"Ahh... ganun ba? Sorry ha? Hindi ko na talaga iyon maalala, pero sorry. Nagmamadali ako, ito ang check ko, withdraw mo nalang okay kung magkano lahat lahat nang nagastos mo. Andito ang number ko at pangalan ko, sorry talaga nag mamadali ako. Sorry miss, pero nakikita ko naman na okay ka at mukhang hindi ka naman nasaktan, iiwan na kita. Tawagan mo nalang ako okay? Sorry talaga, mauuna na ako," pag hingi niya paumanhin sa akin. Lumakad siya papunta doon sa salamin na natanggal sa kotse ko at dinampot niya ito at saka bumalik siya sa akin at binigay ito. Wala na kaming napag usapan dahil umalis na agad siya. Ako naman ay hindi pa naman masyadong nakakalayo sa amin kaya bumalik na ako sa bahay, nakita ko si Marcos na kasama ang aming anak na nagpapaaraw sa labas. Ang sweet talaga nang mag a

