Maagang nagising si Steve para puntahan si Lucy sa bahay ni Kiah kung nandon 'man siya. Isang linggo na ang lumipas simula ng umalis si Lucy at ngayon pa lang siya makakalabas sa mansyon dahil natagalan siya bago niya naayos ang kontrata ng Lolo niya kay Letchiel. F L A S H B A C K Muling sinubukan ni Steve na pumunta sa opisina ng Lolo niya para kausapin siya tungkol sa nangyaring engagement nila ni Letchiel. "Lolo stop this nonsense!" Malakas niyang sigaw sa pintuan ng opisina ng Lolo niya. Tulad kahapon ay may nakaharang na dalawang bodyguards dito dahil ilang araw na siyang nagwawala sa tuwing s*******n niyang kinakausap ang Lolo niya. Narinig niyang inutusan ng Lolo niya na buksan ang pintuan kaya tuluyan na siyang pumasok. "Anong ibig mong sabihin na 'nonsense' apo?" mahinahon

