Chapter 1
Isinuot ni Via ang kanyang blouse bago muling lumingon sa kama.
Mahimbing pa ring natutulog ang lalaking nakadapa roon, walang saplot at tila walang balak gumising anumang oras.
Napangiti siya nang bahagya.
Tahimik niyang isinuot ang kanyang maong na kanina pa nakakalat sa sahig, saka hinanap ang purse na dala niya kagabi.
Pagkabukas nito, kumuha siya ng limang pirasong tig-iisang libong piso. Maingat niya iyong inilapag sa side table, kasabay ng isang maliit na note.
I had fun. But f**k harder next time... if there's a next time.
Napakagat siya sa ibabang labi.
"Get him out of your system."
Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili habang tahimik na lumalabas ng silid.
Hindi na siya lumingon pa.
Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na niyang nilisan ang hotel, tila walang nangyari sa nagdaang gabi.
---
"Chairman?"
Napalingon si Ronolo sa kanyang sekretarya habang nakikipagpulong siya sa ilan sa kanyang mga tauhan.
Sa isang pitik lamang ng kanyang mga daliri, sabay-sabay na yumuko ang mga lalaki bago tahimik na nagsialisan sa opisina.
Nang sila na lamang ng sekretarya ang natira, saka siya nagsalita.
"So? Any news from the venue?"
Napabuntong-hininga ang babae.
Mukhang alam na ng matanda ang isasagot nito.
"Chairman... hindi po sumipot si Ms. Vianca. Tumawag po si Mrs. Legaspi. Naghintay raw po sila nang matagal. Kinausap ko rin po si Yuri, at kinumpirma niyang hindi talaga sila pumunta roon."
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Ronolo.
Tumango lamang siya.
"I see."
Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.
"So... where's my granddaughter?"
"Nasa dojo po."
Tumango muli ang matanda.
"Prepare the car."
"Yes, Chairman."
Si Don Ronolo Pimentel Alejandro.
Ang kinikilalang Patriarch ng Alejandro Family—isa sa sampung pinakamakapangyarihang cartel sa Pilipinas.
Isang pangalan na maging mga pulitiko, heneral, at matataas na opisyal ng gobyerno ay nag-iingat banggain.
Pitumpung taong gulang na siya, ngunit nananatiling matikas ang pangangatawan. Sanay sa iba't ibang klase ng martial arts, lalo na sa close-quarters combat.
Marami ang yumuyuko sa kanyang pangalan.
Marami ang nanginginig sa kanyang presensya.
Ngunit may isang taong kailanman ay hindi niya mapasunod.
Ang kanyang nag-iisang apo.
Si Vianca Alejandro.
Dojo
Umaalingawngaw ang bawat malalakas na suntok at sipa sa loob ng pribadong gym ng Alejandro Family.
Sunod-sunod ang bagsak ng kamao ni Vianca sa heavy bag.
Bawat suntok ay puno ng lakas.
Bawat sipa ay tila gustong wasakin ang bakal na nasa loob nito.
Tahimik lamang na nanonood si Yuki sa gilid habang hawak ang tubig at tuwalya ng kanyang amo.
"You know nothing will happen if you keep avoiding what you have to do, Iha."
Napatigil si Via.
Dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likuran.
Naroon si Don Ronolo.
Agad na yumuko si Yuki bilang paggalang.
"Chairman."
"You may go." ani ni Via.
Tahimik na tumango at iniabot ni Yuki ang tubig at tuwalya bago umalis sa ring.
Nanatiling magkaharap ang maglolo.
"Hindi ka pumunta."
Hindi iyon tanong.
Isa iyong pahayag.
"Because I didn't want to."
Maikli ngunit matigas ang sagot ni Via.
"They were disappointed."
"I don't care."
Napabuntong-hininga si Ronolo.
Minsan talaga, nakikita niya ang sarili sa katigasan ng ulo ng kanyang apo.
"I know you don't care about disappointing them."
Bahagya siyang lumapit.
"But you know you have to get married. You are my heir."
Natawa si Via, ngunit walang saya roon.
"I'm your heir, exactly." napailing sya,
"So why do I have to marry just to inherit this family? Dahil babae ako? Gano'n ba iyon?"
"No."
Madiing sagot ni Ronolo.
"Then why?" giit nya pa sa kanyang Lolo. "Hindi naman naghihirap ang pamilya natin. Hindi rin tayo mawawalan ng pangalan. So why?"
Nanatiling tahimik ang matanda bago nagsalita.
"Because we live in a cruel world."
Nagkatinginan sila.
"And the leader of this family should never stand alone."
Tumaas ang boses ng matanda.
"I've seen wars. I've buried brothers."
I've watched our bloodline grow weaker because I had no one beside me. Do you think gusto kitang ipagkasundo kung hindi ko kailangang gawin?" desperadong sabi nito. "I raised you after your parents died. I trained you. I gave you everything. And I made sure no one would ever look down on you."
Humigpit ang pagkakahawak ni Via sa kanyang gloves.
"And you trained me well. I'm not weak. You know that. If fifty armed men walk through that door right now...I can kill every single one of them."
"I know."
Agad ang sagot ni Ronolo.
"I know how strong you are. Because I made you that way.But strength alone doesn't build an empire."
Napabuntong-hininga siya.
"It takes someone you can trust to stand beside you."
"And you think I can gain trust that quickly once I get married?"
"Hindi, pero natututunan 'yon iha. You willa trust your husband because he is your family. And we need that."
Hindi agad nakasagot si Via.
Alam niyang tama ang kanyang lolo.
Alam niyang hindi iyon tungkol sa pagiging babae.
Hindi rin tungkol sa pera.
Kundi tungkol sa kinabukasan ng Alejandro Family.
Ngunit...
Masakit pa ring tanggapin na sa kabila ng lahat ng kanyang kakayahan...
Hindi pa rin siya sapat.
Kung lalaki lamang siya...
Marahil wala silang pag-uusap na ganito.
"Vianca..."
Bahagyang lumambot ang boses ni Ronolo.
"Please.... Don't make this harder than it already is. You just need to get married. After that...I'll let you lead the family however you want."
---
"I just need to get married, huh?"
Napabuntong-hininga si Via habang nakaupo sa gilid ng ring.
"So he doesn't care who I marry. Basta may mapangasawa lang ako. Tama ba, Yuki?"
Napangiwi si Yuki.
"Via...I don't think that's what the Chairman meant. Ikaw ang susunod na pinuno ng Alejandro Family. Hindi ka niya ipapakasal kung kani-kanino lang." paliwanag ni Yuki. "Whoever marries you...He'll carry the Alejandro name as well.He'll become part of the family.So of course it matters."
"Fuck..."
Napahawak si Via sa noo.
"Bakit ba kailangan kong pagdaanan 'to?"
Ngumiti si Yuki.
"I think Chairman is right. If you want your grandfather's legacy to continue... Then someone has to inherit it. Paano ka magkakaroon ng tagapagmana kung hindi ka mag-aasawa?" mapang-asar itong ngumiti. "O balak mong gumawa ng anak nang mag-isa?"
"Stop!"
Mabilis na tinakpan ni Via ang magkabilang tainga.
"Traitor ka. Dapat kakampi kita."
Tumawa si Yuki.
"I've been your body guard / best friend for years. But even I know when Chairman is making sense."
Napailing si Via.
"I hate it when you agree with him."
"Take a rest. Wala ka pang tulog. At alam kong tumakas ka na naman kagabi."
Napakunot-noo si Via.
"You knew?"
"I always know."
Napailing si Yuki bago ngumiti.
"I just hope hindi ka na ulit tumakas ngayong gabi. Kasi kapag nalaman ni Chairman... Ako ang unang matatanggal sa trabaho."
Napatawa si Via.
"Relax."
Umirap si Yuki.
"Hindi na ako lalabas."
"Sure?"
"...siguro."
----
Pagsapit ng gabi...
Nag-uumapaw sa ingay ng musika ang loob ng isa sa pinakamahal na bar sa siyudad.
Tahimik na nakaupo ang binata sa VIP lounge habang iniikot ang baso ng rum sa kanyang kamay.
Hindi niya mapigilang maalala ang eksena kaninang umaga.
Limang pirasong tig-iisang libong piso.
At isang note.
I had fun. But f**k harder next time... if there's a next time.
Napailing siya bago tuluyang matawa.
"Unbelievable..."
Sa buong buhay niya...
Ngayon lang siya binayaran matapos makasama ang isang babae.
At ang mas masakit...
Nag-iwan pa ito ng review.