"ANO? Tutunganga ka na lang ba diyan?"
Napawi ang pagkatulala ni Sam nang marinig ang boses na iyon ni Psyche. She tilted her head to see his face. Malamig itong nakatitig sa kanya.
"Please, go. I don't want to talk to a stranger tonight." Pagtataboy niya rito saka muling inihilig ang kanyang ulo sa dingding.
"They said it's way better to open up with a stranger," giit ni Psyche.
Iginalaw ni Sam ang kanyang leeg. Wala talaga siya mood makipag-usap ngayon but Psyche keeps on insisting.
"Fine, then. What do you want to hear?" walang buhay na sagot niya kay Psyche.
"Your moan?"
Namilog agad ang mga mata ni Samaria sa sinabi nito.
"Just kidding, Sam. I just want to commend how you dance at the dance floor. But I'm jealous. You were swaying your hips in front of other guys."
Napa-tsk na lang si Samaria. Jealous your face, Psyche. For I know, nambo-bola ka lang. Akala mo naman maniniwala ako diyan sa mga sinasabi mo. Duh, I know what guys want.
"Jealous? You are in no position to be jealous, Mr." Pagtataray ni Samaria.
"Then, I'm willing to apply for a position?" Ngumisi si Psyche.
Kung ano man ang naging ugnayan nila, gusto nang tapusin ito ni Samaria. Ayaw niya na baka mas ma-attach lang sila sa isa't isa at magkanda-letse letse ang pagpapanggap niy.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Mr. Kung ano man ang namagitan sa atin, tapos na 'yon and it was just a big mistake. So, please, kung naghahanap ka lang ng babaeng mapaglalaruan, not me. I am really not in my rightest mood to flirt."
Psyche chuckled hard. Hindi niya inasahan na mari-real talk siya ng isang Sam.
"I wanted to, Sam. But you need to take responsibility of divirginizing me.," bulong nito sa kanyang tenga.
Nabingi si Samaria sa mga ipingtapat nito. What is he talking about? Bakit parang baliktad pa yata? Ibig sabihin ba no'n, ako talaga ang unang babae na naikama niya? Wow, just wow, Psyche!
"So, akala mo, isa akong tanga na mahuhulog sa bitag mo? Dream on."
"This is a one time offer, Sam. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Minsan ka na lang makakasagupa ng lalaki who will take responsibility for f*cking you in our generation today. So, aren't you still going to give me a positiion in your life? I want to know you better." He winked.
Gustuhin man ni Samaria, he can't let him in to her personal life. Lalo pa't marami siyang lihim. Hindi siya puwedeng makilala ni Pscyche na siya rin si Samaria Escober, or else, hindi na siya makagagalaw pa sa univerity nila. Magulo. Masyadong magiging kumplikado ang lahat.
"Sorry, Mr. But I can't. Alam mo 'yung no strings attached? Gano'n na lang siguro tayo."
Tumayo na si Samaria. Medyo nahimasmasan na naman siya. Natigilan pa siya saglit.
"It's nice meeting you, by the way. Let's just pretend that that night never happened. If you see me here, just be casual. Magkunwari ka na lang na hindi ako nahagip ng mga mata mo. I can't just withdraw clubbing just to avoid you though."
Iyon lang lang sinabi ni Samaria saka tinalikuran na si Psyche. She bit her lower lips saka mariing napapikit.
There is a different energy that pulls her back to him at parang ayaw niyang umalis. Parang ayaw niyang talikuran si Psyche. She wants to know him more like he does. Pero siguro, hindi pa ngayon.
Sa inis ni Psyche, bigla na lang siyang nanghila ng lalaki sa isang madilim na sulok saka ito pinagsusuntok. Binuhos niya doon ang inis niya. Sa dilim ng bar at sa lakas ng tugtog, wala nang nakapansin at nakarinig doon.
"D*mn!" sigaw niya habang pinagsusuntok ito.
Nagdugo na ang labi nito nang bitawan niya. Wala man lang umawat. Kumaripas ng takbo ang lalaki palabas ng bar at natakot yata. Psyche doesn't care. He's mad. He felt a bit insulted. Sa ilang araw na pagpapabalik-balik niya rito waiting for Sam, hindi niya alam ngayon kung sulit pa ang ginawa niya dahil napunta lang ito sa wala.
Hapong-hapo siya na napaupo sa table. He ordered another bucket of drink na uubusin niya mag-isa. Walang klase bukas kaya makakapag-lasing siya hangga't gusto niya. No one can stop him. His dad is even busy running their school. Ang mommy niya lang ang kasama niya sa kanila.
Ilang sandali pa, nakarinig siya ng hagikhikan mula sa kumpulan ng mga babae sa table katapat ng kanya. Tinapunan niya ng tingin ang mga ito. They succeeded in getting his attention but he won't waste his time for these bitches. Isa lang ang gusto niyang makasama ngayong gabi. Hindi ito ang inaasahan niya. Mukhang bumaliktad yata ang mundo. Siya naman ngayon ang biglang na-head over heels sa babae. Iba si Sam. Ibang-iba siya. So he will never let her slide that easy. He'll make sure to win her.
TULUYAN nang ibinagsak ni Samaria ang katawan niya sa kama. Hindi niya na inalintana ang pagod. Isang bagay lang ang gumugulo sa isip niya. Bakit? Bakit parang hangin lang siya sa paningin ni Demetre kanina? Hindi niya matanggap na mismong best friend niya pa ang mag-i-ignore sa kanya. Dapat siya ang kakampihan nito. Bakit si Stiffany na mismong promotor sa pananakit sa kanya? Hindi niya lubos akalain!
"Grr, Deme! Lagot ka talaga sa 'kin bukas! Ipapakain ko sa 'yo ang mga libro mo!" Ginulo niya ang kanyang buhok na parang nababaliw. Para siyang masisiraan ng bait. How dare Deme ignore me? Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan.
Naisip niyang tawagan na lang ang best friend niya para bwisitin ito at kulitin. She dialed Demetre's number. Naka-sampung dial na siya pero hindi pa rin ito nasagot. Lalo tuloy uminit ang ulo ni Samaria. Naibato niya ang cellphone niya sa kama saka dumapa rito.
"Sweety?" Boses ng kanyang mommy na nasa tapat ng kanyang pinto. Her room is already locked at tinatamad na siyang bumangon sana.
"Mom, why?" she asked without getting up.
"I was just checking if you got home already. Hindi kita napansin. Maaga ka yata ngayon, sweety?"
Support siya ng mommy niya sa pagba-bar niya. Hindi niya ito pinipigilan dahil alam naman niyang stress reliever ito ng unica hija niya. Siya na lang naman ang kakampi ni Samaria. Wala nang iba at malabong kampihan siya ng step father niyang si Jordan Demencil na pangalawang asawa ng mommy niya ngayon. Wala naman itong ginawa kundi ang i-underestimate siya at kontrahin sa bawat galaw nito. Palibhasa, hindi siya nito tunay na anak.
Napilitan na lang si Samaria na bumangon to have a little conversation with her mommy. Dito na lang siya lalabas ng sentimiyento niya at sama ng loob.
Nagmartsa si Samaria papunta sa pintuan at pinagbuksan ang mommy niya. Walang buhay niya itong binigyan ng ngiti. Na-detect naman agad ng mommy niya na mukhang hindi naging maganda ang lakad niya kanina.
"Mom." Maiksing bungad ni Samaria.
Pinapasok niya ang mommy niya sa loob at magkatapat silang naupo sa kama.
"Sweety, what happened? May kinalaman ba ito sa maaga mong pag-uwi?"
Bumuntong hininga si Samaria.
"I had an encounter at the bar with my bullies in school, Mom. Doon na ako nakaganti sa kanila. Binuhos ko na lahat ng galit at sama ng loob ko sa kanila. Kamunti ko na ngang isubsob ang bruhang 'yon sa dance floor, e." Sumbong ni Samaria.
Nagulat naman ang mommy niya doon.
"Matagal ko nang sinasabi sa 'yo, itigil mo na ang pagpapanggap mo bilang nerd, sweety. Hindi mo naman deserve lahat nang ginagawa nila sa 'yo, e. Sino ba ang mga iyang mga 'yan nang masalpakan ng pera ang mga bunganga nang tigil tigilan ka na!" Pangaral ng kanyang mommy.
Na-stress ito sa mga sinumbong ni Samaria. Her looks and body is her asset sa modeling at hindi pwedeng palagi na lang siyang magpa-api.
"Mom, hindi puwede. Hindi nila puwedeng malaman that I am a well-known model internationally. Magugulo ang univerisity life ko. I want to live normal."
"Normal? Normal na ba 'yan para sa 'yo?! It's not, sweety. I am your Mom. I am responsible for that. Quit playing games at hahanap ako ng paraan para normal ka pa ring makapag-aral sa university niyo," mariing sinabi ng mommy niya.
Napapikit si Samaria saka humugot ng hangin.
"Not now, Mom. Kailangan ko pa ring ituloy hanggang sa makapagtapos ako. Saka, hindi naman ito ang isusumbong ko dapat sa 'yo!" nagdadabog niyang sabi.
"E, ano?"
"Si Deme! Nandoon lang naman kanina sa bar! At alam mo ba? He did ignore me! Para akong hangin sa kanya kanina. Ugh, I don't get him! Naiinis ako. Nauna niya pang tinulungan iyon bruhang nam-bully sa akin! Ako ang best friend niya, Mom. Pero bakit gano'n? Hindi ko siya maintindihan!"
Sumakit tuloy ang ulo ng Mommy ni Samaria.
"Sweety, hindi ko rin alam. Mabuti pa, tanungin mo na lang si Demetre about that. Mag-usap kayo," advice ng mommy niya habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kamay nito. Bahagyang kumalma si Samaria.
"Talaga, Mom! Hindi na nga ako makapaghintay hanggang bukas, e. Sumisikip ang dibdib ko sa pag-aalala ng kanina! Masakit dito." Sabay turo niya sa kanyang dibdib.
Her mom raised an eyebrow.
"What do you mean? Do you like Demetre, anak?" her mom intently ask while looking straight into her eyes.
Umiwas ng tingin si Samaria. Gusto nga ba niya si Demetre? Parang oo, na parang hindi? Hindi ba puwedeng neutral na lang? E, ano iyong nararamdaman niyang magnet na humihila sa kanya para kay Psyche? Wala lang ba 'yon? Paano niya ipapaliwanag ang kakaibang attraction na naramdaman niya noong isang gabing nagkasama sila ni Psyche?
"I-I like him, Mom. He's special to me because he's my best friend. Kaya siguro nasaktan ako nung nakita kong tinulungan niya pa iyong babae na nanakit sa akin which is dapat ako ang tulungan niya. Isn't it unfair, Mom? Hindi ba normal lang naman siguro na masaktan ako dahil doon?" dire-diretso niyang sabi. She knew that she sounded defensive. She's still unsure about her feelings kaya dapat hindi muna siya magsalita ng kahit ano ngayon hangga't hindi siya sigurado.
"Yes, sweety. Don't stress yourself in things that are unsure. Sige na, magpahinga ka na. Your dad will come home late tonight," her mom replied.
"As usual, late na naman. Why can't he just live in the university? Doon naman siya palagi. Saka isa pa, Mom, he can't accept me as her daughter. Hindi mo siya deserve." Samaria rolled her eyes.
"Quiet, sweety. Stop saying those things. He's still your father after all."
"Father? I will never accept him as my father like what he do to me! Ni hindi nga niya matanggap na anak mo ako. Hindi bagay sa kanya ang salitang daddy. I wish dad was here." Nalungkot na lang siya bigla nang maalala ang late father niya.
Bumuntong hininga ang kanyang mommy.
"Go, take a rest. Next week, you are going to have a photo shoot kaya please, umiwas iwas ka na muna sa mga bullies mo. You need to take care of your face dahil 'yan ang puhunan mo, anak." Her mom reminded her.
"Goodnight, Mom."
Ngiti na lang ang naisagot ng Mommy niya. Naawa siya kay Samaria. Hindi man lang kasi nito naranasan na maalagaan at mahalin ng isang ama. Ang inaasahan niyang ta-tratuhin siya na parang isang tunay na anak ni Jordan, hindi naman nangyari dahil hindi nito matanggap si Samaria bilang step daughter niya.
Lunes ng umaga, pagkatapos ng dalawang araw na walang pasok, Samaria tried to live her lies again. Nagsuot ng thick glasses, naka-ponytail, at naglagay ng fake niyang kilay na sing kapal ng isang daliri niya. She really looks awful pero imbis na kaawaan niya ang mukha niya, natawa pa siya.
"No wonder masilaw ako sa mata ng mga bullies. Kamukha ko yata si bakekang dito sa mukhang 'to." Umiling iling si Samaria habang nakangisi. Mailayo siya nawa sa mga bullies niya sa araw na 'to. Nakakapagod lang. Paano kung buong taon siyang guluhin ng mga ito? Makaka-graduate pa kaya siya nang buo ang katawan? Mamaya, mabalitaan na lang na itinapon na ang katawan niya sa tabing ilog at wala ng ulo sa dami ng may galit sa kanya kahit wala siyang ginagawa sa mga ito.
Nag-taxi lang siya. Kasama naman iyon sa plano. Dapat simple lang siya at mukhang walang ibubuga. Ganito niya kung ibaba ang sarili niya para sa kagustuhan niyang normal na buhay. She's already ready to face and confront Demetre today.
Nakarating naman siya sa una niyang klase na walang humarang sa kanyang mga bruha. Safe ang mukha niya sa sampal at ang buhok niya sa sabunot. Kailangan niyang mag doble ingat na hindi ito magalusan ngayon dahil may photo shoot pa siya next week.
Pagkarating agad niya sa unang klase, nadatnan niyang naka-de kwatro si Demetre at nagbabasa na naman ng libro. Na-badtrip agad siya nang makita ito. Ang ginawa niya ay bigla niyang kinuha at isinara ang librong hawak at binabasa nito.
Matalim at malamig niyang tiningnan si Samaria dahil sa ginawa nito.
"Oh? Ano?" Pagsusungit ni Samaria.
Isinubsob na lang ni Deme ang kanyang mukha sa desk. Lalong nakapagpainit iyon ng ulo ni Samaria. Why is he acting out?! Ano ba ang kasalanang nagawa niya?
Napa-tss si Samaria sa ginawa nito.
"So, ini-ignore mo ako talaga, ano?"
Parang hangin lang si Samaria. Hindi siya pinansin ni Demetre. Parang wala itong narinig. Inis na inis si Samaria sa inasta ng best friend niya. Gusto na niyang maiyak pero pilit niyang tinitibayan ang kanyang loob. Ngayon lang siya in-ignore ng ni Demetre. Kahit naman masungit ito, ramdam naman niya ang concern nito at pag-care sa kanya sa mga simpleng gestures nito.
"Fine! Ignore me if you want!" Hindi na napigilan ni Samaria ang luha niya. Nagmartsa siya palabas ng classroom. Ayaw naman niyang magkalat doon sa labas at mag-agaw eksena sa mga kaklase niya. She's hard headed pero mabilis lang talaga siyang umiyak. Tapang tapangan lang siya pero deep inside, she's fragile.
Naupo siya sa bench sa labas. She tried to compose herself pero naiiyak talaga siya.
"I hate you, Deme! I really hate you!" Pumulot siya ng bato saka ibinato iyon sa hangin. Nagulat na lang siya nang may nagreklamo kaya't umatras ang luha niya.
"Ouch" daing ng pamilyar na boses.
Napatingin siya sa direksyon ng pinagbatuhan niya ng bato at nakita si Psyche na nakahawak sa ulo nito.
Shoot!! Nataranta si Samaria na lapitan ito.
"Sir! I'm sorry! I'm sorry!" aniya habang pinupunasan pa ang kanyang luha.
"What has gotten in to you?" irita nitong sagot sa kanya.
Lalong nataranta si Samaria nang makitang may kaunting dugo sa noo ni Psyche.
Hinawakan ni Psyche ang nagdudugong parte at nakita ang kaunting dugo doon.
"It's bleeding."
"Sir, g-gagamutin ko po. S-Sorry po, Sir. Sorry talaga!"
Tinabig ni Psyche ang ang kamay ni Samaria dahilan para mapaupo ito sa lupa.
"Hindi na," masungit nitong sabi saka tumayo.
Psyche is still pissed off dahil sa nangyari last last night at hanggang ngayon ay dala dala niya iyong sama ng loob na 'yon. Nagulat rin lang siya kaya niya natabig si Samaria.
"I'm sorry. I didn't mean to—"
Pinutol ni Samaria ang sasabihin niya.
"Hindi. Ayos lang, Sir," maagap niyang sagot.
Napansin ni Psyche na may luha sa pisngi nito at na-bother siya. Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Did you cry? Are you crying?" kyuryosong tanong nito.
Umiwas ng tingin si Samaria para hindi nito makita ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi.
Binitawan ni Psyche ang kanyang hawak na libro saka hinawakan ang pisngi ni Samaria. He tilted her head para mapaharap ito sa kanya at makita closely ang mukha nito. Hindi na niya ininda ang sugat at nakalimutan na yata niya iyon.
"Please, don't cry. I'm sorry."
Natigilan si Samaria sa mga sinabi nito. Parang hinaplos ang puso niya at napatahan siya bigla sa mga sinabi ni Psyche. Nanlamig ang buo niyang sistema. Nakatitig lang siya sa mukha ni Psyche habang halos magdikit na ang mga mukha nila sa isa't isa.