After class, bumalik si Samaria sa botique pero umuwi muna siya para magpalit ng damit at mag-ayos pero bilang nerd pa rin. Only her family knows her as Sam or Sammy. At mga kaklase niya lang ang nakakaalam na siya ang pangit na nerd na si Samaria.
Sa dami nang nangyari ngayong araw na ito, hindi niya pa rin nakalimutan na bumili ng bagong hair tie. Sawa na kasi siya sa hair tie niya ngayon so she wants something new this time. Isa pa, kahit ilang hair tie naman ang bilhin niya sa botique na 'to, afford na afford niya iyon.
It's everyone's dismissal kaya expected na na puno ang botique na ito sa ganitong oras. Girls usually go shopping after class at isa na siya do'n.
Nilibot niya ang buo niyang paningin sa botique. Bukod sa balak niyang bumili ng hair tie, gusto niya rin makahanap ng similar bracelet na ibinigay sa kanya ni Demetre. Niaiwala niya kasi 'yon at baka wala siyang maipakita kapag hinanap ito ng binata sa kanya. Matagal na ang bracelet na 'yon na suot suot nilang dalawa dahil parehas silang sentimental.
Sinuring mabuti ni Samaria ang section ng accessories habang nakatingin isa isa sa mga naka-display na bracelet doon. She opened her phone to check if the picture of her lost bracelet is similar to those that are displayed here when someone suddenly bumped into her. Nabitawan niya tuloy ang phone niya.
"Oh, gosh!"
Tiningala niya kung sino iyong bumunggo sa kanya at halos maawang ang labi niya nang makita si Psyche. What is he doing here this time?
"Miss Escober?" anito sa kanya.
Mabilis niyang dinampot ang kanyang cellphone saka umiwas ng tingin.
"S-Sir," nauutal niyang sagot.
"Are you looking for a bracelet? Iyan ba 'yong nasa picture? Let me see, maybe I can help you," suhestiyon nito sa kanya. Pero sa kaba niya, hindi na niya iyon pinakita pa.
"W-Wala lang po 'to, Sir. Reference ko lang po itong nasa picture. Naghahanap lang po ako ng bracelet para sa kaibigan ko." Diretsa niyang sagot. "Saka bibili rin po sana ako ng hair tie," she added.
"Is that so. ." tila hindi kumbinsidong sagot nito sa kanya. Nangininig pa si Samaria habang hawak hawak ang cellphone na 'yon na may picture ng naiwala niyang bracelet dahil baka magpumilit ito but she decided to change the topic.
"E, kayo, Sir? Bakit kayo nandito? Usually, mga babae lang ang nagpupunta dito, e."
Tipid na ngumiti sa kanya si Psyche saka marahang ginulo ang buhok nito.
"I saw you coming here. Nag-alala ako at baka may mam-bully na naman sa 'yo so I followed you here. Luckily, wala naman. Safe ka today," nakanngiting tugon nito sa kanya.
"Salamat po sa concern, Sir. Pero kaya ko na po ang sarili ko."
"You want me to drive you home?"
Halos mabingi si Samaria. Totoo ba itong narinig niya? Her instrutor is willing to drive her home? Feeling special na naman tuloy siya.
"Oo nam-" Papayag na sana siya pero bigla niyang naalalaang pagpapanggap niya. Kapag pumayag siyang magpahatid dito, para na rin niyang sinabi ang address ng bahay niya sa binata. Malalaman nito na mayaman ang pamilya nila. Hindi iyon puwede. Masisira ang plano niya. Kung wala lang sana talagang nangyari sa kanila ni Psyche, baka nasabi na niya rito ang sikreto niya dahil mukhang mapagkakatiwalaan naman ito pero hindi, e. Magugulo talaga ang lahat.
"Hindi! I mean, h'wag na po, Sir," bawi niya.
Napakunot noo si Psyche. Ang labo naman yatang kausap ni Samaria? Aniya sa sarili.
"Bakit naman hindi? Do I look old that much? Hindi naman, 'di ba? Hindi naman siguro ako mapagkakamalang sugar daddy mo," asar pa nito sa kanya.
"Hindi sa gano'n, Sir. Ayaw ko lang po kayong maabala saka nakakahiya po talaga. Sige, Sir, ha? Una na 'ko!" Kumaripas ng takbo si Samaria palabas ng botique. Gusto niyang maiyak dahil hindi na naman siya nakabili ng bagong hair tie. 'Pag minamalas ka nga naman, o.
"What's her problem?" Nagtaka na lang si Psyche kung bakit bigla na lang itong lumabas. Anyway, nakakatawa siya. Anito sa sarili. Naalala niyang hindi pa nakakabili ng hair tie si Samaria at kumaripas na ito ng labas kaya naisip niyang bilhan na lang ito ng sinasabi niyang hair tie. Iniisip rin niya kung gano'n na na lang ba ka-conservative ang family nito umayaw talaga ito sa offer niya na ihatid ito.
"Miss, pakihanapaan nga ako ng hair tie. Iyong simple but elegant." Request nito sa counter. Saglit pang natulala ang sales lady at halos malunod sa bawat bigkas ni Psyche ng salita.
"Miss?" Inulit pa talaga ni Psyche dahil mukhang wala talaga sa sarili ang babae. Guwapong guwapo ka ba, ate girl?
"A-Ay, opo. Sumunod p-po k-kayo sa akin," pabebeng sagot nito na halos kagatin na ang dila niya sa sobrang kilig
Tahimik lang na sumunod ang binata hanggang a napunta sila sa section ng mga hair ties. Sobrang daming mapagpipilian at sa ganda ng mga 'yon, parang gusong ibili ing binata lahat para kay Samaria. Pero may isang hairtie na umagaw ng kanyang atensyon. Kinuha niya iyon saka pinagmasdanng maigi.
"This one, I like this one," he said to the sales lady.
Inabot niya iyong set ng hair tie na nakasilid sa cylinder shape glass.
"Ah, ito ba, Sir. This is made of 100% pure silk materials. This is imported from London pa. Mukhangg espesyal ang pagbibigyan ninyo because this hair tie ensures no more snapping, kinks, or split ends. All thanks to their 100% silk exterior, Silke London Hair Ties glide on for a strong hold without causing friction, clawing, or tugging like traditional hair ties." Mahabang pag-describe ng babae sa kanya.
"Babayaran ko na." Tila hindi man lang nito na-appreciate ang sinabi ng sales lady.
"Sa counter na lang po, Sir."
They went back at the counter to punch the item.
"Two thousand four hundred ninety pesos po lahat, Sir," nakangiting sabi ng cashier na katabi lang ng sales lady na nag-assist kay Psyche.
Dumukot siya ng two thousand five hundred ninety pesos sa kanyang pitaka and paid it to the cashier.
Napangiti siya nang lumabas sa botique na iyon. Habang naglalakad palabas, narinig pa niyang nagbulungan ang dalawang babae sa counter.
"Grabe, Sis. Nalula naman ako sa presyo ng hair tie na 'yan? Dalawang libo? Anim na piraso isang set? Ang mahal!"
"Sis, imported ang mga paninda natin dito. Hindi ito divisoria. Pero aminin, mayaman 'yung boylet na 'yon. Halata sa tindig, pananalita, at porma, e."
PAGKAUWI agad ni Samaria, hinihingal pa siyang napasandal sa gate ng bahay nila. Paano ba naman kasi, nauwi siya nang 'di oras sa takot na baka mg-insist si Psyche na ihatid siya. Hindi iyon puwede dahil siguradong magkakanda-letse letse na.
Ubos ang energy niiya na pumasok sa bahay nila. Pero para siyang nakakita ng multo nang madatnan ang naka-dekwatro na si Demetre sa living room nila at nagbabasa ng libro. Oh, come on. Meron bang bago? She just rolled her eyes at kunwari ay wala siyang nakita.
"Sweety, si Deme nga pala, may sinabi sa akin. Kanina ka pa niya hinihintay diyan sa living room." Boses ng kanyang mommy na nasa kusina.
Kinabahan agad si Samaria. Don't tell me, nagsumbong agad ito na nag-skip siya ng dalawang subjects lang naman kanina? Mabait ang Mommy niya at hinahayaan siya sa lahat ng mga gusto niya pero ang kapalit no'n, kailangang hindi pabayaan ni Samaria ng grades niya. Takot siyang magalit ito dahil masamang galitin ang mga mababait. Kapag nagkataong sinumbong nga siya ni Deme, baka pagbawalan pa siya nitong mag-bar.
"Mom, wala akong nakikitang Demetre sa living room. Baka guni guni mo lang iyan." Pagkukunwari pa nito.
"Tss."
Kahit kailan ay masungiit talaga 'tong si Demetre.
Di-diretso na sana siya sa taas para makapapahinga sa kuwarto niya pero nagsalita ulit ang mommy niya.
"Mag-usap muna kayo, anak, ha. Mag grocery lang ako saglit. Bukas pa sila hanggang 8:00 PM kaya sasamantalahin ko na. Day off kasi ni manang,, e."
"What? Mom, kung nandito man ang multo ni Deme, palayasin mo na. Ayaw kong kausapin siya." Pagsusuplada nito.
Hindi na nakapagtimpi pa si Demetre kaya't isinara niya ang kanyang libro at saka tumayo upang lapitan ang dalaga.
"Let's talk, or else, gusto mong malaman ni Tita ang pinaggagawa mo buong araw?" bulong nito sa tenga ni Samaria.
She got chills all over her body after hearing that. May gana pa siyang mam-blackmail ngayon?
"Are you blackmailing me now?" Nakataas ang kilay na sabi nito. Kahit mukhang dehado, tapang tapangan pa rin si Samaria.
"Sort of." Ngumiti ng nakakaloko si Demetre.
"Grrr! I hate you!"
Bumuntong-hininga si Deme.
"Look, Maria-"
"Samaria!" Suway nito.
"Okay, Samaria, look. I'm really sorry, okay? Hindi ko naman gustong palabasin na kinakampihan ko si Stiffany. I have my reasons that I can't tell you right at this moment. . .pero, believe me, ikaw lang ang gusto kong protektahan and I promise you, I'll try my best to keep you away from your bullies, especially from Stiffany." Mahabang pagpapaliwanag nito.
Si Samaria naman na marupok din, gumaan na ang bigat na dinadala sa dibdib. Did he just say that he will protect me? Gusto niyang kiligin pero pinigilan niya muna iyon.
" Magsalita ka naman."
Naka-pout niyang tiningnan si Deme sa mga mata nito.
"Ano ba ang gusto mong marinig?" she asked.
"I want to hear that you are accepting my sorry, Maria. Patawarin mo na ako."
Ano na, Samaria? Patawarin mo na!
Napalunok siya nglaway kasabay ng paglunok niya ng pride niya
"Fine. Oo na. Pinapatawad na kita."
Kuminang ang mga mata ni Demetre at sa sobrang saya ay nahila niya palapit sa kanya si Samaria saka niyakap ito ng sobrang higpit. Na para bang ayaw na niya itong bitawan pa.
He kissed her head.
"I missed you, Maria. I really do."
Bandang alas onse y medya ng gabi ay nagising na lang si Samaria dahil naalimpungatan siya. Kinapa niya ang cellphone niya na muntik na niyang madaganan sa pagkakatulog. Naitabi niya pala iyon sa kama. Mabuti na lang at hindi nasira.
She opened her phone and she was surprised to see a message. Himala yata at nagkaroon ng ibang laman ang messenger niya. She also had two f*******: accounts. Ang isa ay bilang Samaria at ang isa ay page niya sa f*******: bilang Sammy. Hindi na siya gumawa pa ng dummy account as Sam at baka ma-trace pa ang pagkakahawig niya kay Sammy na siya rin naman mismo.
"Who would message me at this hour?" inaantok pa niyang sabi habang kinukusot kusot ang kanyang mata.
Halos mawala ng antok niya when she clearly read where the message came from.
"Psyche?! As in, Psyche Fordswan?!" Napabalikwas siya ng bangon sa higaan at sinampal sampal ng maina ang sarili.
Nagtaka ito kung bakit magmi-message si Psyche sa kanya, e studyante lang naman niya ito sa isang subject. What does he need from her?
She read the message.
"Miss Escober, you forgot something." Iyon ang mensahe sa kanya ng instructo nila.
Napaisip tuloy si Samaria kung ano ang naiwan niya. Parang wala naman siyang naiwan. Hindi kaya, alam na ni Psyche na siya si Samaria at ang sinasabi nitong naiwan niya ay ang red bracelet na binigay sa kanya ni Demetre? Oh, no! Mariing napapikit si Samaria habang iniisip iyon. Kapag tama ang kutob niya, lagot na talaga siya.
The message was sent bandang nine in the evening pa, kapag nagreply pa siya, puwedeng hindi na mabasa agad iyon ni Psyche because he's probably sleeping at this our. Which is better.
Samaria typed her reply.
"Good evening, Sir. Ano pong naiwan ang ibig niyong sabihin?"she replied politely.
Hindi niya inasahan na biglang typing na si Psyche. What the ef? He's still awake? At this our? For real? Nocturnal ba itong si Psyche? Aniya sa sarili.
"Meron. Meet me tomorrow at the vacant room before your first class in the morning." He sounded a bit bossy.
Alam na nito ang vacant room na sinasabi niya. Ito iyong kwarto na pinuntahan nila no'n para mag-usap. Hindi naman siya dapat kabahan hindi ba? Wala lang 'to. Isa pa, she's liking Demetre now. Her best friend. Ang ipinagtataka niya lang sa sarili niya ay kung bakit gano'n na lang ang tila hatak ni Psyche sa kanya? Kakaiba ang epekto nito kay Samaria.
Kinabahan agad si Samaria dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan nila bukas. Will she be ready to face Psyce tomorrow? At ano ba itong naiwan niya na sinasabi ni Psyche, e wala naman siyang natatandaan na may naiwan siya. Hindi na nga lang siya nag-reply pa kay Psyche dahil baka lalo lang siyang kabahan. Kung ano man itong sinasabi niya, mukhang kailangan na niyang maghanda.
Muling isinalpak ni Samaria ang katawan sa malambot niyang higaan. She tried to close her eyes and sleep again pero mukhang hindi na siya makakatulog pa dahil sa sinabi ni Psyche. Buong gabi niya itong inisip. Inaasahan na agad niya ang eyebags niya na pwede na niyang ibenta kinabukasan sa sobrng laki. Mukhang maba-bangag siya buong araw bukas. Hindi bale, nariyan naman si Demetre, ang kaso lang, wala naman itong ginawa kundi ang matulog sa klase.