Nagtulakan pa ang dalawang kambal habang nagtatakang nagmamartsa papunta sa guidance office. Gulong-gulo na silang dalawa kung ano ang nagawa nilang kasalanan at pinatawag sila nang bigla-bigla. "Dude, what trouble have you gotten yourself into and you put me in there too?" nakakunot-noo na tanong ni Stefen sa kambal niyang si Stefan. Sa kanila kasing dalawa, ito ang medyo basagulero at bad boy kaya mas malaki ang tyansa na ito ang may kasalanan sa kanilang dalawa. "I swear I did nothing this time! Maybe the librarian saw that you are over reading books at the library! So she reported you to the guidance counselor?" parang batang sagot ni Stefan. Wala rin siyang maisip na pinakamalapit na dahilan kung bakit sila pinatawag. Totoo na wala siyang nagawang kahit na ano man sa linggo at araw

