Agad itong natawa sa kan'ya.
"I like you yes, pero hindi ako rapist" Tatawa-tawang sagot nito.
"Mabuti ng nagkakaintindihan para malinaw"
"I just want to know kung bakit mo ako biglang isinama rito?"
"Nothing!"
"Come on Eli, I know your calliber. May binabalak ka ba?"
Hindi siya nagsalita.
"I can see the way you look that man"
"What?!" Inis na sabi niya.
"Don't be hypocrite Eli, you like him. Do you?"
"Yes! Are you happy now?" Iritang sagot niya dito.
"Why him? I mean, she's your bestfriend's boyfriend. Marami naman nagkakandarapa sa iyo diyan. Why taking risk?" Curious na tanong nito.
"You want to know the truth? I really don't know. Kaya ang mabuti pa tulungan mo akong pagselosin siya"
"Pagselosin siya? I can see the way she look his girl na mahal na mahal niya ito. I don't think na magseselos iyon sa iyo"
Agad siyang nakaramdam ng inis. "Really Alexis? Then try me. What Eli wants, Eli gets" Sabay ngisi.
Agad siyang nagpalit ng sexy swimwear bikini outfit.
"The f**k Eli!" nang makita siya ni Alexis
"Why?" Ngisi niya rito
"You're so damn sexy!"
Tignan ko lang kung hindi pa maglaway sa akin 'yang Kenneth Dylan Sy na 'yan.
Bago lumabas ay naglagay muna siya ng cover up.
"Hi Eli!" Bati sa kan'ya ni Abi.
Katabi nito si Kenneth na naka boardshort lang at puting summer design sando. Nagpupumutok ang mga biceps nito. Mukhang siya yata ang maglalaway.
Nang mapatingin siya kay Abi ay naka rushguard lang ito.
"Ano ka ba Abi! Highschool ka ba?!" Taas kilay na sabi niya rito.
"Ha? Bakit?" Takang tanong nito.
"Why are you wearing that? Let's go. I have a spare pair of bikini's in our room" Aya niya rito at hinila niya ang isang braso nito.
"No. I don't want her to expose even a small part of her skin. Ayaw na ayaw ko siyang mabastos ng tingin ng mga ibang lalaki rito" Sagot ni Kenneth na masama ang tingin sa kan'ya.
"Really? So possesive ha? Don't you feel proud kung hangaan siya ng ibang lalaki?" Taas ang mga kilay na sagot niya rito.
"Definitely not! I just want her for myself. If you're too confident to brag yourself infront of others, then h'wag mo ng idamay ang girlfriend ko" balewalang sagot ni Kenneth sa kan'ya na ikinainit ng ulo niya.
"Ken! Tama na" Saway sa kan'ya ni Abi
Agad siyang nasaktan pero hindi niya ito ipinahalata.
"That's fine Abi. Well, wala naman akong pakialam sa paniniwala niya" At nagmartsa na siya paalis.
So ayaw pala nito sa babaeng nag-eexpose ng katawan? I don't care. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa kan'ya! f**k him! Inis na sabi niya sa sarili.
Kaya imbis na pumunta ng kwarto ay bumalik siya sa labas at tinanggal ang cover up niya exposing her sexy body.
Halos maglaway ang mga lalaking kasama nila nang makita siya.
Nang tignan niya sa gilid ng mga mata niya si Kenneth ay wala man lang itong pakialam sa kan'ya at busy'ng-busy na nakikipagtawanan kay Abi.
Nagulat siya nang may humila sa mga gilid ng bewang niya.
"It's showtime!" Sabi sa kan'ya ni Alexis sabay kindat.
Naghabulan sila nito sa may tubig. Paminsan-minsan ay binubuhat siya nito at inihahagis kaya napapayakap siya rito.
Nang mapalingon sa gawi nina Abi ay nakita niya ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Kenneth habang nakatingin sa kanilang dalawa. Pero hindi niya ito pinansin.
