Nagulat ako sa kanyang ginawa lumapit sya sa akin at binigyan ako ng Isang halik . Maliwanag naman ang aking pagtanggi sa kanyang nararamdaman sa akin. Tinulak ko ito ng bahagya upang matigil ang halik na yon. Umalis ako sa tubig at kinuha ang telang nakasampay. Lalabas na Sana ako ng pinto ngunit muli ay pinigilan ako nito " Ginoo! Hinde ka nila pwedeng makitang basang basa ang kasuotan!". - Sabi nito sa akin at humarap ako sa kanya. Naiines ako sa kanyang ginawa dahil para sa akin ay hinde tamang pag pilitan ang kanyang sarili para lang mahalin ng lalaki " Bakit mo ginawa iyon?". - seryosong tanong ko sa kanya na tinutukoy ko ang kanyang pag halik sa akin. " Pasensya na ginoo ngunit gusto ko sanang gawin iyon bago mo lisanin ang Lugar na ito. Alam ko sa ginawa Kong pag amin ay

