(The day Kendrick came back from Cebu)
Malungkot ang mga mata habang pinag mamasdan ni Kendrick ang kanyang mga anak na masayang naglalaro sa kanilang playroom. Nasa tabi nito ang inang si Mrs. Nathalie Zarate na kanina pa hinahaplos ang kanyang balikat upang maibsan ang bigat na kanyang nadarama at upang ipadama rito ang suportang hindi sya nag iisa. Maging ito ay naiiyak at nasasaktan para sa kinahantungan ng buhay may asawa ng kanyang anak. Hindi nito lubos maisip na kayang gawin ni Milcah sa asawa at mga anak ang iwan nalang ang mga ito na para bang nag abandona lang sya ng mga tuta sa daan at walang maayos na paalam. She feels angry and confused ngunit higit sa lahat ay alam nyang mas matindi at mas mabigat ang nararamdaman ngayon ng kanyang anak.
"Hindi ko na alam Ma kung paanu ko haharapin ang mga anak ko, kasalanan ko kung bakit umalis si Milcah. I didn't treat her well. I should've done more. Dapat mas nag effort pa ako for her to stay." Pasinghot na himutok ni Kendrick. "Pag lumaki na ang mga bata at nagka isip, paano ko ipapaliwanag sa mga anak ko na kaya sila lumaking walang ina na nasa tabi nila ay dahil sa kanilang ama? Paanu kung sa halip na magabayan at mapalaki ko sila ng maayos ay mas mapasama sila saakin? Iniisip ko pa lang ay pakiramdam ko pinipiga ako sa puso! I'm afraid Ma... natatakot ako." Hagulgul nito. "Honestly Ma, hindi ko alam kung saang banda ba ako nagkulang. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali at bakit kailangang umalis sya at iwan kami ng ganun ganun na lang. Ganoon ba ako kahirap makasama Ma? Ganoon na lang ba ako kahirap mahalin? Ganun ba kami kawalang kwenta at pati mga walang muwang na bata ay natitiis nya? Hindi na ba nya kami mahal? Did she really leave us because we.... or I-" tila may bikig sa lalamunang hindi kayang itu am not good enough?" Labis ang pagdaramdam at kasawian ni Kendrick.
"Shhh! That's nonsense son! Don't say such ridiculous things! That's not true! Besides, Milcah will return okay? She is just confused that's why she left. I'm sure babalik din sya once she cleared up her mind. Hindi nya matitiis na mawalay ng matagal sa iyo at sa mga anak nya. Alam ko kung gaanu nyo kamahal ang isa't isa kaya alam kong babalik din sya agad. She'll return right away I'm sure of it. Tama na yang iyak mo anak, ayaw mo naman sigurong makita ng mga anak mo na ganyang ang itsura mo hindi ba?" Pang aalo ng ina nito sa kanya.
"But she already sent me an annulment papers Ma.. I'm not stupid para hindi isipin na hindi nya ito pinagisipan at pinag handaan. Filing for an annulment takes time at alam kong aware sya doon. Matagal na nya itong binabalak kaya nga siguro sinamantala nyang umalis while I was in Cebu. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa ganitong paraan? She could have told me about it personally so we can talk right? Ang .. ang dami kong gustong sabihin at tanungin sa kanya pero hindi ko alam kong saan ko sya hahagilapin." Kendrick rested his back on the wall and slowly slide down to the floor. Pakiramdam nya ay nanghihina sya. Gusto nalang nyang mawala ngunit pinipilit nyang magpaka tatag alang alang sa mga anak.
"Did you tried to call her? Or ipagtanung sya sa mga kaibigan nya?" Mrs. Zarate asked.
"She's not answering. She turned off her phone or maybe she blocked me! Saka wala syang mga kaibigan dito, lahat sila naka based na sa ibang bansa." Sagot ni Kendrick na naka sabunot sa kanyang buhok."
"Awwww Ken!" Naiiyak nading bulalas nalang ng Ginang habang pinapanood ang matinding pinagdadaan ng anak. Nais man nyang may magawa para dito bilang isang ina ay hindi nya din alam kung saan nya matatagpuan ang manugang. Nasasaktan sya para sa anak at mga apo. "Get up anak, iuuwe ko na muna kayo sa bahay. I can't leave you here all alone seeing what state you are in right now. Atsaka para may mag asikaso nadin sa mga bata. Mas mainam na ding may nakaka usap ka anak para hindi mo masyadong maisip ang problemang ito, nag aalala ako na baka may gawin kang hindi maganda."
"No. We will stay here Ma... ikaw nadin ang nagsabi. She's going to come back once she cleared up her mind. Baka bumalik si Milcah at nagbago ang isip nya. Baka dumating sya at maabutan nyang walang tao dito sa bahay. I can't let that happen." Ngunit ay tanggi ni Kendrick.
Mrs. Zarate massage her temple as she clenched her fist out of frustration. Hindi nya maitatanggi na naiinis sya sa ginagawa ngayon ng manugang nya. Saka nya biglang naalala ang araw na narinig nya si Milcah na may kausap sa telepono noong minsan ay dumalaw sya sa mga apo.
Tanda nya ng araw na iyon, lumabas sya sa playroom ng mga apo upang pumunta sana sa kusina dahil nakaramdam ito ng pagka uhaw ng may maulinagan syang boses sa kabilang kwarto. Ayaw man nyang makiusyoso ay hindi nya napigilan ang kuryusidad ng madinig nito ang manugang na tila may kadiskusyon sa kabilang linya.
"Hindi mo kase naiintindihan! Kailangan ko pa ng kaunting panahon para makapiling sila. Huwag mo naman akong madaliin, ikaw na nga ang pinili ko hindi ba? Please naman!" Naiiyak at pagmamakaawa ni Milcah sa kausap.
Nakita din ni Nathalie ang simpleng pag punas ni Milcah sa kanyang mga luha saka ito biglang humarap sa direksyon nya. Bahagyang nagulat at napahiya ang Ginang sa hindi inaasahang pagkatuklas ng manugang na nakikinig pala ito sa usapan nila ng nasa kabilang linya. Ngunit mas nagtaka sya sa hitsura ng manugang na tila tinakasan ng dugo sa katawan.
"I'm sorry, I didn't mean to. Bababa lang ako to get some water." Madaling paalam niya dito.
"Kkanina pa po ba kayo jan?" Lakas loob na tanung ni Milcah sa kanya.
"No! Kadarating kolang actually." Sagot ni Nathalie ngunit hindi niya maikakaila na iba ang nararamdaman nya sa reaksyon ng manugang. Pakiramdam nya ay may inililihim ito kaya ganoon nalang ang silakbo nya ng makita nitong nandoon syang nakikinig.
"Ikaw na nga ang pinili ko hindi ba?" Muling umalingawngaw ang mga katagang iyon sa isipan ng Ginang ng maalala ang tagpung iyon.
Alanganin man syang sabihin sa anak ang narinig ay minabuti nyang huwag na muna nya itong banggitin sa kanya. Dahil sa nakikita nya ngayon ay baka hindi kayanin ng anak ang kanyang hinala. Natatakot sya na baka mas malulung sa lungkot ang anak at makaisip na saktan nito ang kanyang sarili.
"Ang mga bata. Ang mga anak namin Ma. Siguro nga kaya nya akong iwan at balewalain pero hindi ako naniniwalang kaya nyang tiisin ang mga anak nya. Ni hindi nya nga gustong iasa sa iba ang pag aasikaso sa kanila dahil gusto nya sya lang. She wanted to be a hands-on mom even if it means giving up her dream career. Babalik sya Ma! She's just taking her time. Alam kong magbabago pa ang isip nya. I know it for sure." Umaasang wika ni Kendrick.
"Fine. 'kay! If that's what you think hijo. Pero I'll stay here with you for the mean time and don't you dare say no dahil makiki pag matigasan ako sa iyo." Banta ng ina.
Hindi naman sumagot si Kendrick sa ina. Pumikit na lang ito saka bumuntong hininga ng marahas.
"Do you want me to call your Ninong Arth? He has connections. I'm sure matutulungan nya tayong mahanap ang asawa mo." Biglang alala ng ginang sa kaibigan nitong si General Arthur Mulave.
"No. Hayaan nyo na Ma. Ayokong malaman ng ibang tao ang nangyayari ngayon saaming mag asawa. Let's just keep it to ourselves muna. Milcah might come back anytime. Ayokong gumawa ng maling hakbang. I will just patiently wait for her." Kendrick declined.
Bumuntong hininga naman si Mrs. Zarate saka tipid na ngumiti sa anak upang ipabatid na naiintindihan nya ang desisyon nito. Alam nyang nasa stage of denial si Kendrick sa mga sandaling iyon. The signs are present. Ayaw man nyang isipin ngunit sa mga ikinikilos ngayon ni Kendrick ay baka tuluyan itong mabaliw if she speaks up her mind. Her only son is in deep pain. And there is nothing else she can do to take away that agony. Kung maaari lang nyang dukutin at kamkamin ang sakit na nadarama ng anak ay kanina pa niya ito ginawa.
Kendrick is a menopausal baby. When Nathalie was foury one years old she experience an early menopause. Akala nga nila ay wala na at tuluyan nang hindi nya mabibigyan ng anak ang kanyang asawa ng hindi na ito tuluyang datnan ng buwanang dalaw. Ngunit isang araw ay nawalan ito ng malay habang sya ay nasa kanyang opisina. Pagmulat niya ng mga mata ay nasa loob na sya ng ospital habang hawak hawak ng mahigpit ni Ginoong Zarate ang kanyang kamay na may mga ngiti sa labi. Paulit ulit itong nagpapa salamat sa kanya at labis naman ang kanyang pag tataka sa ikinikilos ng asawa. When the doctor finally came in and announced that she is pregnant, pakiramdam nya ay nasa ilalim parin sya ng mahimbing na pag kaka tulog at nananaginip pa ito. Sinubukan nya pang kumurap kurap at kurutin ang sarili upang maka siguro, at laking tuwa nga nito nang makumpirma na totoo ang lahat. She called it a miracle and a gift from above. Kaya naman nangako sya sa Diyos na aalagaan, poprotektahan at mamahalin nya ang ibinigay nyang biyaya sa kanilang mag asawa.
Ngayon nga at may matinding pinag dadaan ang kanyang supling. At sa tingin nya ay mababaliw din ito kung patuloy na makikitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang pinaka mamahal. Ayaw man nyang panghimasukan ang buhay may asawa ni Kendrick, ngunit hindi din sya papayag na wala itong gagawin para sa kanyang nag iisang anak.
With all her strength she tried to pull up Kendrick from the floor. "Come on son, get up! Please, I don't want to see you like this. At kahit wala pang mga muwang ang mga anak mo please don't let them see you sa ganyang itsura mo! You are a man, most of all you are a father. So please... please naman iho! Pull yourself together! It kills me seeing you like this." At tuluyan ng humagulgul si Nathalie sa mga bisig ng kanyang anak.
Kendrick clenched his fist. He hates everything that is happening to his life right now. For a moment ay hiniling nyang sana ay nananaginip sya. Na sana ay hindi totoo ang lahat at sa pag gising nya ay masisilayan nya ang magandang mukha ng kanyang asawa. But the reality always strikes him with pain and grief. Piping hagulgul man ang pilit nyang ikinukulong sa kanyang dibdib na lalong nag papa bigat ng kanyang pakiramdam, ngunit hindi ito maitatatwa ng mga mata nyang kababakasan ng labis na kalungkutan.
Narinig ni Nathalie ang pag sara ng pintuan ng kotse, buhat sa labas ng bahay nila Kendrick. Dali dali nyang pinunas ang mga basang mata saka pumanhik pababa ng hagdanan. Saglit nyang iniwan si Kendrick na naka tulala sa di kalayuan na may mga luha pa sa mga mata.
"Where is he?" Bungad na tanung ni Mr. Zarate sa asawa na kababakasan ng pag aalala.
"Nasa loob. Sa playroom ng mga bata. Please Nestor, kausapin mo sya. Kausapin mo ang anak natin. Tell him things that might cheer him up. I'm afraid that he might do something crazy!" Hagulgul ni Mrs. Zarate sa kanyang asawa. Agad naman syang dinaluhan nito upang yakapin.
"Don't worry. Kendrick will be alright. Let's give him some time. Kilala ko ang anak ko, hindi natin sya pinalaking mahina. He is more stronger than you think. Masakit pa sa ngayon, sobrang sakit but he will overcome this stage in his life. Ang importante ay nandito lang tayo sa tabi nya upang umalalay at suportahan sya. Kailangan nating ipadama sa kanya na hindi sya nag iisa sa laban, na may kakampi sya.
"You are right! He needs us now more than ever!" Nathalie finally wiped her tears na nakahanap ng lakas ng loob sa mga binigkas na salita ng asawa. "Pero hindi ako papayag na walang gagawin at tutunganga lang habang pinapanood ang anak kung nagdurusa!"
"What are you trying to say?" Nestor asked his wife.
"Alam ko at malakas ang kutob ko na may nalalaman si Hanah sa mga nangyayaring ito. Be with Kendrick and wait here!" Ma awtoridad na wika ni Nathalie.
"Wait! Where are you going?" Sigaw na tanung ni Mr. Zarate ng pumasok ang asawa sa loob ng kotse sa driver's seat.
"To the Tuazon's. I'll deal with Hanah by myself!" She firmly answered.