Sinadyang mag-abang ni Psyche sa parking lot para kay Samaria. Nag-alala ito at buong gabi niyang hindi na-contact ang dalaga. For sure natanggap din nito ang video na natanggap niya. Wala talagang magawa sa buhay iyang si Aphrotin. Hindi niya ako titigilan. Isang araw, matuturuan ko din ng leksyon ang babaeng 'yon. Saktong kalalabas niya sa kanyang kotse ay ang pagdating din ng kotse ng dalaga. Malayo pa lang ay tanaw na tanaw na niya ito. He can't wait to explain himself at sana ay pakinggan siya nito. "Sam." Bungad niya. Tinapunan lang siya ng tingin ng dalaga. Gusto lang niya itong asarin at tingnan kung talagang magpapaliwanag ito. Maya-maya pa ay dumating na rin si Demetre. Magkasunod lang ang kotse nilang dalawa na dumating. Mariing hinawakan ni Psyche ang kamay ng dalaga. "L

