Chapter 2

1085 Words
The first Piece Sa nakakabulag na flash ng camera, dumaan na para bang walang makakasilaw na anumang liwanag kay Lilith pababa sa grand hall. Ang kaniyang alahas na both from Dior lang ang tanging naninilaw sa mga tao sa kanyang bawat hakbang. " Ms. Lilith" Ani ni Heinz pagkatapos binuksan ang pinto ng sasakyan. Ngumiti si Lilith pagkatapos ay nilipat nya ang kanyang tingin sa Taas ng grand hall. Isa matalim na paningin ang pumukaw sa kanyang mga mata, na ani mo'y ang mga tingin na ito ay nagpapahiwatig ng superiority complex. Si Helena ay nakatitig Kay Lilith habang sya ay papasok ng kanyang sasakyan. Tila ba pinagmamasdan nya ang bawat galaw ni Lilith, ultimo damit, alahas at kanyang labi. " A grinch has entered our palace" Ani nya sa katabi nyang matayog na lalake, itoy parang walang emosyon o bahid ng pagktao. " What do you want me to do, madam?" Tanong ng lalake. " Leave her be....for the mean time.. after all women like her come and go at a time like this. Mga opportunistic nga naman. Tell me if she ever tries to flirt with my husband" Pagkatapos nito ay pinalitan nya ang kanyang mukha ng maamong expression na nagpapabatid ng pagkagalak. ------- Samantala, " Proceed po ba tayo sa penthouse ma'am?" Tanong ni Heinz habang nagmamaneho sa kadiliman ng gabi. Napatingin si Lilith sa kalangitan na tila ba walang katapusan na kadiliman. Kidlat at kulog lang ang kanyang nakikita at naririnig. FLASHBACK " Permahan mo na kase Mr. Garen" utos ng lalakeng kumakain ng chocolate, nginunguya nya ito na para bang nasa isang dessert boufet lang ito. Pagkatapos nya itong kainin at sinimot ultimo mga titang chocolate sa kanyang daliri ay hindi niya pinaglagpas. Inapakan nya ang nakahandusay na lalake. TUD! Sinipa nya ito ng malakas hanggang sa napuno na ng dugo ang suot ng lalake. Sa isang sulok naman ay isang batang babae ang nakagapos at naka duck tape ang bibig. Umuungol hindi sa takot kundi sa pag-aalala. Dahil ang nakahandusay sa harap nya ay walang iba kundi ang kaniyang ama. ------- " Ms. Lilith nandito na po tayo" Dahan-dahang iminulat ni Lilith ang kaniyang mga mata. Napa-buntong hininga ito dahil naka idlip sya sa byahe. " Heinz, make preparations. The first pawn, I know what to do" wika nya habang pababa sya ng sasakyan. " Yes ma'am, ang next gathering is a birthday party sa Royal Palace. Gomez family will be there. " " Secure me an invitation, para maka attend ako." Utos ni Lilith habang sila ay papasok sa mala palasyo na pent house. Ang isang gamit sa loob ng penthouse ay katumbas ng isang milyong pera ng isang ordinary worker. " But ma'am, paano pag wala kayo sa list?" Napatigil ng bahagya si Lilith sabay matulis na tingin kay Heinz. " Mr. Heinz, it seems like you have forgotten kung sino ako. I don't chase invitations, I attract them. And now that the chess field is layed, I'm pretty sure that our pawn: The media rather would do their job" " Ms. Li.." " I know I sound like a candidate from a beauty pageant, by the way how's the media?" " Mukhang madami po kayong shots together with Mr. Gomez, the plan went through ma'am " Ngumiti si Lilith sabay hawak ng wine. " You mean we'll hire media to intentionally take pictures at us? " Napatingin si Lilith sa top to down na one way glass ng kanyang penthouse. " You can go now" isang utos lang ni Lilith ay agad na lumabas si Heinz sa kwarto ni Lilith . --------- Sa kabilang banda, sa mala palasyong tahanan ng Gomez Family, puno ng ilaw na mas maliwanag pa kesa sa haring araw at buwan. Mga palamuting kumikinang na tila ba mga bituwin, at mga pader at kisame na ginto kung titignan. " Sir, hinahanap po kayo ni madam" Ani ng isang bodyguard kay Armino habang nakahawak ito sa doorknob. " Tell her I'll be there in 5 minutes" wika ni Armino habang nakahawak ng whiskey. Habang sya ay nakatitig sa kawalan ay tila ba hindi nya makalimutan ang babaeng kanyang nakilala kahapon. " She's interesting" Bulong nya, tila ba naalala parin nya kung papaano gumalaw ang labi ni Lilith, kung papaano sya sumagot at kung papaano sya ngumiti. Hindi nya namalayan na sa kaniyang kaloob-looban ay isang dumadagundong na alab ang kaniyang nilalabanan. Alab ng katawan na para bang siya ay na excite kahit inisiip nya lang si Lilith. " I'm turned on just by thinking of her?" Wika nya habang nakatitig sa kaniyang ibaba. Mayat-mayat pa ay " Hon, I got the invitation sa grand palace, what should we wear? " Nagulat si Armino sa biglaang pagpasok ni Helena sa office. " Hon, what are you doing here, I thought I told John for you to wait" " It's fine, it's not a big deal, anyway like I said meron na yung invitation from grand palace" Umupo si Armani sa kanyang leather seat, a personal seat. " Just wear whatever you want" wika nya habang nakahawak sa mga papers na kaniyang pinepermahan. " Hon, it's a special occasion, at Isa pa we got the invitation first so it's a must na magsuot tayo ng high class wear" Ngiting ani ni Helena habang papalapit ito kay Armani. " I'm pretty sure you have all the clothes in the world on your closet. So I suggest you pick one to your liking and I'll try to match it when I have time" Napa-buntong hininga si Helena, she never wanted it to be just a simple occasion. Para sa kaniya, gusto nya siya ang center of attention. That's one of her superiority complex. " Alright, by the way I'll be waiting for you tonight, and I'll wear my favorite lingerie you know" matamis na ngiti ni Helena na tila ba nagpapahiwatig ng mainit na pagnanais. " I'll see you off, have a safe trip " wika ni Armani, bakas sa kaniyang mukha na hindi siya interesado sa kaniyang asawa. Dahil sa gilid ng kaniyang isip, nakapinta ang mukha ni Lilith. -------- Samantala " Oh, took longer that I expected" wika ni Lilith habang pinagmamasdan ang kaniyang cellphone. Sa screen ng kaniyang cellphone naka flash ang invitation letter galing sa Grand palace para sa birthday party. Nakangiting nakatingin si Lilith sa kaniyang cellphone dahil alam niyang gumalaw ulet ang kaniyang mga chess piece. " The first piece has made its move, next time it's the next piece turn"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD