Maagang nagising sila Moon at Hirae dahil sa tumunog na tambuli.
" Ang aga aga ng tambuling iyon !". - reklamo ni Hirae at pababa na Sana sya ng kanyang higaan ng makita nya si Moon na yakap yakap nito ang sakong ginto . Pinipigilang mapatawa si Hirae. Dahan dahan syang humakbang upang hinde magising o matapakan si Moon . Kumuha sya ng prutas at pag bukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya si rodes. " Ayy hayop na mukang toro ! ". - gulat na sigaw ni Hirae
" Nasaan si Mora? ( tawag kay moon upang walang makakilala sa kanyang pangalan ) ". - tanong ni rodes
" Pumasok ka ginoo ng iyong makita hihi!". - Sabi ni Hirae dahil gusto nya ay hinde lamang sya ang matawa sa itsura ni Moon
Pumasok sa loob ng bahay si rodes at nakita nya na natutulog si Moon habang akap akap ang sakong ginto. Lumapit sa kanya si Hirae at tinitignan ang reaksyon nito. Tila pinipigilan nitong tumawa. Hinde na napigilan ni Hirae ang sarili .
" HAHAHAHA !". - malakas na tawa ni Hirae at napangisi na den si rodes dala sa pag tawa ni Hirae
Pagmulat ng mata ni Moon ay nakita nya si Hirae at Rodes na tumatawa.
" Ano yan? Bakit kayo bumubungis ngis ?". - tanong ni Moon at biglang napansin nito ang yakap yakap na sako ng ginto at naalala nito na niyakap nya ito para walang kahit sinong kumuha nito. Dahil ngayon ay alam na nya ang kahalagahan ng ginto lalo't ng mapunta sya at maging alipin. Napagtanto ni Moon na hinde lahat ng tao ay kagaya nyang kayang lumaban at pumatay.
Nang makatayo si Moon ay bumungad sa kanya ang kadenang kahapon ay suot ng kanyang mga kamay at paa.
" Kailangan mo ulit suotin to dahil kapag naglibot ang mga kawal ay baka makita kang Wala kang gapos !". - Sabi ni rodes at sinuot kay moon ang mga posas na may kadena.
" Ibabahagi ko sa mga alipin ang Ilan sa mga ginto upang hinde sila mag trabaho magdamag ! At kailangan ko din sila tipunin para sa pagplaplanong pag takas !". - Sabi ni Moon
" Pagtakas? sila?? Hinde bat ang napagusapan lamang natin ay kayong dalawa lamang ni Hirae ang mag tatangkang tumakas ?". - pag tataka ni rodes
" Nagbago na ang isip ko! Hinde ko kayang makita ang mga Bata na magutom at mamatay sa loob nitong gintas !". - Sabi ni Moon at lalong humanga si Hirae dahil sa kabutihan ng puso nito.
" Hinde ako makapaniwala sa iniisip mo!". - Sabi ni rodes
" Kung tutulungan mo ako ay isasama kita sa kaharian ng independentas ! Doon ay magiging malaya ka !". - pag aalok ni Moon
" Kilala ako ng mga mamayan ng kaharian ng independentas dahil Isa ako sa bumibili ng mangangalakal ! Kilala ako ng Reyna Eve !". - Agam agam ni rodes ngunit ng marinig ni Moon ang pangalan ng Reyna ay tila naalala nya ang magandang mukha nito. At naalala nya na kailangan nya na hanapin si Eight upang malaman kung sino ang nawawalang anak ng hari ng feiliposna .
" Pumunta ka sa ibang kaharian! Maraming kaharian na magiging malaya ka higit sa pag babantay ng mga alipin dito !". - pag pipilit ni Moon dahil alam nya na mabuti at maraming Pangarap si rodes.
" Paumanhin ngunit narinig kong hinahanap na kayo ng kawal ginoo!". - pag Singit sa usapan ni Hirae .
Bumalik si Rodes sa horudea pag katapos nyang gisingin ang mga alipin. Nag dadalawang isip si rodes sa mga sinabi ni Moon sa kanya na kung tutuusin ay ito ang kanyang Pangarap ang umalis sa kaharian ng Rawsolen.
