Hindi na makapag-isip ng maayos ang dalaga. She got home at tulala pa na napasandal sa head board ng kanyang kama. She badly wants to dial Deme's number. She badly wants to get away with everything and especially para layuan na si Psyche. Hindi niya alam kung paanong mag-uumpisa at kung saan magsisimula. Bahala na siguro kung saan siya dadalhin ng kapalaran niya--nila ng magiging baby niya. Napatigil siya sa pag-e-emote nang makarinig ng malakas na sigawan sa baba. Napataas agad ang kilay niya. Parang may nag-aaway at boses agad ng mommy niya ang narinig niya. Mabilis siyang bumaba para sumilip and she saw her mom fighting with Dean Jordan. "Hey! How dare you na umuwi dito pagkatapos mong lokohin ang mommy ko?!" sigaw nito. Patakbo siyang bumaba sa hagdan para kampihan ang mommy niya.

