabihin ko ang totoo. MAS MABUTI NANG MAG BULAG BULAGAN AKO SA KATOTOHANAN KAYSA SA MAWALA KA SA AKIN HANNAH," sabi niya sa akin. Hindi ako naka imik sa kanyang sa sinabi. Mga ilang minuto kaming dalawang na tahimik hanggang sa napag pasiyahan kong hubarin ang singsing sa aking kamay. Inilagay ko ito sa lamesa at Humiga sa kama. Ang lamig nang buong katawan ko sobrang lamig. Hindi ko maipaliwanag. Masakit naman ang nararamdaman ko. Parang sasabi ang puso ko dahil sa sinabi sa akin ni Marcos. Napagpasiyahan kong umalis. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang secretary ni Grayson sinabi ko sa kanya na papasok ako ngayon. Wala din naman ako magawa sa dito kaya mas mabuting pumasok nalang sa trabaho. Kinuha ko ang aking bag. Inayos ang laman nito. Pumunta ako nang banyo para maligo at inayos ko ang aking sarili. Napansin ako ni Marcos na nag aayos. "Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. "Sa trabaho," maikling sagot ko sa kanya. "Akala ko ba ay wala. Kang trabaho ngayon?" tanong niya sa akin. "Kanina wala, ngayon ay mayroon," sagot ko sa kanya. Pagka tapos kong mag ayos ay kinuha ko na ang aking bag. Lalabas na sana ako nang pinto kaso pinigilan ako ni Marcos. "Hannah ano ba..." hindi na ako tumingin sa kanya dahil alam kong tutulo ang luha ako pag makita ko ang mga reaksyon nang kanyang mukha. "Bitiwan mo na ako Marcos. Late na ako sa trabaho at kailangan ako doon sa company ni..." hindi pa ako natatapos sa aking sasabihin. "Ayan na naman. Mas inaalala mo pa ang lalakeng iyon at ang stupidong kompanya at mga trabaho mo doon kaysa sa akin. Kaysa sa problema natin," sabi niya sa akin. "ano pa bang maireresulba sa problema natin kung ikaw mismo ay ayaw sabihin sa akin ang totoo," sabi ko sa kanya. Binitawan niya ang aking kamay. "OH sige, lumabas ka. Umalis ka Hannah at iwan mo ako. Sa oras na lumabas ka diyan ay ibig sabihin nun ay mas pinipili mo pa ang lalakeng iyon kaysa akin," sabi niya sa akin. Bakit ganun? Hindi na na ganun ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang naman magpalamig muna at hindi para pumili. "kung handa kana nang sabihin sa akin ang totoo," sabi ko sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako nang pinto o hindi. Para maka siguro ako ay tumayo ako nang trenta minutos sa pinto. Kahit nagmumukha akong tanga ay ginawa ko ito. Para lang antayin na sasabihin niya s akin ang totoo, pero wala. Walang lumalabas sa kanyang labi. Doon na ako nagpasiyang umalis. "Aalis na ako Marcos," pinihit ko na ang door knob hanggang sa tuluyan na akong makalabas sa condo ko. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Napaiyak nalang ako. Kinuha ko ang aking sharlde at sinuot ito, naglakad na ako papuntang parking lot at sumakay sa aking kotse at nagbuga nang malakas na sigaw. "Aaahhh!!! Bakit!? Bakit Marcos?! Bakit kailangan mong magtago sa akin akin!?" sigaw ko na napigilan ang aking emosyon. Pinaandar ko na ang aking sasakyan at pinaharurot ito sa daan. Wala na akong pakealam sa stoplight kung naka red signal ba ito o hindi. Kahit naging beating the red light pa. Wala akong pakealam kahit mabangga pa ako at puro overtake na ang ginagawa ako. Hanggang sa Nahimasmasan ako nang konti at tinapakan ang brake. Kaso hindi ito gumagana. Hindi ko alam. Bakit. Pero hindi talaga ito gumagana. Hanggang sa nakakita ako nang poste at doon napagpasyahan ko na ibangga ang aking sasakyan doon sa poste kaysa naman madamay ko pa ang iba. Mas mabuti nang ganito. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD