Gaya nga ng sinabi niya ay dumating si James at sakto namang kaaalis lang din ni Kenneth. Ayaw niyang magpang-abot ang dalawa dahil sigurado siyang magkakasakitan na naman ang mga ito. "How are you, my princess?" Ngiti sa kan'ya ni James "I miss you so much" "I'm good, ikaw mukhang pumayat ka sa davao?" "Malaki kasi ang problema sa davoa. Actually 2 days lang ako rito, nagpaalam lang ako kay dad. Gusto lang kitang makita at kumustahin kayo ni baby" At hinalikan siya sa isang pisngi. Nakaramdam naman siya ng saya. Hindi siya nagkamali sa pagpili niya kay James, sobrang bait nito at maaalalahanin. "Okay lang kami ni baby, ikaw h'wag mong pababayaan ang sarili mo roon" "Siya nga pala may dala ako sa iyo" At binuksan nito ang mga paper bag na dala. May mga pregnancy milks, vitamins, f

