Malakas ang kabog ng aking dibdib tila kinakabahan ata ako sa possibleng pag haharap namin ng Reyna. Ngayon lamang ako nakaramdam ng kakaibang kaba sa dinami dami kong naging mission bilang assasin. Tulad ng aking nakasanayan ay sa bubong ako dumaan upang walang makapansin sa akin lalo na ang nag iikot na mga kawal. Iniisip ko din ang si Lucas dahil nakita nya ako sa ganitong kasuotan. Alam kong natatakot sya sa akin ngunit kapag pinaliwanag ko ito kinabukasan ay tiyak na maiintindihan nya ako dahil matalino itong Bata. Nang makarating ako sa pader ng puno ng Velvet ay napansin ko na Wala ang mga kawal na nag babantay doon. Siguro ay sinabihan ito ng Reyna o kayay may hinde silang magandang plinaplano. Bumaba na ako sa pader at muling sinulyapan ang Puno ng Velvet. " Kamusta aking ka

