Chapter 11

2124 Words
''Saan naman ang gorabels mo, Baklita?" tanong sa akin ng pinsan ko habang naghahain siya ng pagkain. Nag-effort kasi ako ng kauntian sa ayos ko kaya siguro nagtaka ang pinsan ko. Gusto ko lang magbigay ng magandang impression kapag nagkita kami ng taong niligtas ko. Ayaw ko naman humarap sa kanya ng basta lang lalo pa at anak siya ng Presidente ng isang kilalang kumpanya. "Diyan lang naman sa tabi-tabi," nakangiti na sabi ko saka umupo at uminom ng kape. Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakatuwa isipin na hinanap niya ako para pasalamatan at nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil ngayon ay alam kong okay na siya. "Raket?" nagtataka na tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umupo sa harapan ko. "Wala akong raket ngayon pahinga ang Lola mo pero may kailangan akong puntahan," sagot ko sa pagitan ng pagnguya at tumango-tango siya. "Grabe ka Thea para kang lalaki. Pwede bang tapusin mo muna ang pagnguya mo bago ka magsalita para kang hindi babae. Nakaka-turn off ka," sabi niya at ngumiti lang ako sabay kindat. "So, wala kang balak sabihin sa akin kung saan ang punta mo," sabi niya ng makitang malapit na akong matapos kumain. Wala akong nililihim sa pinsan ko at lahat ng nangyari sa buhay ko ay alam niya. Mas kilala pa nga niya ako kaysa sa pamilya ko dahil sa tagal na namin napagsasama. Siya na lang ang itinuturing ko na pamilya dahil lagi siyang nandiyan para sa akin. Nasa probinsya na ang buong pamilya niya at siya na lang ang natira rito sa Maynila para makipagsapalaran. Marami akong natutunan sa kanya mula nang tumira ako kasama siya at lumakas ang loob ko dahil sa kanya. "Natatandaan mo ba iyong kinuwento ko sa iyo last year na may niligtas akong lalaki?" tanong ko at kunot ang noo nakatingin siya sa akin. "Ano naman ang kinalaman noon sa lakad mo?" tanong niya. "Kagabi kasi ay pinuntahan ako ng assistant niya at sinabing gusto akong makilala ng boss niya para magpasalamat. Pagkatapos daw kasi nung insidente ay hinahanap na niya ako. Sa una ay nag-alangan ako dahil hindi ko naman iyon inaasahan pero nakiusap siya na sana ay mapagbigyan ko ang hiling ng Boss niya. Tugma naman lahat ng impormasyon na binigay niya at sa naalala ko kaya hindi ako nagduda sa kanya. Naramdaman ko naman na sincere siya kaya pumayag na rin ako. Wala naman sigurong masama kung makilala ko siya," kwento ko saka inubos ang natitirang kape sa mug ko. "Talaga?" hindi makapaniwala na sabi niya at tumango ako. "Kaloka naman talagang pinahanap ka pa niya para pasalamatan. Grabe naman ito bakla, nakaka-excite at saka feeling ko may iba pang dahilan kung bakit ka niya pinapahanap. Baka na love at first sight siya sa iyo kaya hinahanap ka niya. Lagi ka siguro laman ng mga panaginip niya at hindi ka mawala sa isip niya," nagpapantasya na sabi niya at umiling na lang ako. "Sinasabi ko sa iyo Nikka, tigil-tigilan mo na ang kapapanood mo ng mga drama at pagbabasa ng mga romantic novel. Malayo na sa reyalidad ang mga iniisip mo," sabi ko at sumimangot siya. "Hay naku! Makaalis na nga at baka kung ano pang maisip mo," sabi ko. Pagkatapos ko mag-toothbrush ay nag-retouch ako ng make-up ko. Hinalikan ko sa pisngi ang pinsan ko bago ako umalis ng bahay. Habang nakasakay ng dyip ay hindi ako mapakali kasi kinakabahan ako na hindi ko mawari at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko at mas lalo ako kinabahan. Nasa harap ako ng isang mataas na building kung saan nakalagay ang pangalan ng kumpanya na hinahanap ko. Ngayon lang tumatak sa isip ko kung gaano kabigatin ang taong niligtas ko. "Wow!" hindi makapaniwala na sabi ko sa sarili pagpasok sa loob ng building. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at hindi ko mapigilan ang mamangha. Sa Lobby pa lang napaka-modern ng design na curios tuloy ako sa itsura sa loob. Makikita ang naglalakihang pictures ng iba't ibang building at structures na gawa ng kumpanya. Pasimpleng tiningnan ko ang suot ko dahil bigla akong na conscious sa mga taong nakikita ko roon. Mukhang inaasahan talaga ako ni Mr. Jay dahil ng banggitin ko ang pangalan ko sa receptionist ay agad akong pinaakyat sa taas kung saan ko makikita ang hinahanap. Binanggit niya sa akin kung anong floor ako dapat pumunta. Pagkatapos ko magpasalamat ay naglakad na ako papunta sa elevator. Habang sakay ng elevator ay panay ang ayos ko sa sarili. Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang pagtunog ng elevator. Ang bilis at lakas ng t***k ng puso ko. Huminga ako nang malalim at hinihintay na magbukas ang elevator. Paglabas ko ay lumapit ako sa reception. "Good morning, I'm Althea Mendoza and I'm looking for Mr. Jay," nakangiti na sabi ko at ngumiti rin siya. "Good morning too Ma'am. Mr. Jay is expecting you, he will be with you shortly Ma'am. You can wait for him over there," nakangiti na sabi niya. "Thank you," nakangiti na tugon ko at umupo na ako sa pwesto na sinabi niya. "Good day Ms. Mendoza, thank you for coming," bati niya sa akin at tumayo ako. "Nasa meeting pa si Axel pero matatapos na rin any moment now. Dito mo na lang siya intayin sa opisina niya," sabi niya pagkapasok namin sa isang malaking silid. "Sige po," nakangiti na sabi ko at umalis na siya. Pumasok na ako ng tuluyan sa silid at lalo ako namangha sa mga nakikita ko. Tumingin ako sa paligid at lahat ng mga nakikita ko ay parang galing sa isang magazine. Perfect ang lahat mula sa kulay ng dingding, mga kagamitan na siguradong mamahalin hanggang sa maliit na display. Naglakad ako papalapit sa salamin ng bintana dahil na curios akong tingnan ang view mula roon. Nasa eighteenth floor ako at makikita mula roon ang mga katabing matataas na building. Napangiti ako ng pagtingin ko naman sa baba ay parang mga langgam ang mga tao. "Ganito pala ang feeling kapag nasa taas ka," nakangiti na sabi ko. "I hope your enjoying the view," tinig mula sa likuran ko. Nagulat man ako sa narinig ko pero hindi ko pwede ipahalata. Kinagat ko ang ibabang labi ko at ipinikit ko ang mga mata ko bago ako huminga ng malalim. Dahan-dahan ako pumihit paharap sa kanya at nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat. "Ikaw?" hindi makapaniwala na tanong ko. "Yes. It's me Ms. Mendoza," walang emosyon na sagot niya. Hindi ako makapaniwala na ang taong niligtas ko at ang taong na encounter ko mula sa charity event ay iisa. Saglit na pumikit ako para alalahanin maigi ang mukha ng lalaking niligtas ko noong gabi ng insidente. Puno kasi ng sugat at dugo ang mukha niya kaya hindi ko matandaan ang mukha niya. Pagmulat ko ay nakatingin siya sa akin at medyo nailang ako kung paano niya ako tingnan. “Maliit nga talaga ang mundo.” sabi ko sa sarili. Habang tinitingnan ko siya ay nakaramdam ako ng tuwa dahil okay na nga talaga siya. "I wasn't expecting that you will come this fast," sarkastiko na sabi niya at nagtaka ako. Bago pa ako makapagsalita ay sinenyasan niya ako na umupo na sinunod ko naman. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil matamang nakatingin siya sa akin habang naka-cross ang mga braso sa dibdib. Tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa at umayos ako ng upo. "Nang puntahan ako ni Mr. Jay kagabi at sinabi na hinahanap mo ako ay medyo nagulat ako. Hindi ko kasi inaasahan na makilala kita pagkatapos ng gabing iyon. Masaya ako makita na okay ka dahil bago kita Iwan ay pinalangin ko na makaligtas ka. Ang bilis lumipas ng panahon dahil parang kailan lang iyon. Hindi madaling kalimutan pero - "How much?" putol niya sa sinasabi ko at napatingin ako sa kanya. Naguluhan ako sa narinig ko pero ng tingnan ko naman siya ay wala akong nakita na emosyon. Nagtaka tuloy ako kung siya ba ang nagsalita ba o guni-guni ko lang? "Ang mahalaga ay okay ka na ngayon - "Half a million," putol ulit niya. This time hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko dahil malinaw kong narinig ang sinabi niya. Tiningnan ko siya at makikita sa expression ng mukha niya ang pagkayamot. Hinihintay niya ang tugon ko sa sinabi niya. "Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako hinahanap? Akala ba niya ay maniningil ako dahil sa ginawa kong pagligtas sa kanya? Bakit pakiramdam ko ngayon ay iba siya sa tinutukoy ni Mr. Jay?" tanong ko sa sarili habang nakatingin ako sa kanya. "Well, I guess half a million doesn't really compensate for what you did. My last offer now is one million and I think it is enough," nangungutya na sabi niya ng hindi ako tumugon at tiningnan ko lang siya. "Take it or leave it Ms. Mendoza," pormal na sabi niya ng mapansing nanahimik ako. Gusto kong matawa sa narinig ko dahil malayong-malayo ito sa inaasahan ko. Ang pagkakaintindi ko sa mga sinabi ni Mr. Jay kagabi ay gusto niya akong pasalamat pero hindi ito ang ibig sabihin noon. Ilang beses ko sinabi sa kanya na hindi ako humihingi ng kahit anong kapalit sa ginawa ko. Pakiramdam ko ay ininsulto niya ang buong pagkatao ko dahil hindi man lang niya ako kinilala bago niya ako alukin ng pera. Nakuyom ko ang isang kamay ko dahil harapang pang-iinsulto ang ginagawa niya sa akin. "Ang kapal ng mukha ng gagong ito. Ano ang tingin niya sa akin? Hinahanap niya ako at pinapunta ako rito para lang sa walang katuturang bagay. Sobrang baba ng tingin niya sa akin para isipin na Pera ang habol ko sa kanya. Ako naman itong si tanga sumugod naman agad ako rito at naniwala sa mga sinabi ni Mr. Jay. Ano nga ba ang dapat kong asahan?" bulong ko habang pinipigilan ang galit nagbabadyang sumabog. "You are saying, Ms. Mendoza?" tanong niya. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tiningnan ko siya saka ako tumayo. Sana nakinig ako sa instinct ko na hindi magandang ideya ang magkita pa kami. Sana ay sinunod ko na lang para hindi kami umabot sa ganito. "Don't tell me one million is not enough," hindi makapaniwala na sabi niya at ngumiti ako. Sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko pero mukhang sasabog na talaga ako. Hindi ko hahayaan na patuloy akong insultuhin ng taong ito. Hindi dahil mayaman siya ay pwede na niya ako tratuhin ng ganito. "Wow! Hindi ko na imagine na ganito ang kahahantungan ng pagkikita natin. Sa totoo lang sinabi ko kay Mr. Jay na mas mabuting hindi na tayo magkakilala dahil wala naman akong intensyon na humingi ng kahit Anong kapalit sa ginawa ko. Pero dahil sa mga sinabi niya nakumbinsi niya ako at naisip ko na wala naman masama kung papayag ako. Sana na lang talaga hindi na ako pumunta rito," sabi ko habang pinipigilan ang mapasigaw. "Mr. Rodriguez, thank you for the offer pero noong nakita kita ng gabing iyon never ko inisip kung ano o magkano ang magiging kapalit ng gagawin ko. Siguro nga mayaman ka at kitang-kita naman pero pasensya na dahil hindi lahat ng taong nakakasalamuha mo ay pera lang ang habol sa iyo," dagdag ko. "Really Ms. Mendoza, it didn't cross your mind?" nakakaloko na tanong niya at tiningnan ko siya ng masama. "Mahirap lang ako Sir pero hindi ako mukhang pera. Mas gugustuhin kong magtrabaho ng ilang oras kaysa tanggapin ang pera mo," taas noo na sagot ko. "So you are saying Ms. Mendoza that money is not important to you?" tanong pa niya. "Ganito na lang Sir, ang pera na inaalok mo sa akin mabuti pang ibigay mo na lang sa kahit kanino na mas nangangailangan. Isipin mo na lang na quits na tayo," sabi ko na may nakakaloko na ngiti sa labi ko. "Okay fine, I think you are having a hard time computing how much you want. I believe you have my number so just call me anytime and tell me how much you need. But I must warn you I don't want to waste time and I don't have the patience to wait," sabi niya. Napapikit ako ng mariin para pakalmahin ang sarili. Gustong-gusto ko siya hampasin ng bag na hawak ko para matauhan at baka sakaling maintindihan niya ang sinasabi ko pero pinigilan ko ang sariling gawin iyon. Ayaw kong mag-aksaya pa ng oras kaya mas pipiliin ko na umalis na lang. Galit na galit ako at kung hindi pa ako aalis ay baka makapagsalita ako ng hindi maganda. "Goodbye, Mr. Rodriguez!" paalam ko at walang lingon na lumabas ako ng opisina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD