Chapter 37 - Painful Memory

1694 Words
Vince’s Point of View Nadala naman ako ng doktor sa mukhang isang ligtas na lugar at kaniya akong hiniga, at talagang iniinda ko talaga ang sakit na aking nadarama. Kailangan ko mag isip ng paraan kung paano ko masusundan si Elle. Nakalayo na siya ngayon panigurado pero hindi talaga ako mapakali na iwanan na lang siya run basta basta. I need to get to her quickly. Kaagad namang umalis ang doktor at hindi pa niya sinabi kung nasaan ako ngayon. Ano ba naman yan! Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Naiinis talaga ako sa doktor minsan dahil kung minsan ay ganito na lang niya ako tratuhin. Luminga linga ako at masasabi ko na nasa maliit akong kwarto. Yun lang ang masasabi ko ngayon. Rinig ko pa rin ang mga yabag ng mga taong tumatakbo. Agh! Ayoko talaga ng ganitong pakiramdam. Yung pakiramdam na trapped ka sa isang lugar. AH! Elle’s Point of View I am peeking at their window on their house. Kailangan ko makahanap ng opening sa aking gagawin ngayon at hindi naman ako basta basta makakapayag na ganun na lang ang mangyari bukas. With this trusty hard pipe in my hand, there is nothing that I could ask for. Naikot ko na ang bahay na ito ng isang beses at base sa aking nakita. May dalawang pinto, isa sa harapan, at isa sa likuran para naman sa bakuran nito. That strange man was doing something na hindi ko makita dahil parang may kung anong sense ang lalaki na hindi ko malaman. Kada sisilip ako ay titingin din siya sa sa bintana kung nasaan ako. So, hindi na talaga ako aasa na hindi niya ako napansin. Pero as long as hindi pa siya kumikilos para pigilan ako ay hindi ko babaguhin ang aking mga binabalak. Sabi nga nila ang maling akala ay ipapahamak ka lang. Kahit hindi ako sigurado na maling akala ito. Ay mas pipiliin ko pa mag mukhang tanga dito kahit alam niya na. Basta hindi niya gagalawin si Cass o ililipat man lang ng lugar dahil kahit na delikado ay papasukin ko ang bahay para mailigtas lamang siya. Saka kailangan ko mamonitor ang bawat kilos niya. There is something that tells me that this man is very dangerous and should not be taken as a joke. There are so many things that I wanted to try right now. As long as mag iistay siya sa lugar na yun. That means I am safe her. I don’t know if there is something that will help me right now except for myself. Ngayon tapos ko nang siyasatin yung buong bahay ay mukhang ligtas na ako para masimulan ang aking plano. Alam ko kung ano ang pintuan na bukas sa dalawang pinto na nakita ko. At doon ako papasok. Dahan dahan akong naglakad papunta sa likod ng kaniyang bahay dahil doon lamang ang bukas na pinto at kahit malayo ito kay Cass. I am willing to take the risk just to rescue her. There are so many things that I can do just for love. And that kid is one of my reasons why I love her. I fell for her. Not that kind of love na parang sa mga couples, but that parently love like my mother and father has shown affection to me. I understand now why they risked their lives like that just like that for me. I clearly remember every scene in that single memory of mine, that moment that she sacrificed her life for me. I wanted to cry but there were no tears that came out from my eyes. Strange right, inside my heart I am pretty sure that I am experiencing intense grief. Heck, I even heard my mother’s voice as she shielded her body to get me away from my dad whose been infected at the time. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang huling paalam ko. Sobrang nagsisisi talaga ako dahil hindi ko man lang nagawa iyon. Bakit ganun? Hindi ko rin alam. Kahit ako ay nanatiling misteryso para sa aking sarili. Hindi ko nga alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman, kapag naalala ko ang matagal nang nangyari. Pero isa lang ang sigurado ako, hanggang dito ay ramdam na ramdam ko ang kanilang pagmamahal sa akin. Unti unti akong lumapit sa pintuan at dahan dahan ko itong pinihit saka ko ito binuksan. Ginawa ko ang buo kong makakaya, para hindi makagawa kahit maliit na ingay. Binuksan ko lamang ang pinto, kung saan sakto lang ito para ako ay makapasok. Nang makita ko na kasya na aking katawan sa pagkakabukas ng pinto ay gumalaw ako ng dahan dahan. I tiptoed my way in. To create as minimal noice as possible. Nakapasok ako ng matagumpay sa loob ng bahay ng wala akong naalerto. So, at least I thought. Nilinga linga ko ang aking ulo para mas lalo kong mapagmasdan ang loob ng bahay. Ang dating nagmamay ari nito ay siguradong mayaman na pamilya dahil ang mga kagamitan kahit luma na ay talagang masasabi mo na mamahalin. Saka malinis ang loob ng bahay. Hindi mo lang talaga aakalain ang ugali ng lalaking nakatira dito. Kailangan ko talaga makahanap