"Inumin mo muna 'to para gumaan ang pakiramdam mo, Dok." Galing sa kusina si Dreams at dala na niya ang isang tray na kung saan niya inilagay 'yong baso ng pinigia niyang kalamansi na inihalo niya sa maligamgam na tubig. Kumuha rin siya ng isang bimpo at nagsalin ng maligamgam na tubig sa isang maliit na palanggana't naglagay ng alcohol. Nakasanayan niyang uminom ng ganon kapag nararamdaman niyang sisipunin siya o kaya naman ay lalagnatin. Nasanay rin siyang maglagay ng bimpo sa ulo nito kapag ganon na mabigat ang kanyang pakiramdam. Naniniwala siyang mas mabigang gamot 'yon o panlaban sa lagnat kaysa sa mga nabibiling gamot. "What's that?" Tanong ng doktor sa kanya, naroon si Kaiden sa kama nito, nakahiga't nakapulupot ang kumot nito sa kanya. Noon lamang nakapasok si Dreams sa kwar

