"Dont move too much, Dreams, ako na lang ang gagalaw para hindi ka mahirapan." Usal ni Kaiden habang dahan-dahan na ginagalaw ang kanyang damit upang alisin ang pagkakasabit ng kwintas ni Dreams roon. Inaalalayan niya rin ang tiyan ng babae dahil baka masagi niyan ito. "Naku! Pasensya ka na talaga." Paghingi ng tawad sa kanyang kalikutan. Nasa kwarto siya ni Kaiden ng gabi na yon dahil inaya siya ng doktor na doon siya mahiga. Pinagbigyan naman niya ito dahil komportable siya roon na matulog dahil may aircon. Magiging maganda ang tulog niya kapag sa kama ni Kaiden siya matutulog. At dala nga ng kalikutan at hindi sapat na simoy ng lamig nong aircon ay nakailang galaw siya upang maghanap ng magandang pwesto sa pagtulog. Hanggang sa hindi inaasahan ay nabuhol sa butones ng damit ni Kaiden