" Mora ! Tila kilalang kilala ka ng ginoong rodes? ". - tanong ni Hirae
" Dati kaming mag kaibigan!". - pag sisinungaling ni Moon
" Ngunit bakit ginawa kang alipin?". - tanong ulit ni Hirae
" Dahil Wala syang pagpipilian kundi ang gawin Ang kagustuhan ng kanyang amang hari!". - sambit nito at nagulat si Moon na nasabe nya ang sikreto ni rodes
" Isa syang prinsipe?". - pagtatakang tanong ni Hirae
" Hinde anak sya ng hari ngunit hinde sa Reyna !". - paliwanag ni Moon. " Tama na muna ang usapan tungkol kay rodes halika na at ipamahagi ang tag dadalawang pirasong ginto ". - Sabi ni Moon
" Teka sandali ! Hinde naten basta basta pwedeng ibigay sa kanila ang ginto mag kakaroon sila ng palaisipan na Isa kang traydor o kaya baka isipin nila na sila ay hinde makalabas ng gintas Ikaw pinanhitulutan ni rodes ! ". - Sabi ni Hirae
" Tama ka kailangan naten mag ingat sa bawat kilos dahil kapag binigay naten ay magkagulo at pagisipan nila ng hinde patas si rodes ! Kailangan palihim natin ilagay sa Lugar na kanilang pinag huhulakayan at sa ganon ay makita nila ang ginto!".
Nag hiwalay si Hirae at Moon para mabilis nilang maipamahagi ang ginto. Patago nila itong nilapag sa mga pinag huhukayan ng mga alipin na iisipin nila ay sinuswerte lamang sila ngayong araw .
" Nakakuha ako ng dalawang ginto! Ang galing!". - Sabi ng Isang lalake
" May nahukay ang anak ko ng ginto ! Tila binibiyayaan Tayo ng dyos ng magandang kapalaran ngayong araw !". - ngiti ng Isang Ina na alipin
Lahat ay masaya at nakatanggap ng ginto at makakain sila ngayong araw at mag kakaroon pa ng mga kagamitan bukod doon ay maaga silang makakapag pahinga .
" Pinagpala tayo ng dyos ngayon dahil lahat tayo ay binayayaan ng ginto!". - Sabi ng matandang lalaki
Masaya si Moon at Hirae nang makita ang ngiti ng mga alipin . Inilabas ni Moon ang prutas na kanyang binili sa horudea .
" Halinat pumila ang lahat dahil hapon pa ang pag bibigay ng pag kain ay tiyak na gutom na rin kayo ! May napulot akong prutas ! Pumili kayo at aking kayong bibigyan!". - sigaw ni Moon
Pumila ang mga alipin ng gintas na may ngiti sa mga labi. Dumating si rodes ngunit hinde nya pinigilan ang pagbibigay ni Moon sa mga alipin.
" Sana ay araw araw ay may biyaya ng kalangitan!". - maluluhang sabi ng isang Ina
" Sana biyayan tayo ng langit na malayang makaalis dito sa magulong Lugar ng gintas !". - Sabi pa ng Isang babae
" Naway pakinggan tayo ng langit ! ". - sigaw ng lahat
" Paano kung tayo ang gumawa ng paraan para makaalis dito?". - Sabi ni Moon
" Paano ginoo kung ang mahahaba at matitibay na paderal ang hadlang upang tayo ay makalaya ?". - Sabi ng Isang alipin
" Hmmm Kung hinde tayo makakaakyat ng pader? Saan tayo dapat dumaan? ". - pagkahulugan ni Moon at tila napaisip naman ang mga alipin
" Hinde tayo makakadaan dahil may lupa ?!"
" Tama ! Kailangan naten mag hukay para makatakas tayo! Kapag humukay tayo ng daanan sa pader na yan ay hinde nila mahahalata ! Ang iisipin nila ay humuhukay tayo ng lupa para maghanap ng ginto!". - Sabi ng matandang lalaki
Lumapit si Hirae kay Moon..
" Matalino ang naisip mo ginoo!". - Sabi ni Hirae
Nagplano ang lahat ng mga alipin sa gintas upang maingat nilang masagawa ang Pagtakas. Dahil may gintong binigay si Moon ngayong araw na ay hinde nag patumpik tumpik ang mga alipin at nag simulang mag hukay . Ang makukuha nilang ginto habang nag huhukay sa pag takas ay para sa kanilang kinabukasan .. Dahil marami ang alipin ay 3 araw lamang ay matatapos na nila ang pag huhukay . Kahit alam ni rodes ang plano ng mga ito ay hinayaan nya lamang ito kahit nag dadalawang isip sya kung aalis sya sa kaharian ng Rawsolen.
" Moon nag bigay ka ng pag asa sa mga aliping ito!". - Sabi ni rodes
" Ginoo! Hinde lamang sila ang nabigyan ko ng pagasa maging Ikaw ay nag karoon ng pag asa dahil sa akin !". - panunukso ni Moon
" Eto ang mga susi sa inyong mga kadena upang tuluyan na kayong makatakas. ". - binigay ni rodes ang susi
" Maraming salamat at tinutulungan mo kami ! Kapag naisip mong sumama sa amin ay isasama ka namin ni Hirae !". - Sabi ni Moon kay rodes
" Maraming salamat sa paganyaya mo ngunit kapag umalis ako sa kahariang ito ay para ko na ring iniwan ang labi ng aking Ina !".
"Masaya ang iyong Ina kapag pinalaya mo ang sarili mo!".
**to be continued**