CHAPTER 6 MARCOS JACOB

1314 Words
Bago ako tuluyang umalis ay binigyan ko nang tio lahat ng empleyado sa loob ng bar pasalamat ko na rin dahil hindi ako pinabayaan. Sabi naman nila sa akin ay inaasikaso daw nila nang maayos ang kanilang mga tao na pumapasok sa loob para bumalik balik daw ang kanilang mga customer.   Nakauwi ako nang condo, nang makapasok ako ay nahiga na ako bigla sa kama at doon ako nakatulog ulit. Nagising ako nang may tumapik sa aking likuran. "Marcos? Hui... Gising." Pamilyar sa akin ang boses niya pati amoy. Muli kong idinilat ang aking mga mata dahan dahan. Nang makita ko ang mukha ni Hannah na nakatingin sa akin. Haay... Parang ayoko nang gumising. Pipikit pa sana ako kaso ay pinitik na niya ang aking ilong. "Saan ka galing kagabi?" Tanong sa akin ni Hannah.   Bigla akong bumalik sa realidad at naaalala ang buong pangyayari. Andoon pala ako sa opisina ni Jake at napanood ko silang dalawa ng kanyang lalake. "Kamusta ang date? Masaya ba?" Tanong ko kay Hannah. Napahawka siya sa kanyang sentido at hinilot ang kanyang ulo. "Hindi iyon date. Akala ko kase ay magkakaroon lang kami nang meeting or conference, hindi ko inaasahan na ganun pala ang gagawin niya. Eh ikaw? Saan ka galing kagabi?" Pabalik niyang tanong sa akin. "Andoon lang naman ako sa opisina ni Jake habang pinapanood kang nakikipaglandian sa iba!" Hindi ko napigilan ang aking sarili. Naatasan ko nang boses si Hannah at naka pag palabas ako nang masamang salita sa kanya. Hindi ko ito sinasadya. Marahil ay nadala lang ako sa bugso nang aking damdamin.   Gusto ko sanang bawiin ito, kaso huli na. Sinampal ako ni Hannah nang malakas sa aking kanang pisngi. Nakita ko na namumula ang aking mukha dahil sa galit sa akin. Ang kanyang luha ay pumapatak na rin sa kanyang mga mata.   Hindi ko na alam ang aking gagawin na pasobra ako. Hindi man lang ako nag isip kung ano ang aking sasabihin. Humingi ako nang tawad sa kanya at niyakap siya. Hindi niya ako niyakap pabalik. Umiiyak lang siya nang umiiyak sa aking braso. Paulit ulit kong hinihimas ang kanyang likuran para tumigil. Hanggang sa binuhat ko siya at inihiga siya sa kama.   Pumaibabaw ako sa kanya at hinalikan siya sa labi ng dahan dahan. Kinuha ako ang kanyang dalawang kamay para ilagay sa aking balikat. Idiniin ko ang aking halik sa kanya hanggang sa nararamdaman ko na gumaganti na rin siya nang halik sa akin. "Kailangan kita Hannah. Kailangang kailangan kita." Bulong ko sa kanya. Pumaibabaw ako sa kanya at pinunit ang kanyang suot na damit. Tumambad sa akin ang kanyang bra na itim at malulusog na dibdib. Hinalikan ko siya sa kanyang labi pababa sa kanyang leeg. Hinahawakan niya ang aking ulo at buhok. Alam kong sabik na sabik na siya sa aking halik at ganun din ako kasabik sa kanya. Inalis ko na ang kanyang bra at nila as lamas ang kanyang s**o. Kaso nagulat ako nang bigla niya akong tinulak. Nainis ako sa ginawa niya. Bakit? Ayaw niya ba? "Ano? Ayaw mo na ba sa akin Hannah?" Tanong ko sa kanya. Tumayo siya sa kama at naglakad papunta ka may upuan para kunin ang bathrobe.  "Gaga! May menstration ako. Gusto mong tikman?"  Tanong niya sa akin. Natawa ako sa sinabi sa akin ni Hannah. Sa tagal tagal na namin nag sisex ngayon pa lang ako naka timing na may menstruation siya ngayon. Napahamak siya sa kanyang puson at hinilot hilot ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "Sorry Hannah sa nasabi ko. Alam kong mali iyon. Sorry hindi ko napigilan ang aking sarili. Nagalit ako agad dahil sa nakita at narinig ko." Pagpapaumanhin ko sa kanya. Niyakap niya rin ako pabalik. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na tanungin siya patungkol dito. "Hannah? Pumirma ka ba sa kontrata?" Sana hindi. Sana hindi niya ito tinanggap. Naramdaman ko na huminga nang malalim si Hannah.  "Tinanggap ko ang offer nila sa akin na contract. Isang taon lang naman. At saka mahal ko? Please. Mag tiwala ka sa akin. Hindi naman kita lolokohin at hindi ko iiwan ang kagaya mo. Gusto ko rin humingi nang tawad dahil una sa lahat ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit tayo ay hindi nagkapansinan. At saka isa pa mahal ko. Dapat intindihin mo ako dahil nagulat ako nang malaman ko ang totoo. Wala ako sa matinong pag-iisip nang malaman ko na ikaw ay isang serial killer. Sorry. Dapat nakinig ako sa iyo bago mag desisyon. Dapat nakinig ako sa paliwanag mo. Ngayon andito kana sa aking harapan. Maaari ko bang marinig ang iyong paliwanag?" Sabi sa akin ni Hannah.  Sinabihan ko siya na magbihis muna at doon kami mag usap sa kusina, gusto ko rin siyang ipagtimpla nang kape dahil namiss ko siya sobra. Gusto kong pagsilbihan siya. Gusto kong bumawi sa kanya sa kabila nang lahat. Akalain mong dalawang linggo kaming hindi nagpapansinan. Pagkatapos ayusin ni Hannah at mag bihis nang damit ay sabay kaming pumunta sa kusina para pag-usapan. Sinabi ko sa kanya na dati akong nagtatrabaho sa kompanya nang tatay ni Celina.  Sinabi ko rin na napag-uutasan lang ako na oumatay dahil illegal lahat nang ginagawa namin sa loob. Bale ako ang naging assassin nila sa mga taong kumakalaban sa aming company. sinabi ko rin na marami na rin akong napatay at ginagawa ko lang ito dahil dito ako nabubuhay. Isa pa, ikinuwento ko rin ang patungkol sa totoong nangyare sa aking inay at itay. Sila man din ang dahilan kung bakit ako nasangkot sa ganung trabaho. Pero sinabi ko sa kanya na tumigil na ako simula nang nag trabaho ako kay Jake ay hindi na naulit ang ganung pangyayari. Naging trabahante ako ni Jake. Ang sabi niya sa akin ay pumirma ako nang kontrata sa kanya, pero sa loob ng mahabang panahon ay hindi ako gumawa nang karumal-dumal ulit. Ipinaliwanag ko rin kay Hannah na noong dati ay walang tumatakbo sa isip ko kundi ang paghihiganti kaya wala akong pakealam sa buhay ng mga ibang tao. Ngayon nang makilala ko si Hannah nag iba na ang kilos nang mundo. Ginusto kong mag ingat dahil alam ko na sa konting pagkakamali ko ay maaaring mawala siya sa akin. Katulad nalang nang nangyare sa yacht. "Nga pala. Nakatakas si Clay sa yacht nang hindi natin nalalaman. Hindi ko alam. Kung paano pero malaking posibilidad na isa sa mga crew ni Jake ang nagtakas sa kanya o baka naman buhay si Clay. Ayoko na rin magtiwala kay Jake. Hindi ko alam. Kung ano ang takbo nang kanyang isip. Si Cris naman ay matagal na siyang nagtatrabaho sa akin kaya wala akong duda sa kanya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya." Sinabi ko kay Hannah. "What do you mean na nakatakas? Sino ba ang huling kasama ni Clay? Hindi ko nga alam kung saan niyo siya inilagay at kung ano ang ginawa niyo sa kanya." Sagot sa akin ni Marcos. "Ganito kase iyon. Inilagay namin siya sa engine room at pinilit namin siyang magsalita patungkol sa kinaroroonan ni Celina pero ayaw niyang umamin. Kahit pinagbantaan namin ang buhay niya ay hindi siya nagsasalita patungkol kay Celina. Tapos nawalan ng pasensya si Jake. Kinuha niya ang kanyang baril at binaril si Clay sa dibdib. Ang alam ko ay namatay siya sa tama ng bala." Sabi ko kay Hannah. Muli kong binalikan sa aking isip ang pangyayare. Pinilit kong kumuha pa nang mga larawan sa aking isip. Hanggang sa naalala ko na wala pala akong nakitang dugo na lumabas sa dibdib ni Clay. Hindi kaya naka bulletproof siya? Pero paano? Ang lapit nang baril sa kanya at alam kong tatagos ang bala sa kanyang katawan o mali ako. Paano kung kasabwat niya rin si Jake? Ginawa niya lang ito para makawala sa sitwasyon si Clay? Pero kung naging kasabwat niya si Clay? Bakit niya sasabihin sa akin na nakawala si Clay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD