Sanay na si Samaria na mag-ala celebrity sa tuwing dadaan siya. Simula nang nilantad niya ang sarili niya mula sa pagtatago, naging smooth ang takbo ng buhay niya. Pero ngayong araw, habang papasok ng Fordswan University ay hindi niya maipaliwanag ang bigat sa bawat paghakbang niya ng mga paa niya. Parang may mali. Mayroon bang pinag-uusapan ang mga studyante na hindi niya alam? Nakasalubong niya sina Lilian, Yngrid, at Isabel sa hallway at napatakbo agad ang mga ito nang makita siya. Hindi mabasa ang mga mukha ng mga ito. Parang hinahabol at nagmamadali. “Sam! Oh, my gosh! Kailangan mo itong malaman!” hinihingal pang wika ni Yngrid at halos malagutan na ng hininga mula sa pagtakbo. “A-Ano?” Sinasabi na nga ba niya. Kinakabahan talaga siya. Pakiramdam niya ay may mangyayari

