Nang makaalis si James ng araw na iyon ay inabala niya ang sarili sa panunuod, paghiga, pagkain at scroll sa social media sobrang dami na niyang message galing sa mga other friends niya asking her bakit hindi na siya pumaparty. Nang bigla niyang hinawakan ang wala pa niyang umbok na tiyan. Halos magdadalawang buwan palang siyang buntis pero ramdam na ramdam na niya ang pagmamahal niya para sa anak. Agad siyang napangiti. Mabilis lumipas ang isang linggo at ni hindi man lang nagparamdam si Kenneth. Dapat ay maging masaya siya pero bakit parang nalulungkot siya? Natauhan na ba ito sa paghahabol sa karapatan nito? Alas onse ng gabi nang hindi siya makatulog at naisipan magtimpla ng gatas. Saktong kalalabas niya palang nang bumukas ang main door. Agad siyang kinabahan. Pero nang buksan n

