"Steve!!" Mabilis na tinakpan ni Steve ang tainga niya gamit ang unan nang muli niyang marinig na tinawag siya ni Lucy. "Inaantok pa ako..." "Steve gising!" Napatagilid siya sa pagkakahiga nang sinimulan siyang yugyugin ni Lucy. "Mamaya na Lucy.." paos na sabi ni Steve at inayos ang unan na tumatakip sa tainga niya. Napasimangot si Lucy nang hindi bumangon si Steve. Kanina pa niya sinusubukan na gisingin ang binata ngunit palagi siyang bigo. "30 minutes." aniya na kinataas ng kamay ni Steve at nag senyas na payag siya. "'Yan kasi..puyat pa" sabay irap na sabi niya at lumayo sa kama ni Steve. Lumapit siya bintana at tiningnan ang kalangitan. Malapit ng magtanghalian at hindi parin bumabangon si Steve dahil sa kapuyatan. Ayos lang kay Lucy na matulog pa siya kaya lang ay nangako ang bi

