CHAPTER NINE

1200 Words
Pagkatapos ng dalawang oras sa pagmukmok ng kwarto ay hindi maiwasan na kabahan ni lana dahil anumang oras malayang papasok ang kanyang amo. May nakabantay din sa labas ng kanyang kwarto na dalawang personal bodyguard nito kaya talagang wala na siyang takas pa. Nagpapasalamat pa din siya na walang ni-isang CCTV sa loob mismo ng kwarto ngunit sa labas ay mayroon. Pero maya't maya ay kinatok siya ng isang katulong upang bumaba na para kumain ng dinner. Kinuha niya muna ang cellphone ng malaman niyang naka-full charge na pala eto. Tinago niya ito matapos niyang e silent in case tatawag si Brods. Kasunod siyang bumaba ng katulong at nanatili lamang sa labas ng kanyang kwarto ang taga bantay. Palapit na sila ng marinig nila ang tawa ng isang babae yung kagaya ng tawa ng mga artista pero classy at medyo flirty ang dating. "Oh my god! How did you convince...." Kung ganon na may bisita pala siya ba't ba pinababa niya pa ako eh sana sa kwarto na ako kumain o baka naman e pamukha niya ako na isa akong s*x slave niya bilang ganti. Palakas na palakas ang mga boses pagpasok nina lana sa dining roo, nakatalikod sa kanya ang babae na wavy ang buhok hanggang shoulder length ang haba. Panay ang subo naman ng mayor sa kinakain niya habang paharap siyang nakaupo kaya direktang nag abot ang mga tingin nila lana. "Are you two broken up?" Buo ang boses ni Cyrus kaya narinig iyon ni lana. "Rus ano pa ba ang magagawa ko eh my nana doesn't like me for like dating him kasi nga she thinks he's broke haha" Napansin ni Lana ang kakaibang accent ng babae. Napatikhim siya at ibinaba na ang kutsarang hawak nito. Umayos naman ng upo ang babae kaya nag-iba ang pakiramdam ni lana lalo ng tumahimik na ang dalawa. "Lana tamang-tama ang baba mo sabayan mo na kami rito" Pagbabasag ng kanyang amo sa sandaling katahimikan. Pinagkuha pa siya ng upuan ng isang katulong na gusto niyang pwesto na upuan sa may gitna. Dahil nga long rectangular table nang sa tingin niyang mahigit 96-inch ang haba nito at may tig-apat na upuan sa gitnaan at dalawa naman sa una at huli kaya sampo lahat ng upuan ang naroon. "Oh don't do that Lana tsk tsk" Napatigil sa ere si lana ng paupo na sana siya. "Young Master?" Tanong niya na may pagtataka. Tinuro nito ang isang upuan malapit sa kaliwang banda noya. "Sit here masyado ka namang malayo sa akin". Sabi pa nito. Walang nagawa si lana ng tignan siya ng seryoso ni Cyrus at saglit siyang napasulyap sa katulong na naglahad ng kamay nito sa upuan na gusto ng amo niya. Dumaan siya sa gilid ng babae kaya narinig niyang napa humm pa ito habang naghihiwa ng steak at hindi niya pa nakita ang mukha nito dahil nakayuko naman ito kaya dumiretso na siya ng upo malapit kay Cyrus. "Good girl" parinig ni Cyrus sa kanya ng makaupo na siya katabi nito. Bigla siyang naiinis dahil nanunuya ang tono nito sa kanya. Agad namang pinagsilbihan siya ng dalawang katulong nang may naglagay ng caviar sa maliit na plate niya at may nagsalin ng wine sa gilid niyang baso. "She seems prim and proper" Sabi ng babae kaya doon na lamang siya napalingon sa gawi ng babae. "For now "Sagot ni Cyrus "Hmm." She hummed. "Lana, I want you to meet my One and Only Childhood Friend Dorissa" Ngumiti ng malapad ang babae sa kanya at napatutop pa ito sa bibig na nagkunwaring nahihiya. "Finally, Lana nice meeting you." Lumitaw ang pagiging anghel ng mukha nito ng tumingin ito ng diretso sa kanyang gawi. "Silly just Issa huwag kang maniwala ni Cyrus my name is actually Issa" Tumawa ito ng mahina na mas lalong nagpahiya ni lana dahil nakatunganga siya sa kakaibang ganda ng babae hindi nakakasawa tignan ang kanyang mukha. Pa-paanong hindi naging girlfriend ito ng kagaya ni Cyrus aaminin niya hindi deserve ng mga lalaking playboy ang ganitong hitsura. "Tsss Dorissa naman talaga pinangalanan ni tita sayo hahahha pero whatever you say. So aren't you gonna say anything Lana?" Kunot-noong sabi ni Cyrus kay lana kaya napabalik ito sa kanyang sarili. "Hi..." Mahinang bati ni Lana. "Nahihiya na siya Rus sa sinabi mo." Biro pa nito at kumagat ng hiniwang steak. Nakikinig na lamang si lana sa politikang usapan nina Cyrus habang pinaglalaruan niya ang kanyang steak at mash potato sa plato na para bang nawalan siya ng ganang kumain. O naiilang ka lang! Sigaw ng kanyang utak. "Narinig ko nga pala naurong ang kaso ng mga rodriguez dahil may nakitang witness na sa panig nila at napatunayan na walang kinalaman ang bayaw ni Kapitan Theo sa Buybust Operation sa Bukidnon."Pagbabalita ni Issa kay Cyrus. "Kabado na si Ryan Go diyan sa galamay ba naman ng Matandang Rodriguez kaliwa't kanan ang mga koneksyon ng pamilya nila kaya hindi na nakapagtataka" Seryosong sabi ni Cyrus habang nagsasalin ng wine sa sariling baso. LANA Kilala ko yung mga rodriguez na minsan ko ng nakita ang Brgy. Captain na kausap ang aking daddy at unang beses ko lang itong nakita pero matagal na iyon. Sino ba iyong tinutukoy nilang kalaban ng mga rodriguez sa kaso ng Drugs? "Yeah, and that means siya ang makakalaban mo sa susunod na Election ilang months na din diba?" "Depende kung tuluyan na akong mag file for leaving my recent position or file as a candidate of new governor" "At romulo is also running kaya..." Imbes na sagutin ng amo ko ang babae ay mas pinili nitong magkibit balikat at di na muli na nagsalita. Napatitig ako ng aking amo at kay Issa parang malakas ang kutob ko sa kanilang dalawa. Dalawang malalim na dimples, morena at singkit na mga mata ay familiar sa akin. Pero Saan nga ba? Wala naman akong isa sa mga ka-rival o kaklase noon na nangangalang Issa pero ba't bigla kong may maalala na kahawig niyang mukha. Oo may taglay siyang celebrity beauty na sikat? Ayy ewan lana huwag mo ng pilitin na alalahanin yan. Biglang nag angat ng tingin ang aking amo siguro nagtaka siya kung bakit ako nakatitig sa kanya. His fiery eyes give me chills and it's not normal, Okay? Sanay naman ako pagtinginan ng mga lalaki pero hindi ko matiis yung kanyang titig. Mabilis kong binalik ang atensyon ko sa plato at nagsimula ng maghiwa ng steak na hindi ko pa man nahihiwa. Binigyan pa naman ako ng smirk ng malaman niyang nakakatig ako sa kanya. "You need help?" He asked me pero umiling ako. Ayan lana napansin ka na kaya panindigan mo yan! "You seem not in the mood." Nagsalita ulit siya at akmang tumayo na kaya napatingin sa amin si Issa. Puno ng pagtataka ang kanyang tingin. "Bakit napano siya?"Agad niyang tanong kay Cyrus pero ang magaling na lalaki hindi nga tumayo pero bigla ba namang hinila ang aking upuan papalapit sa kanya. Napahawak ako sa lamesa at pinipilit na hindi niya mahila ang inuupuan ko. "Young Master ano bang--Hmmp!" Napatili ako ng may naramdaman akong mainit na palad sa hita ko. "Shhh you need to eat Lana tsk" He whispered in my ears huskily. No!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD