"Jusko naman! Sermon ni Dok Alfred kinaya mo, itong lagnat hindi? Pucha naman!" Umalingawngaw ang ingay nina Oheb sa kwarto ni Kaiden nang minsan ay bisitahin siya ng mga ito. Ikalawang araw na 'yon na hindi siya pumasok sa trabaho dahil nga may sakit siya. Matapos 'yong pagdalaw ni Katlyn sa kanya, hindi na ulit sila nag-usap, hindi na rin ito bumalik sa unit niya. Kahit kailan rin ay hindi nila 'yon napag-usapan ni Dreams. Binigyan naman siya ni Dreams ng privacy ukol sa naging usapan nilang mag-ina. "Walanghiya ka! Pumunta ka ba dito para dalawin ako o para badtripin ako?" Inihagis niya 'yong nagamit ng tissue kay Oheb at mabilis naman itong umilag para hindi siya tamaan. "Feel ko nag-iinarte lang 'to e. Tamo ang lakas-lakas naman. Porket siguro may nag-aalaga na sa kanya e." Biro

