Chapter 4

1067 Words
Halos mayakap na niya ito. Nang lingunin ay nakita niya si Kenneth. "Don't touch me!" Sigaw niya rito. "Kaya ko!" "Okay" Sabi nito at agad siyang binitiwan. Akmang maglalakad na siya nang biglang umikot ang paningin niya. Pero pinilit niya pa rin na maglakad. Nakakaisang hakbang palang siya nang muntik na naman siyang mabuwal at masalo na naman nito. "Ano ba!" Bulyaw niya rito. "Hatid na kita sa kwarto mo" Walang emosyong sagot nito. "No! Pwede ba? kaya ko! Si Alexis. Siya ang maghahatid sa akin!" "Really? Iyong alexis mo. Ayun oh? Lasing na lasing na kasama ng mga classmates niyo"  "Then, I can take care of myself! I don't need your help!" At akmang maglalakad na naman siya nang muntik na namang mabuwal. "Hard headed!" Narinig niyang sabi pa ni Kenneth at bigla siyang binuhat. "Ano ba ibaba mo nga ako!" Habang pinaghahampas ang isang dibdib nito. Nang makarating ng kwarto ay agad siya nitong ibinaba sa may kama. Pero dahil sa pagkalasing ay nahigit niya ito at nahila ito paibabaw sa kan'ya. Matagal silang nagkatinginan. Pagkatapos ay agad niya itong hinalikan. Iniyakap niya ang dalawang braso niya sa leeg nito. Ilang sandali lang ay bigla nitong sinagot ang halik niya. Hinalikan siya nito ng mariin.  "Make love with me please" Wala sa sariling daing niya rito. Pero parang binuhusan ito ng malamig na tubig at agad siyang binitiwan at mabilis na lumabas ng pinto. Agad siyang nakatulog sa kalasingan. Kinabukasan ay wala siyang ganang lumabas. Si Alexis naman ay walang nagawa kaya lumabas nalang itong mag-isa. Ito na ang huling araw nila at bukas ng umaga ay aalis na rin sila. Ilan na ang kumatok sa kwarto nila pero hindi niya pa rin ang mga ito pinapapasok. Tamad na tamad siyang lumabas dahil na rin siguro sa nangyari kahapon. Mag-aalas sais na namg maisipan niyang lumabas. Gusto niyang magswimming mag-isa. Nagsuot siya ng isang 2 piece white bikini. Agad siyang nakaramdam ng gaan ng pakiramdam hindi niya namamalayang napapalayo na ang pagkaway niya. Nang maramdamang hindi na niya natatantiya ang hampas ng alon ng tubig ay agad siyang kinabahan. Nagpa-panic na siya. Nagulat siya nang may dalawang kamay na pumulupot sa may bewang niya. Dinala siya nito at niyakap. Nakapikit siya at nanginginig. "Damn you! Nagpapakamatay ka ba?!" Sigaw ni Kenneth sa kan'ya nang ganap na makaahon. Agad siyang napaupo sa buhanginan at niyakap ang paa. Hindi niya alam kung bakit parang takot na takot siya. Hindi siya nakasagot at napaiyak. "I'm sorry" Sabi niya at akmang tatayo nang muntik mabuwal. Nang akmang aakayin siya nito ay umiwas siya "Please don't. Thank you for helping me" At tumakbo pabalik ng kwartong tinutuluyan nila. Nang araw na rin iyon ay napagpasyahan niyang mauna ng umuwi. Hindi niya alam pero parang nahiya siya sa sarili dahil sa nangyari. Buong linggo ay nagkulong siya sa may condo unit niya. Ilang beses din siyang tinangkang tawagan ni Abi para kumustahin pero hindi niya ito sinasagot. Ang alam ng mga ito ay sumama ang pakiramdam niya kaya nauna na siyang umuwi. Dinamdam niya ang pagtanggi sa kan'ya ni Kenneth ng gabing iyon. Ganoon na ba ko kapangit at parang wala man lang akong karisma para sa kan'ya? Bigla siyang nainis sa nangyari.  Kaya naisipan niyang magpakalasing at magpunta sa high-end club ng araw ding iyon. Isang super duper sexy dress ang naisipan niyang suotin. Ipapakita niya na hindi ito isang kawalan para sa kan'ya. Pagpasok palang sa club ay marami na agad ang napatingin sa kan'ya. Agad siyang naupo sa highchair ng bar at nag-order ng tequila. Naka apat na shot na siya nang tamaan ng alak. Kaya naisipan niyang sumayaw sa may gitna ng dance floor.  Naghiyawan ang mga lalaki roon. Isang gwapong-gwapong lalaki ang lumapit sa kan'ya at nginitian siya. "Hi, I'm James and you are?" Bulong nito sa may isang tenga niya dahil na rin sa ingay. "I'm Eli" Ngiti niya rito. "Are you alone?" "Why?"  "Come on, I'll introduce you to my friends. Agad siyang inakay nito sa may bewang. Nagbubulungan sila habang naglalakad dahil hindi nila madinig ang isa't-isa. "Guys, this is Eli" Pakilala nito sa grupo ng mga lalaking nakaupo. Lahat ng mga ito ay magagandang lalaki. Pero agad nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang isa na naroroon at prenteng nakaupo "Eli, this is Arnold, David, Vince and Kenneth" Isa-isang nakipagkamay ang mga ito sa kan'ya. Pwera lang kay Kenneth na hindi man lamang siya pinansin. "Hey bro!" Baling ni James dito. "Isang araw palang wala si Abi mukhang miss na miss mo na kaagad siya"  "Why bro nasaan ba si Abi" Tanong ng lalaking sa pagkakaalam niya ay si Arnold. "Sumama yata sa nanay sa may probinsiya" Sagot ni James. "Bakit hindi mo sundan bro. Kesa masyado kang seryoso diyan" Biro ni Vince rito. "You know I can't, marami pa kong dapat tapusin dito" Sagot ni Kenneth. "Tinamaan talaga ang kaibigan natin kay Abi! Yayain  mo ng magpakasal para wala ng kawala!" Sabi naman ni David. Para naman tumigil ang oras dahil sa paghihintay niya ng sagot nito. "Don't worry assholes. Pagbalik niya rito, aayain ko na talaga siyang magpakasal" Ngiti ni Kenneth sa mga ito. Nang mga oras naman na iyon ay halos madurog ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit, pero nasasaktan siya. Agad niyang tinungga ang baso ng tequilla na hawak. "Wait bro, let's change our topic baka ma-out of place naman si Eli sa atin niyan" Baling naman ni James sa kan'ya. "No, don't worry about me. I'm fine" Ngiti niya sa mga ito pero kay Kenneth nakatingin. Pero ito ay seryoso lang nakatingin sa hawak nitong alak. "How about you Eli, do you have any boyfriend?" Tanong ni Vince sa kan'ya. "No, I don't have time for that. Mas masarap maging single. You have your own freedom" Ngiti niya sa mga ito. "Ganyan ang mga mindset ng mga taong walang planong magseryoso sa buhay" Biglang sagot naman ni Kenneth. Biglang nagulat ang lahat sa sinabi nito. "Hey bro, chill masyado ka naman affected sa sinabi ni Eli." Tuloy-tuloy na naman niyang ininum ang hawak niyang tequila. "Sorry Eli ah, pagpasensiyahan mo na ang isang yan" Baling sa kan'ya ni James. "No it's okay. Sanay na ko sa mga ganyang tingin nila sa akin. Happy go lucky, flirt, brat and slut. I get used to it" Pilit niyang pinapasigla ang boses.  At bigla na siyang tumayo. Nakaramdam man ng pagkahilo ay hindi niya ipinahalata. "By the way, I got to go. Nice meeting you all guys" Sabi niya sa mga ito. "Hatid na kita" Sabi ni James "Thanks, but I have my car with me" Ngiti niya rito. "Well, can I have your number atleast?" Ngiti nito sa kan'ya. "Sure" At kinuha ang phone nito at tinype ang number niya. Nagpaalam na siya sa mga ito. At lumabas na ng bar na parang matutumba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD