Kung noon, natatakot pa si Samaria na pagbuksan ang personal na buhay niya kay Psyche sa takot na mabuko nito ang mga sikreto niya, ngayon, mukhang nagbago na ang ihip ng hangin. Finally, she already have the courage to tell everything to Psyche nang walang pag-aalinglangan. “Psyche.” Napatigil ang binata sa ginagawa niyang pagtugtog ng gitara. Nasa labas sila ng bahay nina Samaria, sa kanilang botanical garden sa likod ng bahay. Tahimik, presko ang hangin dahil marami ang mga naglalakihan at meron din namang maliliit na halaman. “Hmm?” “What if, we get to know each other? I know it may sound used and cliche’ pero, hindi ba at doon naman dapat nagsisimula ang lahat?” Ibinaba ni Psyche ang hawak na gitara at humarap nang tuluyan kay Samaria. “Sure thing, Sam. You know, I ha

