"s**t! I forgot my wallet," Bulong sa aking sarili. Hindi ko namalayan na naiwan ko pala ang wallet ko. Nakakainis naman at kailangan ko pang umuwi sa condo namin para kunin ang wallet ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas nang pinto nang makita ko si Grayson. "Oh saan ka pupunta at mukhang nagmamadali ka?" tanong sa akin ni Grayson. Kailangan kong umuwi sa amin nakalimutan ko kase ang wallet ko at wala pa naman akong pera maliban nalang sa mga maipit ko sa bulsa nang bag ko.
"Medyo may kalayuan ang condo mo sa company natin. Halika at ihahatid na kita baka ma short kapa sa taxi," pagbobuluntaryo niya sa akin. Nahihiya ako at medyo awkward din na kami lang dalawa sa loob nang kotse pero wala akong choice dahil nangangailangan talaga ako ngayon. "Thank you so much Gray. Hayaan mo babawi nalang ako," Sagot ko sa kanya.
Naisip ko rin sana na gamitin ang sarili kong kotse kaso nakalimutan kong magpagas kanina baka bigla lng tumirik ang sasakyan ko sa daan. Wala pa naman si Marcos para alalayan ako. Nakakaramdam ako nang guilty sa ginagawa ko ngayon. Bakit kase ganito? Ang tanga ako.. Huhuhu. Habang nasa biyahe ay bigla lng hinawakan ni Gray ang aking kamay. "Hannah? Alam mo naman kung gaano kita kamahal at kung gaano ako kapursigudong maligaw sa iyo diba?" sabi niya sa akin. Inilayo ko ang aking kamay sa kanya. "Thank you Gray. Pero huwag ako," sagot ko sa kanya.
Gusto kong sabihin ang totoo may boyfriend na ako kaso ayoko lang maissue ako sa loob nang company at maging sa medya ay ayoko rin. Mas maganda na maging private kaming dalawa ni Marcos. Mas okay kung konti ang nakakaalam kaysa naman marami. Marami din magiging chismosa at pakealamera sa buhay namin. "okay lang kung hindi kapa handa, huwag kang mag alala. Maghihintay pa rin ako sa iyo. Iba ako Hannah. Iba ako sa mga lalakeng nakikilala mo at sa makikilala mo pa.
Hindi ako tulad nila. Kaya kitang panindigan at buhayin," sabi niya sa akin. Alam ko naman na kaya niya pero alam ko rin na hinding hindi rin ako pababayaan ni Marcos na magkandarapang naghihirap. Simpleng buhay lang naman ang hangad ako ang magkaroon nang pamilya kasama ang taong mahal ko. Nang makarating na kami sa Building at sinabihan ko si Gray na ako nalang ang aakyat. Tumakbo na ako papasok sa building. Nakita ko na may sakay na isa ang elevator at pwede pa akong makisakay. Hindi pa naman ito nagsara kaya tumakbo na ako papunta doon. Nang makita ako nang babae na hinahabol ko ang pagsara nang elevator ay hinarap niya ang kanyang kamay para madetect nang sensor na may sasakay pa. "oh gosh. Thank you so much," pagpapasalamat ko sa kanya.
Nakita ko ang babae na naka whole dress na pink. Maganda siya at maputi. Curly ang kanyang buhok lagpas sa balibat nito. Napatingin ako sa kanyang tiyan at parang buntis nga siya. Namula ako, naisip ko rin kung ano ang magiging hitsura ko pag buntis na rin ako ako. Napangiti ako nang parang baliw. "Ilang months na ang baby mo?" tanong ko sa kanya. " two months na siya ngayong buwan," Sagot niya sa akin habang hinihimas himas niya ang kanyang tiyan. "congratulations! Masaya ako para sa inyo at sa magiging baby ninyo," bati ko sa kanya. "Hehe, maraming salamat. Alam ko na excited na rin siyang makita ang mundo at alam kong mamahalin din siya nang kanyang ama pag nakita niya na ang sanggol na ito," sabi niya sa akin Bakit ganun? Bakit sinabi niya namamahalin? Bakit? Hindi ba siya mahal nang kanyang asawa at magiging anak nito? Tanong ko sa sarili ko.
Gusto ko sanang tanungin kung pa panindigan ba siya nang lalake o baka naman naging isang gabi lang sila at isang pagkakamali ang pagkabuntis niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Hindi ko alam bakit pero gusto ko lang sabihin sa kanya na dapat maging malakas siya sa kahit ano mang pagsubok dahil magiging ina na siya. "Maraming salamat," Sagot niya sa akin. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya kaso dumating na kung saan akong floor bababa. "Mauuna na ako ha," pagpapa alam ko sa kanya. Natawa lang siya sa akin at sinabi niya na dito din daw siya bababa. Inalalayan ko siyang humakbang palabas nang elevator.
Wala naman siyang dala kaya naisip ko na mauna nalang sa kanya. "Mauuna na ako may kailangan pa kase akong hanapin sa loob nang condo ko," sabi ko sa kanya. "ah o sige. Walang problema kaya ko pa naman mag lakad," Sagot niya sa akin. Iniwan ko na siya at agad agad na akong tumakbo sa aking condo. Nang makapasok na ako sa loob nang pinto ay naghanap na ako saan saan.. Pero wala ang wallet ko doon sa kwarto. Binaliktad ko na ang kama aylt hinanap sa kung saan saan. Pero wala parin. Naisip kong pumunta sa kabilang kwarto dahil baka andoon ang wallet ko. Lumabas ako sa aking condo at humarap sa pinto nang condo ni Marcos. Nang pihitin ko ang door knob at nakalockes ito. Wala nga pala akong susi baka na may Marcos. Ay bullshit.. Bumalik ako sa loob nang aking condo at pumunta nang cr dahil naiihi pa ako.. Nang makita ko sa gilid sink ang wallet ko. Ay, katanga ko naman. Nailagay ko nga pala diyan bago ako umalis ay hawak ko pala at nailagay ko diyan.. Nasapok ko ang sarili kong noo. Haha. Nagiging ulayanin na ako.
Hindi na ako nagtagal. Agad na akong bumaba sa Building dahil nag aantay sa akin si Gray. Nang makababa na ako ay tumawid na ako agad at sumakay sa sasakyan niya. Pinaandar na ni Gray ang makina nang sasakyan. Ngunit hindi pa kami nakakalayo sa building ay nasagi nang mata ko sa Marcos na papasok sa entrance nang building. Pero. Hindi ako ako sigurado dahil nalayo na kami nang pakonti-konti sa building.
"oh? Bakit? Para kang nakakita nang multo diyan? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Gray "Ahh.. Ano.. Oo.. Okay lang ako.. Kailangan na natin bumalik agad sa company dahil hindi pa ako tapos mamili nang bagong labas na cover sa magazine. At mga nag apply na modelo," Sagot ko kay Gray. Hindi lang naman pala modelo ang posisyon ko doon. Naging head din ako nang company ni Grayson. Dahil nga kulang daw sila nang ahente.. Ako na agad ang naisip niyang ilagay doon. Ata alam niyang mapagkakatiwalaan niya ako.