Hinatid na lamang ni Demetre si Samaria sa kuwarto nito sa resort kung saan ito naka-check in. Dahil sa nalaman niya ay mas naging doble pa ang pag-iingat niya sa dalaga. Ingat na ingat ito na para bang isang mamahaling bagay ito. "Take a rest and stop crying. Lilipas din lahat ng ito. Isipin mo muna ang baby mo," wika ni Deme habang pinagbabalat ang dalaga ng mansanas. "Hindi naman ako disabled pero sa ginagawa mo, para akong naputulan ng kamay. Seriously? Pinagbabalat mo pa ako ng mansanas?" Pagtataray niya. "Just stay still, okay? Bumabawi na nga ako sa 'yo, e." Gustuhin man na matuwa ni Samaria, hindi niya magawa. She still can't process everything. Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon nang isa pang buhay sa sinapupunan niya. Dalawang buhay na ang kailangan niyang ingatan kay

