"Thank you, Oheb." Naramdamam ni Dreams na ginulo ni Oheb ang buhok nito pagkatapos niyang magpasalamat sa pagsisintas na ginawa nito sa kanyang sapatos. Hindi niya kasi ito maabot dahil maiipit ang medyo may kalakihan niyang tiyan. Sakto na tapos nang mag-usap sina Kaiden at Mia kaya pumaroon na ang mga ito sa pwesto nila. Nagpaalam na silang lahat sa isa't isa pauwi dahil gumagabi na at may kasama silang buntis. Nasa kalagitnaan sila ng byahe at napansin ni Dreams ang pananahimik ng doktor habang nagmamaneho. Nakasandal ang kaliwang siko nito sa bintana habang yong isa ay nakahawak sa manibela at nakatuon ang pansin nito sa daan ng diretso. Hindi niya mawari kung galit ba ang doktor o sadyang normal lang ang awra nito. "Bagay na bagay talaga kayo ni Doktora." Pambabasag ni Dreams sa k

