"Dumiretso tayo kay Edwin" agad na sabi ni Steve kay Leon nang biglang umiba ang t***k ng puso ni Steve. Bumilis ang t***k nito nang biglang pumasok sa isipan niya ang imahe ng bahay nina Edwin. Binilisan ni Leon ang pagpapatakbo sa kotse nang mapansin niyang hindi mapakali si Steve. Pagdating nila sa tapat ng bahay ni Edwin ay mabilis na bumaba si Steve at hindi na siya kumatok. Binuksan niya kaagad ang pintuan na hindi 'din nakalock. 'She's here' Nadatnan niyang nakatayo si Edwin habang nanlalaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya nang ibaling niya ang tingin sa dalaga na ngayon ay nanlalaki 'din ang mga mata niya. "Lucy.." tawag niya kay Lucy. Napatayo si Lucy sa pagkakaupo at nilapitan si Steve. "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya hab