ng weakspot. Paano ko siya mapapatumba, at iba pang mga pwedeng mangyari. Kailangan ko ng plan B, hindi lang itong hawak kong tubo. Pero may plano na ako sa aking isipan at ang dapat kong unahin ay kalagan ang pagkakatali kay Cass at ibigay sa kaniya ang bawat instructions na kaniyang magagamit para kami magkita ulit sa labas. Kapag nakatakas na siya, ay sobrang gagaan ang aking trabaho para patumbahin ang lalaking ito. Kung ginawa niya ito kay Cass, isang inosenteng babae, ay sigurado ako na hahanap pa siya ng ibang mga mabibiktima. I need to do something with that at hindi ako papayag na ganun na lamang ang mangyayari sa iba. Paano kong hindi katulad ko ang mga magulang ng mga magiging biktima niya? Paano kong mas malala ang mangyari? Maisip ko lang ang mga senaryo na iyon ay talagang pumapait ang ekspresyon ko sa mukha at hindi na ako papayag na may mangyari pa sa iba at ipinapangako ko sa aking sarili na si Cass na ang kaniyang magiging huling biktima. Ibang iba ang pananaw sa loob kesa nung tumitingin pa lamang ako sa labas. Kanina ay talagang masasabi ko na si Cass ay nakakulong sa kwartong iyon dahil nakikita ko siya sa bintana, pero rito sa loob ay kailangan ko talaga siyang hanapin dahil wala namang mga bintana ang kwarto sa loob. Maraming kwarto kagaya ng aking inaasahan pero isang bagay lamang ang sigurado ako. Ang kwarto na kinalalagyan ngayon ni Cass ay ang kwarto na malapit sa kalaban. Kaya hindi ito magiging madali at kailangan ko talaga gumalaw ng tahimik. Kailangan ko masigurado na hindi niya mapapansin ang bawat galaw ko. At least habang pinakakawalan ko ang bata. Dahan dahan akong naglakad at isa isa kong pinihit ang door knob sa pintuan, halos lahat dito ay bukas kaya sinilip ko ang loob nito. Wala namang laman ang bawat kwarto kundi isang madilim at maalikabok, na malaking espasyo. Halata namang wala run si Cass kaya hindi na ako nag aksaya ng oras, at lumipat ng ibang kwarto para silipin ito. Kagaya ng aking inaasahan ang mga nauna kong nadaanang kwarto ay walang laman. Hanggang sa mapunta ako sa pinaka dulo kung saan ko mas ineexpect na makita ang batang babae, na nakatalit ang mga kamay sa kawayan ng isang kama na para bang isa itong aso na ayaw pakawalan ng may ari. Naririnig ko ang paghahasa niya ng kutsilyo at ako naman ay napalunok ng laway. Kaya mas lalo akong napadahan dahan at paunti unti ay parang umiinit ang paligid at ako ay pinagpapawisan na. Ramdam na ramdam ko ang aking kaba dahil sobrang nanginginig ang aking kamay nang humawak ako sa door knob. Napatigil ako ng sandali at huminga ako ng malalim bago ko dahan dahan kong pinihit ang door knob. Hindi katulad ng mga kwarto na nadaanan ko kanina, ang isang ‘to ay maliwanag at kaagad kong narinig ang mahihinang paghikbi ni Ca- “Anong ginagawa mo?” nanigas ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang talim ng kaniyang kutsilyo sa aking bewang at ipinulupot niya ang kaniyang isang kamay sa aking tiyan. Gusto ko manitulak siya palayo dahil sa kaniyang nagawa sa akin, ay hindi ko magawa dahil ang kutsilyo ay siguradong tatarak sa aking tiyan. “Sino ka at bakit mo kinuha ng basta basta si Cass?” tanong ko sa kaniya. “Ha?” natatawang tanong niya sa akin. “Ako ang unang nagmamay ari sa batang iyan, kaya binabawi ko lang ang dating sa akin,” dagdag pa niya. Naipaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Pagmamay ari? Binibiro niya ba ako? Makapagsalita siya as if isang bagay si Cass. “Hindi siya isang hayop para tratuhin mo na parang isang laruan,” wika ko sa kaniya at narinig ko naman ang kaniyang pagtawa na para bang nakarinig siya ng biro sa akin. “Galing mo rin magpatawa no?” “Anong nakakatawa dun?” seryosong tanong ko sa kaniya. “KJ ka rin pala no,” at mas lalong diniin niya ang talim ng kaniyang kutsilyo sa aking tagiliran. Napailap naman ako ng bahagya, pero hindi ko ipinakita sa kaniya na ako ay natatakot. Kailangan ko na makita niya na isa akong palaban na babae. “Matapang ka rin pala,” dagdag pa niya at pinilit niya akong pinaikot para magkaharap kami. Nakasuot pa rin siya ng itim na face mask pero ang kaniyang kilay na may ahit sa gitna, ang kanang parte ng kaniyang noo. Malapad din ang kaniyang noo. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang pag hinga na tumatagos sa face mask na iyon. Nanlilisik ang kaniyang mga mata, at kahit kitang kita ko ang pagkasiya niya sa nakikita niya ngayon ay ramdam ko ang pait ng kaniyang nakaraan. Nagtataka ako bakit naging ganun ang kaniyang mata sa una pa lang. Gusto ko hawakan ang kaniyang noo pero ang sitwasyon ko ngayon ay hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Siguradong tutulo ang aking dugo. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD