bc

The Legal Mistress

book_age16+
143
FOLLOW
1K
READ
revenge
independent
confident
dare to love and hate
drama
betrayal
cheating
secrets
affair
substitute
like
intro-logo
Blurb

Sa halip na maging business partner ni Nikyle Silva si Kendrick Zarate ay naging yaya ito ng kanyang mga anak. Not long after, Nikyle fell deeply inlove with her boss sa kabila ng katotohanang may legal na itong asawa. Habang nagbabahay bahayan ang amo at ang yaya, the legal wife marched her way to her grand mansion willing to take back everything that Nikyle stole from her. And since then, Nikyle was branded as The Legal Mistress.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Malamlam ang mga matang nakatitig si Kendrick sa kanyang asawang si Milcah. Kasalukuyang nasa isang fine dining restaurant sila ngayon na matatagpuan sa sentro ng New York City. Agad napansin ni Milcah ang ibinagsak ng katawan ng kanyang asawa na dati ay matipuno at well maintained sa gym. Tinubuan nadin ito ng mga balbas sa mukha at halatang sa loob ng tatlong buwan na hindi nila pagkikita ay ni hindi pa ito nagpapagupit. Malayong malayo ngayon ang itsura niya kumpara ng nasa piling pa siya nito. Her husband was used to be so neat and tidy. She felt guilty, yet she shrugged off that thought quickly. Sinalubong niya ang mga titig ng asawa saka pasimpleng inayos ang buhok na tumikwas sa kanyang mukha. "How have you been? How are the kids?" she asked to start the conversation ngunit sa halip na sagutin sya ng asawa ay tinanung din sya nito. "Where did I go wrong? I thought masaya tayo? Akala ko okay tayo. Bakit ka umalis? Bakit hindi ka man lang nagpaalam ng maayos? Bakit iniwan mo nalang kami ng mga bata na para bang ganun lang kami kadaling lisanin? Bakit naman ganun?" Tila naiiyak na tanung ni Kendrick. Milcah bit her lower lip. She sighed to released the tension that is starting to build up inside of her. "Did you ever feel like you were trapped in a cage? But unfortunately that cage was also built by you, yourself?" simula ni Milcah. "I used to love you Ken, and I very very much love the kids as well. It pains me to leave them behind with my selfish reason if selfish nga itong matatawag, but what can I do? Isang araw nagising na lang ako and I felt like I'm living a fake and arranged life. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos pakiramdam ko isa akong robot na imumulat ang mga mata, gagalaw lang upang gampanan ang mga responsibilidad ko. Magluluto, maglilinis, mag aalaga ng mga bata, aasikasuhin ka. Mula sa umagang magising ako hanggang pagtulog. Then the same routine sa susunod na umaga ulit at mga susunod pa! I just felt so tired. Pakiramdam ko wala na akong nagagawang ikinasisiya ko, my life isn't productive and I felt so miserable and frustrated when I saw someone at my age na nagagawa ang mga bagay na gusto nila and they are successful with their chosen path. Pakiramdam ko I am stucked in a place na hindi na ako mag gogrow as an individual and I hate it! I'm not growing. I'm not proud of myself either, nanliliit ako sa sarili ko! 'till I came to the point na I told myself that I have to break this wall! I have to free my self from whatever reason kung bakit nararamdaman ko mga 'to and I did!" "You mean to say napagod kang alagaan ako at mga anak natin? Na hadlang kami sa iyo? Na pabigat kami ganun ba?" hindi makapaniwalang tanung ni Kendrick. "No! Yes! I- I don't know! I can't tell you exactly how I really feel. I feel so guilty for what I have done to you and the kids. Siguro I'm just fed up with all the things that I kept on doing everyday. And I came to the point na I wanted to break that cycle. Napagod ako Kendrick!" Pilit na pag papaliwanag ni Milcah. "But you're the one who insisted it! Hindi ba pinapili kita after we got married? I told you that if you wanted to pursue your dream I'll be happy to support you. Pero anung sinabi mo? Gusto mong magfocus bilang asawa ko hindi ba? Sabi mo gusto mong maranasan at desidido kang maging housewife at hands-on mom and now you're giving me that kind of crap? I don't get it!" Kendrick roughly wiped his tears on his lower eyelids. "You will never get it Kendrick. Hindi mo talaga maiintindihan ang isang bagay lalo nat kahit kailan hindi ka naman magiging isang ina. Hindi ka gumigising sa alanganing oras para icheck from time to time ang mga bata. Hindi ka napupuyat at aligagang nag aalala kapag may sakit ang isa sa kanila. Hindi ka napapagod magligpit ng mga laruan at hindi ka napapagod maglaba at magtupi ng mga damit na mayat maya naka kalat. Hindi ikaw yung nagluluto at nag iisip ng mga ihahain sa araw-araw. Hindi ikaw yung halos isusubo na nga lang ang pagkain sa bibig pero biglang iiyak yung bunso mo o kaya tatawagin ka ng panganay mo para lang hugasan mo sya sa pwet! Hindi ikaw yung halos pagligo na nga lang ang tanging mailalaan mong oras para sa sarili mo pero hindi mo pa minsan magawa ng maayos dahil may mga batang biglang naghahanap sa iyo! Sa takot mong baka mapano sila nagmamadali kang gawin yung mga dapat mong gawin up to the point na hindi mo namamalayan sa kamamadali mo minsan may mga naisasantabi ka nang mga bagay. O kaya naman minsan kahit masama yung pakiramdam mo at may sakit ka pinipilit mong bumangon dahil may mga anak at asawa kang dapat alagaan at asikasuhin. You are not me Kendrick. At kung ikaw ang nasa kalagayan ko, hindi kaba mapapagod?" Milcah wiped off her tears. "Akala ko kaya ko Kendrick, pero narealize ko hindi pala. It's not as easy as one two three. It drains the energy I have. It sucked off the positive side out of me. The happiness and contentment that I felt when I became a wife and a mom were long gone. And what is left huh? I got intoxicated I guess. Pakiramdam ko hindi na ako yung Milcah na nakilala mo during our teen-age years, alam mo ba yung parang stranger ka na sa sarili mo?" Yukong tanung ni Milcah. Pagkatapos noon ay mahabang katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Bago pa man muling makapag salita si Milcah ay narinig nyang nagsalita sa wakas ang asawa. "Hindi mo man lang ba naisip na pwede naman nating pag usapan mag asawa kung anu man yung problema? Hindi mo ba naisip na iisa na tayo at bilang mag asawa dapat inaayos natin ito pareho kesa nagdidisisyon kang mag isa. Bigla kang umalis at basta ka nalang nang iwan ng sobre at ang laman ay Annulment papers? I get where you are coming from. And I am truly sorry if napabayaan kita. When I marry you I made a promise na thru happiness and hardships I'll be there but I guess I didn't fulfill that promise. But believe me, I am truly grateful for all the things that you've done for us. Pero Milcah hindi nalang ito tungkol saatin. This is not just between the two of us! May mga anak tayo! May mga inosenteng batang naghihintay sayo sa bahay. Araw-araw bukang bibig ang salitang "Mommy"! Walang araw na hindi ka nila binabanggit. Ni hindi mo ba naisip man lang na sa tuwing umiiyak yung mga anak mo ikaw yung hinahanap nila to comfort them? Khalil our first born, he kept on asking me when are you going to come home. And Khalid? What are you gonna do about him? For Christ sake he's just a baby! A seven months old baby! Ni hindi pa sya nakakapag lakad Milcah! Ayaw mo bang masilayan ang mga unang hakbang nya? Ayaw mo bang marinig ang mga unang salitang lalabas sa bibig nya? Hindi ba sapat na rason ang mga anak natin for you to stay? Kung tutuusin kaya naman nating maghire ng kahit ilang kasambahay pero ang ang hindi ko maintindihan sa iyo mas gusto mong pahirapan ang sarili mo tapos parang buong kasalanan ko pa na nahihirapan ka! Bakit parang isisisi mo pa saakin kung bakit ka umalis?" tila sasabog ang emosyong pinipigilan ni Kendrick. "O baka naman may iba ka pang rason?!" may bahid na hinalang tanung ni Kendrick. "Wwhat do you mean?" Nanlalaking mga matang balik tanung ni Milcah. "Tsk!" iiling iling na sambit ni Kendrick. "A friend of mine saw you with another man Milcah. Ang sweet nyo nga daw eh. At first akala ng kakilala ko ako yung kasama mo kaya naman gusto nyang lumapit para sana makipag kamustahan pero to his surprised eh kung sinong poncho pilato pala yung kasama mo at hindi pala ako na asawa mo!" Seryosong nakatitig si Kendrick sa asawa na tila hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. "Who is that man Milcah?" sunod na tanung nito. Ilang sunod sunod ding mga paglunok ang ginawa ni Milcah saka sinalubong ang nang aarok nitong mga tingin. "I don't know what are you talking about!" Pag iwas ni Milcah sa mga mata ng asawa ng hindi na niya ito matagalan. "Really? I know you very well Milcah! Your actions say's otherwise. Your body speaks for itself honey." Naka ngisi ngunit dismayadong wika ni Kendrick. "Now I'm gonna rephrase my question. And I wanted you to answer me properly and honestly." Hinuli ni Kendrick ang mga mata ng asawa na kanina pa pilit umiiwas sa kanya. "Meron bang iba?" sa wakas ay naisa tinig nito kahit na tila may bikig sa kanyang lalamunan. "Bakit mo pa ba ako tatanungin kung sinabi na pala ng kaibigan mo ang nakita nya? You already have that thought pala then why asked when it sounds like you already believe that friend of yours?" tila galit na tinig ni Milcah. "Dahil gusto ko marinig mismo galing sa bibig mo. Na kahit masaktan ako sa isasagot mo masasabi kong kahit papaano naging honest ka saakin. I'm giving you the chance to come clean, so you better know how to answer that simple question." Mababang tonong sagot ni Kendrick. "I know how much you love me Kendrick. Kung sasagutin ko ang tanung mo mas masasaktan ka lang. And I don't wanna hurt you even more." "Do you think you didn't hurt me enough by leaving me? Tingin mo ba hindi ako nasasaktan para sa mga anak natin? Wasak na wasak ako Milcah! Don't you think that it's better to tell me the truth right into my face kesa pag usapan ng ibang tao ang marriage natin while you left me hanging and clueless? Bakit hindi mo ibigay saakin ung knowledge na pinagpalit mo ako? Para naman maidefend ko din yung sarili ko at hindi ako magmukhang tanga sa ibang tao? Para naman kahit papaanu maprotektahan ko din yung mga anak ko! "I'm just trying to protect you from me. I don't wanna hurt you even more. I already caused you too much pain." Nakayukong sagot ni Milcah. "That's ridiculous Milcah! Your reason is so lame! Mas mabuti ng saktan mo ako ng paulit ulit kesa gawin mo akong tanga at gago! I'd rather let you wrecked my heart and be shattered into pieces kase baka sakaling sa pamamagitan nun matauhan ako. And honestly, I'm hoping that by hearing the truth na may iba kana, I was hoping that my stupid heart would stop loving you!" madamdaming wika ni Kendrick. "Ken...." tanging nasabi ni Milcah sa kawalan ng sasabihin. "Don't, Milcah! Don't give me that look!" Ani Kendrick sa asawa ng makita ang malambot na ekspresyon ng kanyang mukha. "Don't you dare try to comfort me with your words! All I'm asking is your honesty. Meron na bang iba?" He asked with a stiff voice. "I.... I'm so sorry. Hindi ko sinasadya!" at tuluyan ng humagulgul si Milcah sa kanyang kinauupuan. Wala nadin itong pakialam kung pagtinginan man sya ng mga tao. Hindi naman nakagalaw agad si Kendrick mula sa narinig. Inaasahan na nya ito pero iba parin pala pag narinig na nya mismo sa kanyang asawa. Pakiramdam nya ay tumigil ang pagtibok ng kanyang puso. Nag init ang mga sulok ng kanyang mga mata at tila hindi sya makahinga. He was froze in his seat for a moment. He watched his wife crying and sobbing like a child. In a span of a sudden moment all their memories came flashing back, right before his eyes. "Thank you for your honesty!" mabigat ang loob na may bahid ng hinanakit na nasambit nalamang ni Kendrick. Tigmak man ng luha ang mukha ni Milcah ay sinalubong nito ang malamig na tingin ng kanyang asawa. She is torn between being guilty and sad for betraying him. "I'm so sorry!" muli nitong hingi ng tawad. "Atleast ngayon malinaw na saakin ang lahat kung bakit ka umalis. Tsk! I can't believe na kami pa talaga ng mga anak mo ang ginawa mong excuse. Na kesyo napagod ka at naging toxic ang buhay mo sa piling ko gayung may iba ka palang kaulayaw!" Kendrick's jaw moved. "Ang selfish mo Milcah!" mababang tinig ni Kendrick. "Don't worry about the annulment, I'm very much willing to participate. But you can't have my boy's Milcah, kahit ikaw pa ang ina, dont you dare!" He warned. "I won't fight for their custody Kendrick. But please let me see them if given the chance." pakiusap ni Milcah. Nasasaktan man sya bilang isang ina pero gusto nyang panindigan ang kanyang naging desisyon. Kendrick just nod as an answer. He stand up and was about to turn his back ngunit muli itong humarap at tinapunan ng tingin. "Do I know him?" muling tanung nito sa asawa. Sa halip na sumagot ay umiwas ng tingin si Milcah. Napatawa na lamang ng mapakla si Kendrick ng makumpirma ito. "About that friend nga pala who saw you with another man. Well, that friend doesn't really exist. I just have a hunch na baka may third party and I tried to wipe it off my mind. But when I saw you na tila hindi mapakali at panay ang check ng phone mo doon ko napagtanto." Naka pamulsang saad nito. "I'm not that stupid Milcah. All I did is threw you a bait and pressured you. I didn't expect that you'll gonna confess that easily." Laking gulat naman at nanlalaki ang mga mata ni Milcah mula sa mga narinig. Maang na napatingin pa ito sa asawa. "But do you know what's funny about this whole chaos? This!" Sabay turo sa kanyang puso. " This stupid heart of mine still hopes na sana salungat sa hinala ko ang isasagot mo. Ewan ko ba pero napaka bobo ng puso ko! Gustong gusto padin maging tanga sa iyo." "Oh Ken-!" Milcah was about to say something but her husband immediately cut her off. "Shame! But I wish you made the right decision Milcah." Mapait na ngumiti si Kendrick saka tuluyang naglakad palayo. Nakaka ilang hakbang pa lamang ito mula sa mesang inukupa nilang mag asawa ng maka salubong ang isang pamilyar na mukha. Si Calvin ang kanyang matalik na kaibigan. Tila gulat na gulat pa ito ng makaharap siya. Mula sa kanilang kinatatayuan ay pareho silang napatingin sa kinaroroonan ni Milcah na tila gulat at takot sa pagkikita ng dalawa. Napatakip pa ito ng bibig sa hindi inaasahang pangyayari. Muling nag igting ang mga panga ni Kendrick saka inundayan ng isang malakas na suntok ang kaibigan. Hindi inaasahan ni Calvin ang pangyayaring iyon kaya naman buhat sa kanyang kinatatayuan ay natumba ito sa kalapit na mesa, mabuti na lamang at bakante ito. Marahas na kinuha ni Kendrick ang nakalapag na inuming alak sa isa pa nilang katabing mesa saka itinaas ang wine glass sa ere. "For my wife and her lover Calvin! My best friend and also my best man sa kasal ko ngunit ngayon ay kabit na ng asawa ko! Cheers!" sigaw ni Kendrick saka nilaklak ang nilalamang alak kasabay ng mapait na luhang naglandas sa kanyang mga mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
82.8K
bc

The Ex-wife

read
234.6K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.8K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Governor Hidden Mistress

read
26.1K
bc

Lara's Seduction

read
176.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook