Pinanindigan ni Samaria ang isang linggo na sandaling pagtakas niya sa stress na mga nangyari sa kanya. Mga dalawang araw din siyang sinamahan ni Deme pero pinabalik niya rin ito agad dahil kailangan nitong um-attend ng klase. Isa pa ay ayaw niyang i-drag sa problema niya si Deme. This is her problem kaya hindi niya puwedeng idamay ang kaibigan sa gusot na ginawa niya. Tapos na ang isang linggo niya. It's time para bumalik sa reyalidad. She must face her fears. Nandito na. Kailangan na lang niyang panindigan kahit na mahirap. Kahit sa pag-uwi niya ay sinundo siya ni Deme. Hindi talaga siya nito matiis. He wants to keep her safe always. Lalo pa ngayon na alam na niyang buntis ito. Kailangan niyang ingatan ito ng doble higit pa noon. "You came." Nakangiting bungad sa kanya ni Samaria. Ma

