CHAPTER 7 MARCOS JACOB

901 Words
Ang daming tanong na kumakalat sa aking isipan na walang sagot. Kailangan kong mag imbestiga pa. Sino ba talaga si Jake? Matagal ko na siyang kaibigan pero wala din akong alam patungkol sa kanya. Alam kong namatay na ang kanyang mga magulang at napasa sa kanyang ang lahat ng kayamanan nito. Ito lang at wala na. Isa pa, bakit nga pala naging interesado si Jake na maging agent din kagaya ko? Bakit kailangan niya malaman lahat nang aking nalalaman? Anong plano niya? "Hoy..." Nawala na ako sa sarili dahil sa inisip ko ay hindi ko napansin na kinakausap pa pala ako ni Hannah. "I signed the contract." Sabi niya sa akin. Oo nga pala. "It's okay my love. May tiwala ako sa iyo at sana ganun ka rin sa akin. Huwag mo kang mangamba dahil kahit anong mangyare poprotektahan kita. Alam kong nagpakalayo-layo na rin si Clay sa atin dahil alam niya kung babalik pa siya ay baka mapatay ko na siya nang tuluyan at sa pagkakataong iyon ay sinisiguro ko na sa kamay ko na siya mamamatay. Sorry Hannah. Pero kailangan ko nang gawin iyon pag buhay mo na ang nakasalalay dito." Sabi ko kay Hannah. Hinawakan niya ang aking pisngi at hinalikan ako sa labi." Huwag kang ma stress mahal ko alam ko naman na hindi mo ako pababayaan at isa pa, pwede bang bumalik kana sa akin? Dito kana ulit matulog sa ating kama. Miss na Miss na kase kita."  Paglalambing niya sa akin. "Bakit ka kase may mens? Kung wala lang yan kanina pa kita nilamutak. Baka kanina pa kita kinain. Titirik na naman ang mata mo sa akin. Hahaha." Sinabi ko ito nang pabiro sa kanya. Imbis katawa siya ay hinampas niya ako nang pag kalakas-lakas sa braso. "Pasalamat ka at may mens pa ako dahil kung wala! Kabahan kana. Magiging tatay kana!" Bawi niya sa akin. Masaya ako kung mangyare iyon kaso sa sitwasyon namin ngayon ay hindi pa pwede. Hindi pa kase ako mayaman talaga. Hahaha. Pero bago iyon tatapusin ko muna lahat ng business na pinasukan ko. Masaya ako dahil kinuha ako ni Jake sa dati kong boss at doon ako nagkaroon ng laya. Naging malaya nga ako pero alam kong hindi titigil si Celina. Kilala ko siya. Maghihiganti talaga siya at gagawin niyang lahat para makita kaming nagdurusa. Magsasalita pa sana ako patungkol sa kanyang bagong buhay sa pagiging modelo kaso narinig niyang kumakalam na ang aking tiyan. Gutom na ako. "Gutom kana?" Tanong sa akin ni Hannah. "Opo. Pwede ba ikaw nalang ang kainin ko? Masarap naman kahit may red red ang flower diba?" Sabi ko sa kanya. At sa ikalawang biro ko ay ang palad niya na ang itinaas niya para sampalin. Pero napigilan ko ito. "Akala mo ba hindi ko kayang gawin iyon?" Dagdag ko pa. As if gagawin ko talaga. Gusto ko lang makita ang reaksyon nang kanyang mukha. Napatingin siya sa ibaba at namula. "Luh. Asa ka! Hahaha!" Sabay nag pakawala ako nang malakas na tawa. At sa pangatlong pagkakataon na pang aasar ko sa kanya ay tuluyan na talagang dumapo ang palad niya sa kanang pisngi ko. "Bastos ka talagang tukmol ka ha!" Ako naman ay napahamak sa aking pisngi. Ang sakit nga talaga. "Hindi na nga eh joke lang. Huhuhu. Pero pwede ko naman kainin iyong dalawa kong pakwan diba?" Namiss ko lang talaga si Hannah kaya ko siya kinukulit ng sobra ngayon. Matapos ang isang buwan na naging okay kami ay niyaya ko si Hannah na idate siya dahil sa sobrang busy namin dalawa ay nakakalimutan na namin mag date. Pumunta kami sa resort na kung saan walang masyadong tao. Si Hannah ay palaging may suot na itim na shades, dahil alam niya na baka makilala siya ng mga tao. Hindi rin siya masyado nagsasalita at tumititig sa kahit kanino. Lagi lang siyang nakatago sa aking likuran. Kabaliktaran naman pag kami lang mag isa sa loob ng kwarto. Doon na kami nagiging wild. Minsan din nanonood kami nang porn para matutunan ang bagong style. Hehehe. Actually, ako lang talaga ang nanonood hindi pala siya. Matapos ang dalawang buwan ay okay pa rin ang relasyon namin ni Hannah mas tumindi pa ang pagmamahal ko sa kanya. Nauna nang umalis si Hannah dahil may photoshop pa daw siya at kailangan daw maaga dahil isa sakto daw nila sa sunrise. Ako naman ay nakahilata pa rin sa kama. Nagulat nalang ako nang may biglang tumawag sa akin na hindi ko kilalang numero. Noong sinagot ko ito ay narinig ko ang boses nang babaeng humahagulgol. "Marcos? Ikaw na ba ito?" Sabi sa kabilang linya. Tinanong ko kung sino siya. Hindi siya nagpakilala, ang sabi niya sa akin ay kailangan daw kaming magkita nang personal. Binigay niya sa akin ang address at pumunta ako doon sa kinaruroonan niya.   Napaupo ako sa isang restaurant at hinihintay siyang dumating. Nang makita ko ang isang babaeng naglalakad papunta sa akin ay malamang siya na nga ito. Umupo siya sa kabilang upuan paharap sa akin. Tinanggal niya ang kanyang shades. Nagulat ako nang familiar sa akin ang kanyang mukha. Nagpakilala siya na siya daw ang babae sa bar. Sabi niya sa akin ay may nangyare daw sa amin at sa sobrang kalasingan ay hindi na daw namin napigilan ang aming sarili. "Ayaw sana kitang guluhin pero hindi ko na kase kayang itago pa. Marcos? Buntis ako at ikaw ang ama. Nang pinagbubuntis ko."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD