Buong araw na hindi nakalapit si Psyche kay Samaria. Paano ba naman kasi, e dinaig pa ni Aphrotin ang tuko sa pagkapit niya sa binata. Kahit na naaalibadbaran na si Psyche ay hindi niya naman ito mataboy dahil nasa university sila. Madaming tao kaya’t paniguradong maraming makakakita kung sakali man na awayin niya ito. May brighter side pa rin naman ang nangyari kanina dahil naiwasan nila ang muntik nang pagkakabulgar ni Stiffany sa kanila ni Samaria nang dumating si Aphrotin. Iyon lang, alam ni Psyche, alam at ramdam niya kahit hindi pa sabihin ni Samaria na nasasaktan ito. Her eyes speaks louder. Habang naglalakad sila ngayon papuntang parking lot ay nakakapit pa rin si Aphrotin sa braso ni Psyche. Kasama nila ngayon ang kambal na Stefen at Stefan na usually ay may mga sarili rin namang

