CHAPTER 8 HANNAH ZAMORA

829 Words
Maaga akong umalis hindi para sa aking trabaho. Wala naman kase talaga kaming photoshoot ngayon. Ang totoo ay pumunta ako sa bahay ni Romelyn. Binisita ko lang ang aking kaibigan kung kamusta na ba siya o kaya naman anong lagay niya ngayon. Ang sabi niya sa akin ay wala naman daw akong dapat ipag alala dahil nasa mabuting kalagayan naman siya. Doon na ako nag breakfast sa kanilang bahay. Pagkatapos ay pumunta ako sa mall dahil naghanap ako nang pwedeng mairegalo kay Marcos dahil matagal na rin kaming hindi nagbibigay sa isa't isa. Alangan naman na antayin ko pa siya. Mauuna na lang akong mag bigay. Alam ko kaseng sobrang busy siya sa trabaho kaya dapat ko rin siyang intindihin. Habang naghahanap nang mabibili sa ay bigla akong napadaan sa mga linya nang mga damit pambata. Hindi ko alam kung bakit. Parang nag blush ako nang konti. Alam ko kase na malapit na rin kami magka pamilya ni Marcos. Hehehe. Wala na akong choice. Pumunta ako sa damit pambata. Nakita ko ang mga maliliit na medyas at damit. Sobrang ganda. Nakita ko rin ang mga bonet at mga hairbands na pwedeng magamit. Medyo kinakabahan ako nang walang dahilan ngayon. Parang nag iba ang aking pakiramdam. Siguro dahil sa iniisip ko na magiging mommy at daddy na rin kami anytime. Para akong tanga na nakangiti. Di bale nalang. Naglakad ako papunta sa mga laruan. Nakita ko ang mga toys na sasakyan. May mga iba't ibang kulay na barbie. Napaenjoy na rin ako sa aking pag titingin. Hanggang na naisip ko na bumili kaya ako nang damit na pambata. Damit nang pang lalake. Gusto ko kase lalake ang mauna sa amin. Oh my gosh! Nagbablush ako at nag iinit ang aking pisngi. Hanggang na may nakursunadahan akong jacket na superman. Bagay na bagay talaga ang paborito kong kulay sa magiging future baby boy namin. Pagkatapos kong pumunta sa counter at binayaran ang aking binili ay muli akong naglakad sa mall. Napadaan ako sa isang kiddie play department. Nakita ko doon ang mga bata na naglalaro nang mga bola at barbie kasama ng kanilang mga yaya.   Lumapit ako konti at napahamak sa glass wall. "Soon makakalaro din ako kasama ang aking future baby." Sabi ko sa aking sarili at para akong naging tanga na hinawakan ang aking tiyan. Naglakad ako papunta sa wristwatch store at doon naisipan kong bilhan si Marcos nang relo. Nakita ko kase na uso uso ngayon sa internet ang relo tapos may quotation sa likuran nito at pangalan nang lover. Pumasok ako doon at bumili nang relo. Ipinalagay ko na rin ang aking pangalan at inilagay ang katagang na, "We have different bodies but our souls are one. Love Hannah." Pagkatapos nila itong isulat ay ipinabalot ko ito nang red wrapper at may ribbon na pink sa gitna. "Perfect." Pagkatapos ay umuwi na ako agad sa aming condo. Naalala ko rin na sinabi pala sa akin ni Marcos ay hindi naman pala siya nag ibang lugar. Kumuha lang siya nang condo sa parehong building at magkatabi lang pala kami. Haay nako sayang lang ang pera. Hindi na namin alam kung ano ang gagawin namin sa isang condo. Nag madali na akong umuwi. This time hindi na ako nag motor. Sobrang init kase nang panahon. Nagtaxi nalang ako pauwi. Nang makarating na ako sa bahay ay sakto tanghalian na. Hindi naman ako nagtagal sa mall dahil may shooting pa ako bukas at hindi ako pwedeng mapagod. Pag kauwi ko nang bahay ay wala si Marcos. Marahil ay nasa company siya ngayon ni Jake. Paghahanda ko nalang siya nang masarap na tanghalian. Pagkatapos ko magluto ay sinubukan kong tawagan si Marcos sa kanyang cell phone pero hindi niya ito sinasagot. Sinubukan ko ulit nang pangalawang beses, hanggang sa naging pangatlo, pang apat at ikalima. Walang sumasagot. Pero nag riring ha. Pumunta ako sa may lamesa at inilagay ang telephone number nang ni Jake. Ang tagal mag ring. Halos 3minutes na akong nag aantay. Wala pa rin. Ibinaba ko nalang ang tawag. Baka sobrang busy ngayon ang aking mahal. Di bale nalang aantayin ko nalang siya umuwi. Kahihintay ko sa kanya, saka ko lang pala naalala na sinabihan ko pala siya na may trabaho ako ngayon. Ay palpak! Hindi na siguro siya uuwi nang tanghalian. Di bale nalang. Pasado 1:30pm na akong kumain nang lunch. Hanggang na naubos ko na ito lahat. Sobrang nagutom ako. Nagpahinga ako sa sofa nang sampung minuto hanggang sa humiga ako sa kama. Hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog. Nagising ako nang may biglang kumalabog sa kabilang condo. May tao doon? Tiningnan ko ang wall clock. Ala singko trenta na pala nang hapon. Kailangan ko nang magluto. Kaso, bago ako pumunta nang kusina ay sinubukan ko munang tawagan ang cell phone ni Marcos. Nag ring ito. Pero pinagtataka ko. Bakit parang may naririnig akong tunog galing sa dingding at kapareho sa ring tone nang cell phone ni Marcos. Lumakad ako dahan dahan papuntang sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD