CHAPTER TEN

1203 Words

"Young master, ang kamay niyo po," mariing bulong ni Lana kay Cyrus. Pero ang magaling na lalaki ay nagpatay-malisya lang. Mas pinagapang pa nito ang kamay sa kanyang hita at dahan-dahang hinaplos iyon. "Is something wrong?" pagsingit ni Issa sa dalawa, kaya mas lalong nainis at napahiya si Lana. Nagtatalo ang kanyang katawan at isipan—na para bang siya pa ang pinaglalaruan ng sarili niyang sistema. Traydor! sigaw niya sa kanyang kaloob-looban. "Wala, Sang. 'Wag mo nang pansinin si Lana," sagot ni Cyrus kay Issa bago ito nginitian. Napatango naman si Issa at pinagsadahan ng tingin si Lana na para bang nag-oobserba sa kanya. Sang? Wow, ang sweet naman ng dalawang 'to, may nicknames pa sa isa't isa! Sabagay, anong ikinaiinis mo, Lana? Natural, mag-best friend ang dalawa, gets! dagdag pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD