Mabuti nalang at tapos na rin ang duty ko sa opisina. Uuwi nalang din ako. “Oh sabihin mo na baby. Say papa,” rinig kong sabi ni Kiana. Pinipilit niya ang bata na magsalita. Hanggang sa narinig ko ang sinabi ni Baby Aiden. “Pa… papa,” napalitan nang kasiyahan ang kaba na aking nararamdaman. “Baby… wait lang uuwi na si daddy okay? Anong gusto mong pasalubong?” tanong ko sa kanya. “Love? Pwedeng bumuli ka nang ice cream? Please?” request sa akin ni Kiana. Talagang mahilig nga sa ice cream si Kiana. “Sige sige antayin niyo nalang akong umuwi,” sabi ko sa kanya. “Mag iingat ka Marcos. I love you, oh… baby, sabihin m okay papa I love you, dali na para may pasalubong siya pag uwi,” sabi ni Kiana sa bata. Imbis na mag I love you sa akin ang bata ay umiyak nalang siya. “Sige na Love. I love you to

