“Yey!!! Tita! Ikaw pala po… hehehe. May tita na ako,” sabi nang bata sabay niyakap ang aking isang binti. Mukhang nakita siguro nang babae na parang hindi ko siya kilala at hindi ko matandaan ang kanyang mukha. “Hannah? Bakit parang nakakita ka nang multo?” tanong sa akin nang babae. “Ahh… sorry ha, pero. Ano nga ba ulit ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. “Nawala ka lang nakalimutan na ako?” tanong niya sa akin. “Stop pretending Hannah please… ako ito si Romelyn Vega-Mateo,” sabi niya sa akin. Nang marinig ko ang pangalan na Romelyn. Siya nga. Siya nga ang best friend ko. Maaaring nakalimot ako sa hitsura dahil puro hindi malinaw sa akin ang mga larawan sa aking isip. Malabo at hindi ko talaga maaninag kahit pilit kong nalalahanin. Ngayon sinabi na niya ang kanyang pangalan ay lumiwanag

