Prologue :
PAALALA ! MAY MABABASANG MASESELANG EKSENA !
ANG PANGALAN , LUGAR , PANGYAYARI AY KATANG ISIP LAMANG NG MAY AKDA . AT HINDE MAKIKITA SA TOTOONG BUHAY !
Prologue :
"Mama bakit palaging umaalis si papa? Sinabi saken ng mga kaibigan ko na si papa daw ay isang mamamaslang !". - sabi ni Moon sa kanyang Ina na nag buburda ng damit ni Moon.
"Ikaw anong tingin mo sa iyong ama ? " - tanong ni Zelda sa kanyang anak upang malaman nito kung ano ang tingin ng kanyang anak sa kanyang asawa na assasin nang palasyo.
" Isa syang mabuting ama Ina ... Napakabuti ng puso ni papa at Isa syang magaling na mandirigma para saken dahil nag lilingkod sya sa palasyo ng buong puso !". - sabi ng pitong gulang na si moon
" Kung ganon hinde mo kailangan tanungin saken kung anong klaseng tao ang iyong ama dahil dito mo makikita ang katanungan palagi sa isip mo !". - Sabi ng Ina ni Moon sabay turo nito sa dibdib o sa puso ng anak
" Kung ganon mama gusto ko din maging kagaya ni papa maging isang magaling na mandirigma !". - Sabi ni Moon at tumayo ito at umaksyon na may hawak na espada
" Kung anong nasa puso mo hinde kita pipigilan anak ".
Araw araw ay umaalis ang ama ni Moon para sundin ang mga inuutos ng palasyo . Dahil ang ama ni Moon ay isang assasin na pumapatay ng mga kriminal sa palasyo ng feiliposna. Dahil sa digmaan na nag mula sa ibang palasyo ay maraming masasamang tao ang pumunta sa kaharian ng feiliposna para mag tago at para mamuhay . Ngunit ito ang dahilan kung bakit dumarami ang mga kriminal sa kaharian . Kaya't wlang araw o gabi na hinde ito umaalis kapalit nito mga ginto na binibigay ng palasyo sa kanya at pag kilala sa kanyang pamilya bilang maharlika.
Tuwing umuuwi ito ng kanilang tahanan ay masayang sinasalubong ito ni Moon at ng kanyang asawa. Sa saglit na pag lagi nito sa kanilang tahanan ay tinuturuan nya si Moon kung paano ito makipaglaban dahil nakitaan nito ang anak ng potential. Alam din ng kanyang asawa ang pag eensayo na ginagawa nila ng kanyang anak at hinde ito pinipigilan ni Zelda kahit na alam nya na itoy delikado . Isa rin sa dahilan kung bakit tinuturuan ni Nicolas ang kanyang anak na si moon ay para marunong itong protektahan ang kanyang sarili at ang kanilang pamilya kung sakaling wala sya sa tabi neto para protektahan ang kanyang mag Ina .
Dahil sa maraming napaslang na masasamang tao sa kaharian si Nicolas ay kalimitan ay sya na din ang puntirya na patayin . Kaya't gumawa ng grupo ang mga kriminal at nag sagawa ng plano para mapabagsak si Nicolas .
" Hinde maaring hadlangan tayo ng lalaking iyon! Kailangan gumawa tayo ng paraan para mahuli at pagbayaran nya ang lahat ng ginawa nya sa atin! Pati na ang pag patay nya sa aking kapatid !". - Sabi ni deval sa kanyang mga kasamahang nag pupuslit ng lason sa kaharian ng feiliposna .
" Pero paano natin gagawin iyon kung ako mismo ay hinde ko mamalayan na ako na ang susunod nyang papaslangin !". - Sabi ni Talyas Isa namang magnanakaw na manunugal
" Oo nga paano naten ito magagawa sa kanya kung palihim nya tayong aatakihin ng wala tayong kamalay malay !". - Sabi ng Isang lalaki sa Grupo
" Oo nga paano ! Malabo na mahuli naten sya !". - Sabi pa ng ibang mga kasapi sa kanilang grupo na mga kriminal din.
" Mga walang utak ! Kung gumawa tayo ng bitag...". - Sabi ni deval
" Paanong bitag ? Lubid na maapakan nya ay kapag napakan nya ay agad nating hihigitin! Tama diba !". - Sabi ni Talyas at sumangayon ang mga ibang kasapi. At biglang binatukan ni deval si Talyas
" Engot ! sa tingin nyo ay mahuhuli nyo ang ganong klaseng assasin ng palasyo? Talagang hinde kayo nag iisip ! ". - Ines na sabi ni deval
" e anong bitag ba ang nais mo mo deval?". - tanong ni Talyas
" e kung unahin naten ang kahinaan nya ! Ang pamilya nya nang makuha naten sila ay kusa nang lalapit saten si Nicolas at magmamakaawa at siguradong iiyak sa ating harapan ng sa ganon ay agad naten syang mahuli at pahirapan sa mga ginawa nya sa atin! Hahahaha sabihin nyo na maganda ang aking Plano!". - tila natulala ang mga kapwa nya kriminal sa planong naisip ni deval at biglang pumalakpak ito dahil sa pag hanga sa naisip nitong Plano .
" Tama ! Paslangin si Nicolas !". - sigaw ng mga kriminal
Nag handa sila sa pag kilos para sa pag huli kay Nicolas . Ang una nilang pinuntahan ay ang bahay ni Nicolas na malapit lamang sa palasyo. Maingat sila sa pag pasok ng tahanan ng pamilya ni Nicolas dahil kapag hinde sila nag ingat ay possibleng marinig din sila ng mga sundalong naglilibot sa paligid ng palasyo tuwing Gabi. Habang natutulog sila Zelda ay may lalaking pumasok sa kanilang silid at tinakpan nito ang kanyang ilong gamit ang panyong may pabango na pampatulog . Kaya't hinde nagising si Zelda ng gawin ito . Narinig ni Moon ang kaluskos mula sa silid ng kanyang Ina . Iniisip nya na umuwi ang kanyang ama kaya't pumunta sya sa silid ng Ina para batiin sana ang kanyang ama .
" Papa ? ". - tawag ni Moon at nang makarating sya sa kwarto ng silid ng kanyang Ina ay wala ito . At biglang may lalaki sa kanyang likod at tinakpan ang kanyang ilong katulad ng ginawa sa kanyang Ina ay nakatulog si moon .
Dinala nila si Moon at Zelda sa kanilang bahay tuluyan . Nag iwan sila ng sulat kay Nicolas kung sakaling umuwi ito ay napabatid nila na kinuha ng Grupo ang kanyang mag Ina .
" Pakawalan mo kami ! ". - sigaw ni Moon at nag pupumiglas sa pagkakatali ng kanyang kamay at paa
" Anak huminahon ka ! Kailangan naten makaisip kung paano tayo makakawala dito !?". - Sabi ng inang si Zelda
" Mama patawarin mo ako hinde kita nailigtas ! Hinde ko matanggal ang pag kakatali saken ! Siguradong magagalit sa akin si papa !". - iyak ni Moon dahil nangako sya sa ama na hinde nya hahayaang mapahamak sila ng kanyang Ina
Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng silid . At dala dala ng mga lalaki ang ama ni Moon na si Nicolas . Walang duda ay bumigay sa patibong ang magaling na assasin si Nicolas dahil pamilya nya ang kahinaan nito .
" Mag sama sama kayo ng pamilya mo! Pareho kayong mamatay dito! Dapat lang sa inyo yan dahil pinatay mo ang kapatid ko !". - sigaw ni deval at tuluyang umalis at maya maya ay biglang umapoy ang paligid dahil plano silang sunugin ng buhay . Dahil sa dulo ito ng kaharian ay hinde mapapansin ng mga tao ang nasusunod na bahay sa gitna ng gubat .
Gumawa ng paaran si Nicolas para makalabas sila ng kanyang pamilya .
" Papa ! Patawad po! Mamatay na tayo sa apoy huhu!". - iyak ni Moon dahil palaki na ng palaki ang apoy habang si Nicolas ay kinakalagan ang tali ng kanyang Ina pag katapos ng pag kakakalag sa kanya .
" Ayos lang iyan anak ... Hinde ako galit sayo ipangako mo sa akin na magiging isang magaling kang assasin balang araw at pag lilingkuran mo ang hari ng bukal sa iyong puso ..". - Sabi ni Nicolas na tila nagpapaalam ito sa kanyang anak
" Wag mo sabihin yan dahil makakalabas tayo ng buhay dito !". - Sabi ni Zelda ngunit nagulat ito sa sumunod na ginawa ni Nicolas . Sumugod ito sa may pinto ng silid at sinipa ang nag aapoy na kahoy. Gumawa sya ng daan para sa kanyang mag Ina kahit na nag aapoy na din ang mga damit nito.
" Papa!". - sigaw ni Moon
" Nicolas ! Wag mong gawin yan!". - sigaw ni Zelda dahil sumugod si Nicolas sa pangalawang pinto kung saan ay makakalabas na ang kanyang mag Ina tinanggal nya ang mga kahoy na nag aapoy na nakaharanv dito . Buhat buhat ni Zelda si moon at ng makalabas sila ay nabagsakan si Nicolas ng Isang malaking kahoy na nag aapoy dahilan para maipit si Nicolas . Nakita pa ni Moon na bumigkas ang kanyang ama ito ay ang kanyang pangalan.
Nang makalabas sila moon at Zelda ay tumakbo si Zelda sa may kagubatan . Ngunit nakita sila ni deval kaya't hinabol sila nito natapilok si Zelda dahil sa ugat ng puno kaya't nabalian ang isa sa mga paa nito ngunit Wala na syang oras para damhin ang sakit ng kanyang paa . Kaya't kahit hirap mag lakad ay akay akay nya si Moon .
" Anak ! Tumakbo kana ! Iwan mo na ako ! Wag kang titigil sa pag takbo hanggang makahingi ka ng tulong ! Tandaan mo na kailangan mo palaging sundin ang puso mo .. Mahal na Mahal ka namin ng iyong ama !". - Sabi ni Zelda
" Mamaa huhuhu ayoko hinde kita iiwan dito pangako ko iyon kay papa ! ".
" Anak kung naririto ang papa mo ay gagawin nya din ito ! Kaya't tumakbo kana anak nag mamakaawa ako sayo!". - Sabi ni Zelda dahil alam nya na kahit bata palang si moon ay may paninindigan na ito .
Dahil sa kagustuhan ng Ina ay tumakbo si moon . Naisip nito na kapag nakahingi sya kaagad ng tulong ay maililigtas nya ang kanyang ina . Malayo layo na ang natatakbo nya ng muli nyang tignan ang Ina. Nakita ni Moon na nakatutok ang baril sa kanyang Ina kaya't natigilan sya . Maya maya ay kitang kita ni Moon ang ginawa ni deval paulit ulit itong pinaputukan ng baril ang kanyang Ina.
Bangggg! Bangggg ! Bangggg!
" Mama ! ". - sigaw ni Moon . Na ngayon ay sobrang sakit ng kanyang puso dahil nasaksihan nya ang pag kamatay ng kanyang ama at Ina sa kanyang batang edad .
Dahil sa ginawa ni deval at babalik si Moon sa kinaroroonan nito . Nang biglang may lalaking humila sa kanya papunta sa likod ng malaking puno at tinakpan ang kanyang bibig . Hinde makita ni Moon kung sino ito dahil nakatalikod sya dito .
" Shhhh Huwag kang magiingay ... kung hinde ikaw ang susunod nyang papatayin ! Mawawala ang lahat ng sakripisyo ng magulang mo para mailigtas ka ! ". - dahil sa bulong ng lalaki ay tumulo nalang ang luha ni Moon.
to be continued...