Nang umahon ay hindi niya pinagkaabalang takpan ang sarili. Sabay silang naglakad ni Alexis sa pwesto nina Abi. Habang nakahawak pa rin sa bewang niya ang lalaki.
Naglampungan sila sa harap ng mga ito.
Nang biglang tumayo si Kenneth. "Wait me up here, babe. I'll just need to call someone"
Tumango lang si Abi.
Ilang sandali lang ay nakaramdam siya ng urge para umihi.
Agad siyang pumunta ng cr. Saktong paglabas niya ay ang pagdaan din ni Kenneth. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy na sanang maglalakad nang hinila siya nito sa isang braso.
"Hey! Nasasaktan ako!" Hila nito sa kan'ya sa may tagong parte ng resort.
"I'll get straight to the point. I don't want you to be Abi's friend!" Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya.
"What are you talking about?! Sino ka para pagbawalan akong makipag kaibigan kay Abi?!" Inis na sabi niya
"I don't want her to get influence by your wrong doing. Look at you wearing like that?! Kulang nalang maghubad ka na! And seriously? everytime I see you, iba't-ibang klase ng lalaki ang nilalandi mo!"
Akmang sasampalin niya ito nang pigilan nito ang kamay niya. "Does it hurts?" Ngisi nito.
Nasaktan man ay hindi siya nagpahalata. She's Eleanor Fontanilla!
"Why? Are you jealous? Gusto mo bang ikaw naman ang landiin ko?" Ngisi niya rito at tumingkad sabay hila ng mukha nito at halikan ito.
Hindi niya pinakawalan ang mukha nito kahit pinipigilan siya nito.
Kinuha niya ang isang kamay nito at itinapat sa may mga dibdib niya.
Pero agad din siya nitong itinulak. "The f**k! What's wrong with you?!"
"Don't tell me hindi mo nagustuhan?"
"You're pathetic b***h! I have a girlfriend and I love her. At hindi ko siya ipagpapalit sa isang cheap na katulad mo na pinagpasa-pasahan na ng iba't ibang klase ng lalaki! Hinding-hindi kita papatu--" Nabitin ang sasabihin nito nang sampalin niya ito ng ubod lakas.
Bago pa ito makahuma ay nagmartsa na siya paalis.
Tumakbo siya sa may kwarto niya habang umiiyak.
Ako? Pinagpasa-pasahan na ng iba't ibang klase ng lalaki?! No! Hindi niya ito matatanggap. You will see Kenneth! Makukuha rin kita!
Kinagabihan ay napagpasiyahan nilang mag-inuman.
Ngunit hindi siya nakisali sa mga ito. Mag-isa lang siyang nakaupo sa isang high chair at nakaharap sa may dagat.
"Eli, may problema ba?" Lapit sa kan'ya ni Abi.
"Ah? Wala naman Abi, why?"
"Napansin ko kasing ang tahimik mo simula pa kanina" Alalang tanong sa kanya ni Abi.
"No. I just want to be alone"
"Ah sige, magpapahinga na ako. Inaantok na kasi ako, basta pag may problema ka magsabi ka lang ha?" Sabi ni Abi. Nakita niya si kenneth na papunta sa direksyon nila.
"Let's go babe. Hatid na kita sa room natin tapos magpapaalam na rin ako sa kanila" Akay ni Kenneth dito.
"No Ken, I'm fine. Mag-enjoy ka muna doon. Alam mo namang hindi lang talaga ako sanay na nagpupuyat" Tanggi ni Abi.
"Are you sure?"
"Oo naman" At binalingan siya ni Abi. "Goodnight, Eli" At tuluyan ng umalis ang dalawa.
Agad niyang ininum ang tequila na hawak niya.
Nakakailang shot pa siya nang mapagpasiyahang bumalik na ng kwarto nila ni Alexis.
Akmang baba na siya nang muntik na siyang matumba. Mabuti nalang ay may matigas na kamay na pumulupot sa may bewang niya.