CHAPTER 8

2255 Words
Sa vacant room, tahimik lang si Samaria. Walang salitang lumalabas sa kanyang bibig unless magsalita rin itong katabi niya ngayon. Si Psyche. This vacant room is his hideout. Memoryado niya lahat nang kuwarto dito sa university nila dahil mismong pag-aari nila ito. This room isn't occupied at medyo may kalayuan sa building ng architecture department. Although this isn't abandoned. Sadyang wala lang talagang gumagamit dito. This was only buit as a reserve room if ever kailanganin nila ng extra. Malaki ang Fordswan University at aabutin ka pa ng isang raw bago mo tuluyang maikot ito. "Aren't you going to talk?" Si Psyche ang unang nagsalita. Hindi alam ni Samaria kung ano ang isasagot niya. Naaalala niya ang gabing pinagsaluhan nila. Sila rin lang dalawa noon sa isang kuwarto just like now so she feels a bit awkward. Hindi niya naman puwedeng sabihin na siya si Sam dahil malalagot siya kay Psyche. mukha pa namang head over heels ito sa kanya. "Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano ang tumatakbo sa utak mo." "Bakit dito mo ako dinala, Sir?" This time, nagsalita na si Samaria pero hindi pa rin siya nakatingin sa binata. "Don't get me wrong Miss Escober, I brought you here because I thought, you might want to tell me the reason of your tears." Assuming mo naman, Samaria. Who would like someone with this face? Aniya sa sarili. Umiling iling siya habang naka-half smile. "Gano'n ba." Natameme ka ngayon, dai? "Keep on talking, Miss. Your voice sounds like someone I know," walang anu anong sinabi ni Psyche. Kinabahan muli si Samaria. she knows that Psyche is also referring to her as Sam. Napalunok siya ng laway saka hindi nagpahalata. Hinawi niya ang kanyang buhok kahit nakatali naman iyon. "T-talaga, Sir? puwede ko bang malaman kung sino?" Asus, Samaria! Kunwari ka pa, e kilala mo naman! "I don't think it's right to talk about this matter with you, but you look trust worthy though." Ngumiti ito saka humarap sa kanya. Nagitla naman si Samaria sa ginawa ng instructor nila. H'wag na h'wag kang magpapatukso katulad ng kasalanang ginawa mo noong gabing iyon, Samaria. Mag-focus ka. "Her name is Sam," nakangiti na sabi ni Psyche. Para itong nagdi-day dream sa mukha niya ngayon. Inaalaa ang napakagandang mukha ni Samaria. She's really that pretty to him that he can't get her out of his head. Pero pagkatapos ng ngiting iyon, napalitan ito ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Psyche. He frowned with the thought that he knows nothing about that girl aside from her name. Damn it! "And?" sagot ni Samaria waiting for more stories from Psyche kahit alam niya naman na wala itong kaalam-alam na kahit anong detalye tungkol sa kanya. "Nothing more. I only know her name." Halata sa boses nito ang disappointment. Hindi tuloy napigilan ni Samaria ang matawa. Kaya't salubong ang kilay ni Psyche na tiningnan siya. "Why are you laughing?" Natatawa pa rin si Samaria at lalo pa siyang natawa nang makita ang ekspresyon ng mukha ng binata. "E, kasi naman, Sir, pangalan lang ang alam mo sa kanya. Ang hina mo siguro," anito habang pilit na pinipigilan ang pagtawa niya. Psyche frowned. "Nevermind. You are making fun of me. I'll get going." Biglang nahinto sa pagtawa si Samaria saka naging seryoso. "Bakit naman?" "I already made you laugh. Sana naman, hindi na kita makita pang umiiyak." Iyon lang ang sinabi ni Psyche saka naglakad na palabas. Naiwan si Samaria mag-isa sa loob ng vacant room na iyon. Hindi niya napigilan ang sarili na ma-touch sa mga sinabi ng binata. Napangiti siya habang sinimulan na rin na maglakad palabas ng kuwartong iyon. Napatingin si Samaria sa kanyang wrist watch only to find out that she's totally late for her next class.. Nasapok siya ang kanyang noo sa kagalgalan niya. Iyan kasi, inuna mo pa ang pakikipag-tsismis sa instructor mo, e. Late ka na tuloy. Nako, Samaria! Kapag ang grades mo lumagapak, mas lalo kang itatakwil ng Dean. Dahil late na nga rin siya, hindi na siya nagsayang ng oras na um-attend pa ng klase. She sat down again sa favorite bench nila ni Demetre. Dito sila madalas tumambay ni Demme. Pero ngayon, siya na lang mag-isa because he keeps ignoring her and it's hurting her to think about it now. Mag-isa siyang naupo sa bench. Inilabas niya ang kanyang cellphone saka sinalpak ang earphones sa kanyang tenga habang nakasandal sa bench. She played one of Olivia Rodrigo's song entitled Traitor. Feel na feel pa niya ang lyrics niyon habang nakikinig. Ayaw na muna niyang isipin si Demetre. Maghihintay na lang siya na si Demetre mismo ang mag-first move na kumausap sa kanya. Gusto niya rin itong i-ignore dahil nasaktan siya sa pamb-balewala nito sa kanya. Mariin siyang napapikit habang dinadama ang kanta. Sinusundan rin niya ang lyrics nito. She has a good singing voice. Although, hindi siya masyadong kumakanta. Focus kasi siya sa modeling niya. "You betrayed me. . ." kanta niya. Nagulat na lang siya nang may humablot ng earphones sa tenga niya. Napamulat siya para tinginan kung sino ang lapastangang ito. She was surprised who it was. But she eventually frowned when she saw him. Yes, him. Hinablot niya pabalik ang earphones nang hindi nagsasalita pa. She wanted to ignore him like he did. "Why the hell did you skip classes?" Halatang galit si Demetre sa boses niya nang sabihin niya ito. Hindi pa rin kumibo si Samaria. Patuloy niyang pinakinggan ang kanta. "You betrayed me. And I know that you'll never feel sorry." Feel na feel pa ni Samaria ang pagsunod sunod sa kanta habang isinu-sway ang ulo sa musika. Muling hinablot ni Deme ang earphones niya sa tenga saka itinapon iyon sa lupa. He's gone mad now. Pinanlisikan siya ng mata ni Samaria. Kung galit siya, galit rin ito sa kanya. "Ano ba?! Ano ba ng problema mo?!" nanggagalaiti niyang sigaw. "Let's talk about this somewhere. Not here. Sagutin mo muna ako. Bakit ka nag skip ng klase, ha? Saan ka nagpunta?" tiim-bagang na tanong nito. As if sasabihin niyang si Psyche lang naman ang kasama niya. She's not going to say that. Bahala siyang mamatay kakahula. "Bakit mo pa ba ako kinakausap? Doon ka na kay Stiffany! Magsama-sama kayong saktan ko. Kampihan mo na lang siya. Siya na lang rin ang gawin mong best friend mo!" sumbat ni Samaria sa kanya. Natigilan si Demetre sa mga narinig na sinabi ni Samaria. "What? Did Stiffany hurt you?" nag-aalalang tanong ni Deme. Umiwas ng tingin si Samaria kasabay ng pagpatak ng luha niya. Sarkastiko siyang tumawa. "Haha, oo, Deme. Siya nga itong sumampal sa akin na bumakat buong hapon. Siya nga itong palagi akong ginagawang katatawanan sa buong university. Pero okay lang 'yon. Alam mo kung ano ang masakit? Iyong in-ignore mo ako sa mismong harapan niya noong gabi na 'yon sa bar. Pero ayos lang, si Sam naman ako no'n, e. Kaya siguro hindi mo ako pinagtanggol." Mahabang sumbat ni Samaria. She packed her things and walked out. Hindi na niya pinag-aksayahan pang damputin ang earphones niya. She can replace it with something new again. Natulala na si Demetre at hindi pa rin na-absorb ang mahabang sinabi sa kanya ni Samaria. Nakaramdam siya ng pag-init ng kanyang ulo. Naiyukom niya ang kanyang palad sa galit. His eyes were as cold as ice. Nakakapaso iyon sa sobrang lamig. Galit siya. Galit na galit siya. He went straight to his fiance'. Yes, Stiffany is his fiance' at hindi pa alam ni Samaria 'yon because everything was just arranged. He can not say no to his family. Nakasalalay rito ang pagkasalba ng nalulugi nilang family business and they need to build stronger ties with other powerful families like Stiffany's family. Kung puwede nga lang sana na kay Samaria na lang pero hindi puwede dahil siguradong kakalat ito at masisira ang career ng dalaga. Bgay na ayaw mangyari ni Demetre. She loves Samaria that much that he can't afford to destroy her dreams kahit na ang kapalit pa no'n ay ang masaktan siya. Kay Samaria lang nakapako ang puso niya. "Stiffany!" galit nitong tawag kay Stiffany na kasalukuyang naglalagay ng foundation sa mukha niya. She is at the cafeteria with her friends at mukhang katatapos lang na kumain. "Ano ba, Deme! Don't shout at me! Nakakahiya." Suway ni Stiffany.Natigil tuloy ang paglalagay niya ng make-up sa mukha. Hinatak siya ng binataula sa kinauupuan nito. "We need to talk." Malamig ang pagkakasabi niya niyon saka kinalakad palabas ang dalaga. "H-hey! Nasasaktan ako!" Walang nagawa ang mga kaibigan ni Stiffany na panoorin siya habang kinakaladkad ni Deme palabas ng cafeteria. "I can sue you for physical harassment dahil dito! Ano ba! Bitiwan mo sabi ako, e!" Pilit na nagpumglas si Stiffany pero mahigpit ang pagkakahawak ni Deme sa braso niya kaya't hindi siya makawala. Tumigil sila sa likod ng building kung aan wala halos a nagdaraan na mga studyante. "Ano ba ang problema mo?!" iritadong singhal ni Stiffany. Umuusok ang ilong niya sa ginawang pagkaladkad sa kanya ni Deme. Puwede namang maayos niya akong akayin palabas pero ang kaladkarin ako? Kahit guwapo pa siya, hindi puwede iyon! Ani Stiffany sa kanyang isipan. Hindi na nakapag-timpi pa si Deme. Punong-puno na siya sa bunganga ni Stiffany. "Stop bullying Samaria!" Halos mabingi si Stiffany sa sigaw na iyon ni Demetre sa pagmumukha niya. Sarkastiko siyanng natawa. "Are you her knight in shining armour now, Demetre? You should be on my side from now on. I am your fiance!" Malamig na mga titig ang ibinigay sa kanya ni Demetre. "Don't dare lay another finger on her, or else. . . pagbabanta aani Demetre. "Or else what?! Bakit mo ba kinakampihan ang mukhang asong babaeng 'yon?" Lalong uminit ang ulo ni Demetre. Did she just insult Samaria in front of me? "What did you say?" Mahina niyang tinulak tulak si Stiffany. Hindi niya maatim ang masasakit at nakakainsulto nitong mga sinasabi sa best friend niya. "Bakit ba? Totoo nnaman, ah! Mukhang aso ang nerd na 'yon! She's a freak! Nakakasuka siya at nakakatakot!" Mariing naiyukom na lang ni Demetre ang kanyang palad. Namumula siya sa inis. Pero nagtimpi lang siya dahil babae pa rin si Stiffany. Hindi niya lang talaga maatim ang mga binitawan nitong salita. Hindi niya ito masikmura. Sa galit niya, napilitan siyang maglakad palayo kay Stiffany. Mahirap na at baka hindi pa siya makapagtimpi rito. "I will tell Dad about this, Demetre! You'll regret doing this to me!" Pagbabanta pa ni Stiffany. Inis na inis siya sa ginawang pagkaladkad sa kanya ni Demetre. Tapos iiwan niya lang ito rito sa likod ng building mag-isa. She's pissed from her head to toe. Nanggagalaiti si Stiffany habang nagkukwento sa dalawang alipores niya. Para silang mga power puff girls na nag-uuap kung paanong pababagsakin si Mojojo. Bwiset na bwiset siya sa mukha ni Samaria. Gusto niya itong buhusan ng mainit na tubig para ma-renew ang mukha nito at magmukhang bago dahil asiwang asiwa na siya rito. Kahit na sa ibang schedule siya, para sa kanya, hindi fitted si Samaria na mag-aral sa university na ito at lalong hindi bagay sa kanya si Demetre. "Lintik na Samaria na 'yan. Does Demetre likes her? Eww! That's gross! I can't even imagine that to happen. Ako ang dapat na magustohan ni Deme! 'Di hamak na mas lamang ang ganda ko sa kanya ng isang libong beses," proud pang sabi ni Stiffany. Tumango-tango lang dinang mga uto uto niyang mga alipores. Wala namang ginawa ang mga ito kung hindi ang maging sunod sunuran sa kanya. Mas nagmumukha tuloy silang aso kay sa kay Samaria. "E, bakit pa nakapasa iyang Samaria na 'yan dito? May kapit ba siya? If ever na meron, kailangan natin 'yong malaman," pag-uusisa ni Lala. "We are not even detectives, Lala! Ano ka ba, Samaria is just a waste of our time." "No! Tama si Lala, e. . ." saglit na napaisip si Stiffany. Kunwari may isip siya. Char! Pero sa totoo lang, siya nga itong ginamit lang ang impluwensya ng pamilya nila para makapasok dito sa university dahil nakakahiya ang naging result ng admission test niya sa F.U. Lumagapak lang naman siya sa departmental exam at interview. Maganda lang siya pero hindi maipagkakailang bobo. Her failure during the admission test has been kept as a secret ahil nakakahiya iyon. Anak pa man din siya ng lawyer since her Mom is a lawyer and his Dad is the CEO of their Law firm. Mukhang wala siyang minana nakahit katiting sa Mommy at Daddy niya bukod sa mukha. "Pero kasi, I saw Samaria's name on the list of admission test passers. Hindi ko nga nakita ang iyo, Stiff, e." Nagkibit-balikat si Elijah. Kinabaan nga kaunti si Stiffany. Bakit parang nalipat sa kanya ang hot seat? "Teka nga, Elijah. Ako ba ang kaibigan mo, o si Samaria? Saka, hindi mo talaga makikita ang pangalan ko sa admission result cause I took a special exam. Special treatment ako sa university na 'to, 'no. I am a queen," she said confidently with a little bit of katarayan dahil innate na rin naman sa kanya 'yon. Pero deep inside, kinabahan talaga siya ng kaunti. Knowing Elijah, mausia talaga ito. "Anyway, shall we still investigate about Samaria?" kunot noong tanong ni Lala habang nakatingin kay Stiffany at naghihintay ng sagot. Umiling iling na lang si Stiffany to disagree. Mahirap na at baka pati ang sikreto niya about her admission ay mabunyag sa gagawin nila. "Hindi na. Tama si Elijah, we should not waste our time with people like her. Gross!" nandidiri niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD