Napakunot ng noo si Lucy nang makita niyang nakasuot ng eyeglasses si Kyle na may malalaking lenses. "Let's go!" seryosong sabi niya kay Lucy at naunang lumabas ng pintuan. Sinundan naman siya ni Lucy kahit na naguguluhan siya sa sout ni Kyle. Puro itim ang suot niya at may dalang malaking bag na halos pumutok na dahil sa dami ng laman nito. "Aakyat ba siya ng bundok?" mahinang tanong niya habang nakasunod kay Kyle. "What's with the glasses? Connan lang?" naiiling na sabi niya. Hindi naman siya naririnig ni Kyle kaya ayos lang na magsalita siya ng kung ano-ano dito. Huminto sa paglalakad si Kyle at binuksan ang bag niya. "May dala akong papel at ballpen para 'don ka sumagot sa tuwing may itatanong ako" sabi niya sabay nilabas ang papel at ballpen na nasa bag niya. Muling napakunot

