CHAPTER TWO

1687 Words
1 month ago Dec. 24, 2025 “Ma, sama ako,” pakiusap ng maliit na tinig. “Hmm, saan, love?” tanong ni Lana habang nag-aayos ng buhok. “Sa wort, please!” Natawa na lamang si Lana nang makitang nagpapacute ang anak habang nakasuot ng sunglasses nito. “Work 'yun, love.” Pinisil niya ang magkabilang pisngi ng bata. “Ka-sound pa rin, Ma,” nakabusangot nitong sabi. “Why, love? Ayaw mo ba dito na kasama ang Ninang Brodey mo?” Umiling-iling ang anak na ikinatawa niya lalo. Limang taon at kalahati pa lang ito, pero masyado nang mature sa kanyang edad kung mag-isip. “He snore so loud, Mama.” Tinakpan pa nito ang magkabilang tainga para magkapuntos sa katwiran. “Fine. Go brush your teeth. Aalis na tayo by 8:00 AM, anak.” Nagniningning ang mga mata ng bata sa narinig. “Yay!” Nagtatakbong tinungo ng kanyang anak ang lababo. Tinawagan naman ni Lana si Brodey para ipaalam na isasama na muna niya ang anak. Dahil magpapasko naman, para na rin mabigyan ng oras ang kaibigan na magliwaliw. Halos kapatid na ang turing niya kay Brodey. Laking pasasalamat niya na kahit bakla ito, napakalaki ng puso nito at itinuturing silang extended family. Bago mag-alas-otso, nakarating na ang mag-ina sa reception ng resort para mag-log in sa biometrics. Naabutan nilang busy ang lahat sa counter at lounge area dahil sa dami ng mga turistang nakapila. “Tawag ka ni Manager,” salubong sa kanya ng katrabahong clerk. “Bad mood ba?” kabaong tanong ni Lana. “Ewan ko dun. Nagmamadali kasi 'yun, may exclusive kasing bisita ang amo natin,” pabulong nitong sabi, bago napatingin sa kanyang ibaba. “Ay, si Lero na ba 'to? Parang kailan lang, oh, malaki na pala 'tong batang 'to!” Kinurot nito ang pisngi ng bata, kaya agad na nagtago ang anak sa likod ng palda ni Lana. “Nahihiya na 'to. Uy, alis na kami,” paalam ni Lana. Akmang hahakbang na sila nang muling magsalita ang katrabaho. “Pero sino ang magbabantay sa anak mo, Lans?” kunot-noong tanong nito. “Si Momshie Re—” “Ay, oo nga pala! Absent si Ate Relle. Umuwi ang asawa niya galing Taiwan kaya nag-file siya ng leave kagabi. Hindi ba siya tumawag sa 'yo?” Natigilan si Lana at umiling. “Hala, ganoon ba? Akala ko pa naman nandito siya.” Si Ate Relle ang certified na magaling sa mga bata sa resort, at nakaugalian na nitong maging tagabantay ni Lero kapag abala si Brodey. Nakatalaga ito sa lounge area para mag-entertain sa mga bata ng mga turista. Napatingin si Lana sa kausap, tila nagmamakaawa. Nakuha naman ng katrabaho ang nais ipahiwatig ng kanyang mga mata. “Dae, huwag ako, ha? Hindi ako marunong sa mga bata, hehehe,” pakiusap nito. “Behave naman 'to si Lero, Trish. Baka pwede sana—” “I-sama mo na lang siya at pakiusapan mo na lang si Kuya Dan na pabantayan siya doon sa may pool area. May mga bata doon, tiyak na hindi ma-bores si Lero.” Tumango na lamang si Lana. Sumalampak siya nang paupo para pantayan ang anak. “Do you want to go to the pool?” Tumingala ang anak at tumingin-tingin sa paligid. “Can’t I go with Nanang Rere?” mahinang tanong ni Lero. Umiling si Lana. “Absent si Nanang Rere mo, love.” “Pero paano si Manong Dan? Mabait naman siya gaya ni Nanang Rere.” “Sama na lang ako sa 'yo, Mama,” niyakap siya nang mahigpit ni Lero na animong maiiyak na. Paborito ng bata ang lifeguard na si Dan, pero mas gusto nitong sumama sa ina. “Hindi pwede, love. Magiging monster ang manager namin kapag kasama ka ni Mama sa itaas. Bawal kasi ang mga bata doon.” Hinaplos ni Lana ang likod ng anak. “Pero uuwi naman tayo nang maaga kasi Christmas na mamaya, 'di ba? Kakain tayo sa Jollibee at kakain tayo ng favorite ice cream mo sa mall. Hmm, ano? Okay na ba ang baby boy ko?” Iniwas ng bata ang tingin bago siya muling niyakap nang mahigpit. Naramdaman ni Lana ang pagkalma nito. Laking paspasalamat niya na hindi ito nag-tantrums, dahil tiyak na mahihirapan siyang amuin ang anak. Pinuntahan niya si Dan sa may pool area ng mga bata. “Maraming salamat, Kuya Dan, ah.” “Sige, ako nang bahala sa batang ito.” Binuhat nito ang anak at nagkunwaring ihahagis sa pool na ikinatawa naman ni Lero. Napangiti si Lana sa nakita at agad nang tumungo sa ikalawang palapag para magpakita sa kanyang manager. Pagkatapos ng maikling instruksiyon, nagsimula na siyang magsilbi ng mga order ng mga bisita. Waitress siya sa resort at kung minsan ay rumaraket din bilang cleaner kapag may umaabsent. “Ms., dito!” “Excuse me, where’s our food?” “I need more ice, please.” “Ang tagal, Ms., ugh!” “Hindi ito 'yung order ko. I want the medium rare, Ms.” “Waiter?” “More wine, please!” “Ms., matagal pa ba?” “Uh, excuse me. I want this one.” Palipat-lipat ng mga lamesa si Lana. May mga bata ding naghahabulan sa daan kaya napipilitan siyang suwayin ang mga ito. Inaasahan na niya na sa ganitong season ay dagsa talaga ang mga bisita. Ang iba nga ay nagpupumilit pang makapag-book kahit isang gabi lang dahil puno na ang mga reservation sa mga hotel. Habang nasa kalagitnaan ng pagka-busy, napansin niyang nakatingin ang mga tao sa ibaba. Atubili siyang dumungaw sa may pool area. Nagkukumpulan ang mga tao roon. Laking gulat niya nang makitang nagmamadaling binuhat ng isang lifeguard ang isang batang babaeng foreigner na tila nalunod sa pool—at kasunod nitong binuhat ang kanyang anak. Naitapon niya ang hawak na tray at nagmamadaling tumakbo pababa patungo sa exit. “Lana, saan ka pupunta?” tawag ng kanyang mga kasamahan. Hindi na niya ito pinansin. Napasigaw siya sa takot nang marating ang pool area at marinig ang napakatinis na iyak ng anak. “Lero!” “M-mama! Mama!” Itinulak niya ang mga taong nakaharang para mapalapit sa anak. Agad niyang binuhat si Lero na basang-basa ang buong kasuotan. “Are you okay, love?” maingat niyang tanong, ngunit hindi kumibo ang bata. Umiiyak lang si Lero habang mas lalong humihigpit ang yakap sa kanyang leeg. Dito na naramdaman ni Lana ang panginginig ng anak sa matinding takot. Nakatingin na sa kanila ang lahat ng mga bisita at katrabaho. Hinanap niya ang lifeguard. “Kuya Dan, anong nangyari po?” Lumapit sa kanya si Dan para magpaliwanag. Sa harap naman niya ay umiiyak din ang dalawang batang foreigner habang yakap ng kanilang ina. Para namang nabingi si Lana sa mga sumunod na salitang narinig mula sa lifeguard. Namataan niya ang papalapit na manager na bakas ang matinding galit sa mukha. Sa sandaling iyon, tila binagsakan si Lana ng langit at lupa. Dinaluhan ng kanilang manager ang mga dayuhang bisita at panay ang paghingi ng paumanhin ng mga ito. “I apologize for this terrible accident, Madam Wingfield. It won’t happen again...” Pagkatapos ng kaguluhan pinatawag si Lana ng kanilang manager. Lana knew that it is not good for her reputation. “M-mama, I wanna go home,” hikbi ni Lero sa kanyang tainga. “I’m sorry, Lana. Nais kang ipatanggal ng magulang ng mga batang muntik nang malunod sa pool, na kagagawan ng anak mo.” Nakatayo si Lana sa loob ng opisina ng manager, magkaharap silang dalawa. Nasa labas ang anak at tahimik na naghihintay sa kanya. “Pwede ko bang makausap si Boss po, Ma'am?” nakayukong pakiusap niya. “Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon. Napahiya ang boss natin, Lana. Alam mo naman kung gaano kahigpit ang mga rules natin, 'di ba? Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo, huwag mo na kasing dinadala ang bata dito! Ayan, dumating na talaga sa point na nanulak siya—at sa mga bisita pa natin. Are you out of your mind?” Pagalit na sabi ng kanyang manager. “Accident lang po kasi, Ma'am Joyc—” “Kahit na! Ang point kasi dito, 'yung anak mo mismo ang nanulak sa mga batang naglalaro. Kita na sa footage ng CCTV natin. Wala na tayong magagawa.” Sagot pa nito sa kanya. “Kaya nga, Ma'am, mga bata sila, eh! Malay natin kung inaaway pala nila ang anak ko? Hindi ugali ni Lero ang manguna sa away, dinidisiplina ko 'yan sa bahay!” katwiran ni Lana habang pinipigilan ang luha. “There’s nothing we can do about that, Ms. Simpson, whether you accept your fate or not. I don't care about your parenting style, basta mawawalan ka pa rin ng trabaho sa resort na 'to. Sorry to inform you this, but YOU ARE FIRED.” Sabay abot ng isang puting sobre sa kanya. Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha habang inaabot ang sobre na naglalaman ng kanyang huling sahod. Napabuntong-hininga ang kanyang manager saka ito tumayo at may kinuha sa drawer. “Heto, pang-huling bonus mo... Gamitin mo nang maayos ang perang 'yan. Huwag mo na ding itatapon ang sobre kapag nabuksan mo na 'yan mamaya sa bahay, baka makatulong 'yan sa 'yo.” Napatitig siya sa pulang sobre bago ito tinanggap. Tinanguan siya ng kanyang manager at iginaya na siya palabas ng opisina. “Ma, sorry. I ruined our Christmas,” pabulong na sabi ni Lero nang makalabas sila ng resort. Muli ay nasaktan si Lana, hindi para sa sarili kundi para sa sitwasyon ng kanyang anak. Hindi deserve ng anak niya ang maghirap nang kagaya niya. Lero deserves the best life, kahit walang ama. Siya ang gagawa ng paraan para maibigay ang buhay na nararapat sa bata, ang buhay na ibibigay ng isang mapagmahal na magulang. “Merry Christmas pa rin, Mama,” malungkot ang mga mata ng anak pero pinilit nitong pasiglahin ang boses. Ngumiti si Lana sa kanya at hinalikan ang maliit nitong noo. “Merry Christmas, love.”Malambing na sabi niya sa anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD